Claire

4.5K 64 2
                                    

Umakyat na kami sa quarters para mag ayos ni Chlea.

Kailangan namin mag blend in sa mga estudyante. Kailangan namin ni Chlea makapasok sa loob ng Gymnasium nang hindi nalalaman ng mga Creature Hunters. Sila Jonas, Hunter at Magnus ang bahala sa labas. Hindi namin alam ang kakalabasan ng gabing ito pero ang dinadasal ko lang ay sana mag work ang plano namin.

If we fail, madaming buhay ang kapalit.

Plan of attack -slash- Rescue mission ang inihanda namin. Rescue mission para sa mga walang kamalay malay na estudyante ng Canfriff, at plan of attack para tuluyan nang matigil ang kasamaan ni Gardo.

Nakakatakot isipin ang mga possibilidad ng mga mangyayari mamaya. Bata palang kami ni Hunter, we knew this day would eventually come. Pero hindi namin inexpect na ganito kabilis ang mga pangyayari. Kinausap niya ako kanina pagkatapos ng briefing. Wala nang ibang taong mas nakakakilala sakin kesa sakanya kaya nahalata niya agad ang kaba ko.

"It's okay to be scared, Claire."

Hinawakan niya ang aking mga kamay at umupo sa tabi ko.

"Hindi ako takot for me." sagot ko.

"Natatakot ako for everybody else. For Chlea, For Jonas, your dad, ikaw? Hunter look around you! Buong buhay tayong nagtrain for this. Ang hirap isipin na karamihan satin are no older than 20 vamp and wolf years? Super natural tayo, I get it. Pero hindi ko lubos maisip na sa tagal ng pwede nating ibuhay, pinagkakaitan padin tayo ng oras."

"Claire, I get what you're saying. Halos sabay sabay na tayong lumaki and trained together. Pero I want you to look around you in a different point of view. Natatakot din sila like you, oo, pero tulad ng sinabi mo, matagal pa ang pwede nating ibuhay! Pwede pa nating bigyan ng chance mabuhay ang future generations na sasalba sa namamatay nating specie! Each and everyone of us didn't become warriors just so we would die as one, Claire. We became warriors to fight for our chance to actually get to live the years na pwede pa nating ikabuhay. Magtiwala ka, Claire. Tiwala lang!"

"Tiwala lang!"

Ngayon na papalapit na ang oras ng final briefing, Yun ang mga salitang pinanghahawakan ko ngayon. Habang pinagmamasadan ang sarili ko sa salamin, suot suot ko na ang dress na ginawa specially para samin ni Chlea for tonight. 

Tama si Hunter! This fight isn't about us anymore! Hindi kami lalaban just to get a chance to live one more day, we've been living in constant fear and it has to stop! Binigyan ng karapatan ang lahat, mortal man o supernatural ang mabuhay. Lalaban kami para sa future ng buong ankan namin. Para sa mga susunod na mamumuno at magtatanggol ng aming mga kalahi.

After all, you can not love someone or something without having to fight for it.

I've dedicated my life to being a warrior, at wala nakong maisip pang ibang purpose other than to secure the chances of our future generation. May tiwala akong magiging malaya din kami!

And tonight, I've never been more ready to fight my way to freedom!

My Girlfriend is a Hybrid (My first ever tagalog story!) *Ongoing*Donde viven las historias. Descúbrelo ahora