Chapter 1

956 45 3
                                    

Binuksan ko ang pinto ng Dean office para lumabas at sinara ito nang padabog, narinig ko pa ang sigaw ng dean sa loob.

"Juskong bata ka wag kana manira ng gamit, aalis ka na't lahat maninira ka pa ng pinto"sigaw ng dean sa loob ng office nya.

Tinignan ko ang pinto ng Dean Office at halos mapatawa ako nang malakas nang makita na sira ang pinto.

Masyado atang napalakas ang pagkakasara ko.

"Ikaw na nga ang may sabi na aalis nako sa school na to kaya nag iwan ako ng remembrance para di nyo naman ako mamiss" Sabi ko sa kanya habang nakasilip sa sirang pinto.

"Ikaw talagang bata ka umalis ka na bago pa kita mapatay"
Sabi nang galit na dean. Diko alam ang pangalan nya dahil...

Wala akong pake.

"Oo na dean aalis nako kalma ka lang baka pumanget ka nyan, panget ka na nga papanget ka pa lalo" natatawa kong sabi sa kanya nakita ko pa syang tumayo sa upuan nya kaya tumakbo na ko habang tumatawa.

Ayokong mahawakan nang lumalakad na germs.

Habang naglalakad ako palabas ng school nakikita ko pang nakatingin sakin ang mga estudyante. Pinakyuhan ko sila habang lumalakad ako.

Pakyu para sa muka nilang puno ng mga make-up.

Nakita ko pang tinignan ako ng masama ng ilan sa kanila at ang iba naman ay inirapan ako.

Dukutin ko ang mga mata nyo eh baka pag ako umirap sainyo mamatay na kayo. Pamatay kaya ang irap ko.

Mas lalo ko pang nginudngod
ang daliri ko sa pagmumuka nilang hindi mawari kung muka ba o paa dahil walang pagkakaiba.

Pati amoy wala din pinagkaiba umaalingasaw sa panget, ay sa baho pala.

Palabas na sana ako sa bulok na eskwelahan na to nang may humarang sakin na tatlong paa na tinubuan ng tao.

Isa pa tong mga umaalingasaw sa panget.

"Hello to my dearest kaaway, Anong pakiramdan na aalis ka na sa school nato?" sabi ng nakangising aso na nagngangalang Nica.

"Well thanks for your wonderful question, Ansarap lang sa pakiramdam na aalis nako sa school na to dahil di ko na makikita ang mga pagmumuka nyong mukang paa na umaalingasaw sa panget" sabi ko na naging dahilan ng pagkawala ng ngisi sa nakakaasar nyang muka at napalitan ng inis.

"Girls hawakan nyo syang mabuti" pagkasabi nya non hinawakan ako ng dalawang bruha nyang kasama.

Maliligo talaga ako ng mabuti paguwi ko sa bahay.

"Aalis ka na rin lang naman Zyriene kaya bibigyan kita ng regalo na hindi mo makakalimutan" bumalik nanaman ang ngisi sa muka nya.

Regalong diko makakalimutan? Tsk baka sila ang bigyan ko ng regalo.

"Oh answeet mo naman nagabala ka pa, thank you pero ayokong tumanggap ng regalo galing sayo baka mahawaan pako ng sakit mo" sabi ko na nagpalito sa kanya.

Bobo putek.

"Bat ka mahahawa? At ako may sakit? Ano?" tanong ng asong si Nica.

"Ayokong mahawa baka magkagalis din ako, ayoko rin maging mukang paa katulad mo" nakangising sabi ko.

"Sumosobra ka nang babae ka" galit na sigaw nya.

"Dahil special ka" dugtong ko sa sinabi nya kaya ayun namumula na sya sa galit.

"Humanda ka sakin" sabi ng galit na galit na Nica.

"Matagal na kong handa Nica baka ikaw ang hindi handa" nakangisi kong sabi at halos matawa na ko sa itsura nya ngayon.

OMG muka syang namumulang paa haha.

Unti-unti syang lumapit sakin at ang bobo nadapa pa ang bruha. Tumayo ulit sya at tuluyan ng lumapit sakin at mas lalo syang nainis ng makitang tumatawa parin ako.

