KABANATA 21

41.5K 1.3K 7
                                    

ELLE'S POV

ANG MALAMBOT na bagay na iyon ay muli ko ulit nati-aish Elle ang laswa.

Itinulak ko siya bahagya at tiningnan ito ng masama.

"Kainis ka alam mo ba 'yon?" Sabi ko saka iniwas ang mapanuyo nitong tingin.

Nakita ko sa gilid ng mata kong nakangiti ito pero agad din nagseryoso ng lumabas sa may kusina si Gail kasama si Chin.

"Oh, kuya anong ginagawa niyo ni Elle-hala si Elle na ngangamatis! Wag mong sabihing? Oh my f-cking ghad nag kiss kayo?!" Malakas ang pagkakasabi ni gail sa huling sentence kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Anong kiss pinagsasabi mo d'yan?" Pagkukunwari ko. "D'yan na nga kayo!" Inis na sabi ko.

Makabili nga muna ng makakain sa grocery para may madala mamaya.

Umakyat ako sa taas at kinuha ang wallet at cellphone ko.

Saka lumabas may malapit naman na
Convenience store sa loob ng village kaya walking distance lang din naman.

Nang makarating kumuha ako ng cart at nagpunta sa mga junkfoods,sunod sa wine section at sa meat section.

Matapos sa meat section nagtungo na ako sa counter pero na pansin kong may sumusunod sa akin, kanina ko pa siya napapansin na sumusunod sa akin habang namimili ako ng mga prutas.

Iba na ang kutob ko sa sumusunod akin kaya naman pasimple kong kinuha ang cellphone ko at itinext Gail na magpapasundo ako.

Nagsimulang manginig ang binti ko kaya binilisan ko ang paglalakad at saka ipinapunch ang mga binili ko.

Binitbit ko nalang iyon kahit na may kabigatan

Patakbo akong lumabas sa convinience store at dahil hindi ako biniyayaan ng mahabang binti naabutan ako nito at saka tinakpan ng panyo ang ilong ko.

Nakakahilong pabango, nakakaantok.

Ang huli kong nakita ay ang isang itim na van at nagsilabasan ang mga nakaitim na lalaki.

Zzz...

**

Nagising ako na sapo ang ulo ko nasa isang magarang cottage ako at na aamoy ko ang simoy ng hangin sa dalampasigan.

Teka na san ba ako?

Inalala ko ang nangyari kanina, nasa convinience store ako tapos may sumusunod sa akin at hanggang doon lang ang naaalala ko.

Bumukas ang pinto at may pumasok na isang matandang babae.

"Ma'am Elle gising na po pala kayo kanina ka pa po nila hinihintay magising."magalang na sabi nito

"Nasaan ako?" tanong ko.

"Halika na po." sabi niya. 

Tumayo ako at napansin kong iba na ang suot ko, isang beach floral dress.

Isinuot ko ang tsinelas at saka naglakad palabas sa kwartong iyon.

 THE MAFIA BOSS ACCIDENTAL BRIDE (COMPLETED)Where stories live. Discover now