Chapter 2

642 41 1
                                    

Zyrine's POV

Pagkatapos ng nangyari umuwi nako sa bahay para magpahinga dahil pagod na rin ako at gusto ko nang matulog.

Ang dahilan kung bakit ako na kick out ay dahil sa pisting queen bee daw kuno na kauri din ni nica. Wala sila kanina dahil pinatulog ko rin sila, di ko alam kung nasaan sila baka naospital na.

Pumasok na ko sa bahay at pumunta sa kusina. Nakita ko naman si Mei isa sa mga maid namin kaya nilapitan ko sya.

"Mei nakauwi na ba sila mom and dad?" tanong ko sa kanya. kasing edad ko lang si Mei at masasabi kong maganda sya.

"Nakauwi kana pala at syaka di pa umuuwi sila mam at sir. Kakain kana ba?" tanong nya sakin.

"Di na ko kakain at pakisabi kila mom and dad pagkarating na tulog na ako" sabi ko sa kanya.

"Sige sasabihin ko sa kanila" nakangiti nyang sabi.

"Pag gutom na kayo kumain na lang kayo, aakyat na ko inaantok na ko eh" sabi ko sakanya nagpaalam naman sya sakin.

Umakyat nako at pumunta sa room ko, nagshower muna ako at nagbihis ng pajama, pinatuyo ko na rin buhok ko.

Pabagsak akong nahiga sa kama ko dahil sa pagod, andaming nangyari sa araw nato. d
Di ko namalayan na nakatulog na pala ako..

~

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko, bumangon na ako at pinatay ang alarm clock.

"Good morning sa magandang ako" bati ko sa sarili ko.

Tumayo nako at nagunat unat syaka pumunta sa banyo para magsipilyo at maghilamos. Napatingin ako sa salamin.

Ang ganda ko talaga.

Masyado ba kong mahangin? Well maganda naman talaga ako, nagsasabi lang ako ng totoo.

Nagbihis muna ako ng black oversized t-shirt at black na short sinuklay ko na muna ang dark brown kong buhok na hanggang bewang bago bumaba at pumunta sa Dinning room para magbreakfast.

"Good morning mom and dad" bati ko sakanila at kiniss sila sa pisnge.

"Good morning sweetie" sabay nilang sabi at kiniss rin nila ako sa pisnge. Nagsimula na akong kumain nang bigla akong tawagin ni Dad.

"Bakit po Dad?" tanong ko. Medyo kinabahan din ako kasi medyo seryoso muka ni dad. Mukang may hula na ako kung bakit.

"Ano nanamang ginawa mo sa limang Schoolmate mo?" sabi ko na nga ba eh.

"Ah eh Dad ginulpi ko po kasi kumakain lang ako ng tahimik sa cafeteria ng bigla nya akong buhusan ng juice, aalis na lang sana ako non pero hinigit nya ko sa braso tas sinampal kase di daw tinatalikudan ang queen bee'ng gaya nya, napikon nako kaya sinampal ko din sya kaso nagalit ayun inutos nya sa mga alipores nya na sabunutan ako, syempre lalaban din ako no pinagsusuntok ko sila kaya ayun tulog mga paepal eh" paliwanag ko sa kanya napabuntong hininga nalang silang dalawa ni mom.

"Nakick out kana naman wala kapang isang linggo don nakick out kana, tapos yung dalawa na binugbog mo nacomatose buti nalang yung tatlo nabalian lang" sabi ni Dad. Hahaha good for them.

"Eh saan po ako lilipat ng school" tanong ko pangatlong lipat ko na to ngayong pasukan bale dalawang araw palang ako sa una at pangalawa tapos isang araw palang ako sa pangatlo. Gets mo? Nung isang linggo lang kasi nagsimula ang pasukan. Bale pang apat na sa lilipatan ko.

"Sa Nightmare Academy ka magaaral" tumango nalang ako.

Nightmare Academy?

Napangisi na lang ako ng palihim.

"Magpakabait ka dun ha" sabi ni mom. Aba dapat mabait sila sakin magiging mabait din ako sa kanila.

"Kung magiging mabait sila" sabi ko sakanila. Napabuntong hininga nalang sila.

"Kelan kaba magtitino Zea ha? Aba magtino kana hangga't maaga pa" sabi ni Dad.

"Sila naman ang nauuna gumaganti lang ako kaya sila ang sabihan nyo na magtino wag ako" sabi ko sa kanila.

"Yeah yeah ganyan naman lagi sinasabi mo" sabi ni mom habang umiiling.

"Syempre maganda ako" sabi ko sa kanila, Napailing nalang ulit sila. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.

••••••
Sana po magustuhan nyo and pavote na rin po thanks.

The Only Girl in Section FWhere stories live. Discover now