Chapter 4

792 41 30
                                    

Zyrine's POV

Nagising ako ng may tumamang liwanag sa muka ko kaya tumayo na ako at nagunat unat. First day ko nga pala sa bago kong school tinignan ko yung orasan ko sa study table 6:00 am na pala.

Pumunta na ako sa banyo para maligo nang matapos ay sinuot ko na ang uniform ko. White long sleeve, black blazer at gray na palda na 3 inch above the knee ang haba.

Pagkatapos kong isuot ang uniform ay sinuot ko na ang medyas ko na kulay black na hanggang tuhod ang haba at black shoes.

Nagsuklay nako at hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok. Naglagay rin ako ng pulbos at liptint.

Tinignan ko ang sarili ko sa full length mirror ko at isa lang ang masasabi ko.

Ang ganda ganda ko talaga.

Kinuha ko na ang bag ko at sinarado dahil nakabukas pala. Bumaba nako at pumuntang Dinning room.

"Good morning Mom and Dad" bati ko sa kanila at kiniss ko sila sa pisnge.

"Good morning din sweetie" bati rin nila.

Umupo na ako at kumuha na ako ng bacon, egg, hotdog at fried rice matakaw ako eh bat ba. Sinimulan ko ng kumain at pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at nagpaalam na kila Mom and Dad.

Lumabas na ako at pumunta sa garage at pumunta sa Lamborghini Terzo Millennio ko. Sumakay na ako at nilagay ang bag ko sa passenger seat.

Nang mapansin kong may gumagalaw sa loob ng bag ko. Binuksan ko naman ito at biglang lumabas ang ulo ni minnie. Haysst kasama ko na naman sya.

"Pumasok ka na naman sa bag ko Minnie" sabi ko sa alaga kong ahas. Isasama ko na nga lang to.

"Behave ka lang don Minnie ah" Sinarado ko ng unti ang zipper at pinaharurot na ang kotse papuntang Nightmare Academy.

After 10 minutes ay nakarating narin ako sa NA. Nagdrive na ko papuntang parking lot at pinark ang kotse ko. Bumaba na ako at naglakad papuntang Dean Office.

"Hey may transferie. Mukang may bagong pahihirapan na naman si Queen"

"Goodluck na lang sa kanya muka pa namang mahina"

"Pero maganda rin sya ah kawawa ang kagandahan nya kung masisira rin naman"

"Dapat lang sa kanya yan. She looks like a bitch pa naman"

"Muka syang nawawalang aso dito. Di sya nababagay sa school na to, muka pa naman syang walang alam sa pinasukan nya"

Napailing na lang ako sa mga estudyanteng nagbubulungan na nakangisi. Di ko sila masisisi dahil hindi nababagay ang maganda kong pagmumuka sa school na to.

Ang school na to ay para sa mga mayayaman na tao. Pag sinabi kong mayayaman ay mayayaman talaga. Sila yung mga klase ng tao na lahat ng gamit ay ginto inshort mamahalin kaya aasahan ko na ang karamihan na etudyante dito ay mga spoiled brats.

Pero hindi lahat dito ay mayayaman lang. Isa rin to sa kinakatakutan ng mga tao na nakakaalam sa school na to na pasukan dahil hindi ordinayong paaralan to.

Isa rin tong school na kung saan pumapasok ang mga Gangsters, assassin at killers. Pero ang malupit sa lahat ay may nagaaral din ditong iilan na mga mafia.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only Girl in Section FWhere stories live. Discover now