Handa na nya sana akong sabunutan ng pilipitin ko ang braso ng dalawa nyang kasamang bruha kaya natanggal ang pagkakahawak nila sakin. Sinipa ko si Nica sa tiyan at sinuntok sa muka kaya ayun nakahiga sya sa sahig.

Ang hawakan ako okay lang dahil madadaan naman to sa ligo pero ang saktan ako ayon ang hindi okay ayoko kaya magalusan.

Nakita kong pasugod na sakin ang dalawang bruha kaya sinuntok ko yung nasa kanan ko at sinipa ko naman yung nasa kaliwa ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakasipa at suntok ko natumba sila sa sahig.

Di pako na kuntento at binigyan ko sila ng tig dalawang tadyak syaka ako pumunta sa pwesto ni Nica na pinipilit tumayo habang hawak ang namimilipit nyang tiyan. Tinapakan ko ang dibdib nya para di sya makatayo.

Ang weak naman ni hindi manlang nga ako pinagpawisan.

"Hindi ka ba napapagod Nica na araw araw kang umuuwi na may pasa? Sabi ko naman kasi sayo di mo ko kaya sinasayang mo lang ang oras ko" nakangising sabi ko sa kanya.

"Di naman kita ibubully kung hindi ka mayabang at kung sumusunod ka lang sakin" sabi nya sakin.

"Ha? Bat naman ako susunod sayo? At dahil lang sa mayabang ako ibubully mo nako pero ikaw lang naman nasasaktan sa huli" sabi ko sa kanya at mas lalo kong diniinan ang pagkakaapak sa dibdib nya. Napapikit naman sya sa sakit.

"Basta i hate you kasi ampangit mo" bulyaw nya sakin pinunasan ko pa ang muka ko dahil tumalsik ang laway nya sakin at medyo nilayo ko ang muka ko sa kanya. Kadiri amp naamoy ko pa ang bunganga nya.

Tanginang bunganga yan amoy imbornal.

"Taena nag to-tooth brush ka pa ba? Kelan ka huling nagsipilyo? Amoy imbornal taena ka" nandidiring sabi ko sa kanya at ang bruha inamoy pa. Pagkatapos nya amuyin ang bunganga nyang amoy imbornal napangiwi sya at parang masusuka pa.

Taena kadiri inamoy pa buti di ako namatay sa baho.

"Anong amoy imbornal ka dyan? Ambango bango nga baka bunganga mo yung na aamoy mo" tinanggi pa ng bruha kahit alam naman nya sa sarili nya na mabaho ang hininga nya napangiwi pa nga sya eh.

"Ay sus tinanggi mo pa isang beses sa isang taon ka lang nag to-tooth brush noh? Grabe kase ang baho" nakangiwing sabi ko sa kanya. May naaamoy pakong daing wait daing? Sinundan ko ang amoy at napagalaman ko na nanggagaling pala yon sa pang ibabang parte ng katawan nya.

Putcha siguro isang taon din sya hindi naghuhugas ng ano nya.

"Taena baka mamatay pako pag di pako umalis dito bakit ba kase di ka nag to-tooth brush at naghuhugas ng ano mo" nasusuka kong sabi.

"Ano bang problema mo? Umalis ka na nga " nahihiya nyang sabi.

Taena dapat lang na mahiya ka.

"Aalis na talaga ako pero bago yan papatulugin muna kita"
Nakangising sabi ko.

"Ayy wait may sasabihin pa pala ako, sa susunod mag tooth brush ka na ah pati maghugas ka na rin ng ano mo umaalingasaw ka na nga sa panget umaalingasaw ka pa sa baho" natatawa kong sabi nakita ko pa kung paano sya mainis.

Tinanggal ko na ang pag-kakaapak sa kanya at sinuntok ko sya sa muka ng dalawang beses kaya ayun tulog.

Taena maliligo talaga ako ng mabuti nito.

"Matulog ka muna ng mahimbing dyan" natatawa kong sabi sa natutulog na asong si Nica

Umalis na ko at palabas na sana sa school ng naramdaman ko na parang masusuka ako kaya pumunta ako sa may damuhan sa gilid at dun sumuka.

Taena di mawala sa ilong ko yung baho.

••••••
Pavote po please thank you sa pagbabasa.

The Only Girl in Section FМесто, где живут истории. Откройте их для себя