KABANATA 11

49.1K 1.7K 49
                                    

KABANATA 11

ELLE'S POV

PAGDILAT KO sa mga mata ko puti agad ang sumalubong sa akin.

Nasa langit naba ako?

Nai-imagine ko tuloy yung mga angels na kumakanta sa langit yung parang mga choir? gets niyo?

Lumingon ako sa kaliwa may nakita akong isa pang higaan. Paglingon ko sa kanan nakita kong naka upo sa sofa si kuen nakacross-arms at natutulog.

Bat ang gwapo niya parin kapag tulog-ano ba Elle ayan ka na naman.

Hinawakan ko ang noo ko, bat may benda wala naman akong napansing sugat sa ulo ko.

Si Levin? Nasan na ang pamangkin ko.
Naghanap ako ng maitatapon sa kanya wala naman bali ang balikat ko pwera sa binti kong may tama ng baril.

Kinuha ko ang tissue box sa side table. Handa na sana akong itapon iyon nang biglang bumukas ang pinto pumasok ang isanvg nasa mid 30's at mid 40's nagulat ako ng yakapin ako nung babae ng makalapit ito sa akin.

"Thank you hija."bulong nito sa akin bago kinalas ang pagkakayakap nito sa akin.

Nalilito akong napatingjn sakanya.

"Oh you must be thinking who am i,  I'm Kuen's mom it's nice to finally meet you hija."sabi nito at hinila yung kasama nitong lalake "This is Franco, you can call him daddy hija, i am very thankful to have you as my daughter-in-law. Alam kong alam mo na delikado ang buhay mo dahil nga sa grupong sinalihan ng anak ko, still nanatili ka sa tabi niya." Niyakap niya uli ako.

"It's my pleasure to be with him po maa-"

"Call me mom okay?" Sabi niya.

"O-opo M-mom." Pinigilan kong maiyak, it's been a while since that accident happened. i never called someone mom,mama or nanay.

"Mom."narinig ko ang boses ni Kuen sa likod ng daddy niya.

"Hijo! Look at yourself, you have dark circles under your eyes you must be really tired, get some rest ako na bahala sa asawa mo."sabi nito.

Tiningnan ko si Kuen totoo nga ang sinabi nito may itim sa ilalim ng mata ni kuen.

"Ehem, ilang araw po akong tulog? Si Levin po?" Tanong ko tamang-tama bumukas uli ang pinto.

"Titamommy!"sigaw ni levin at saka tumalon na may nakahandang yakap para sa akin.

"Ouch."sabi ko,na upuan kasi nito ang paang may benda.

"Sorry po!"sabi nito saka yumakap sa akin.

"About your question earlier hija you're 3 days unconscious." Singit ng dad ni Kuen.

"Ganon po ba?"

"Hi miss clums."sabi nung kapatid ni kuen kadadating palang nito.

Sinamaan ko ito ng tingin.

"Uhm boys i need to talk to Elle, we need privacy please."sabi ni mommy.

Isa-isang lumabas sila kuen kasama si Levin na karga naman ni Zeus.

Parang batang umupo ito sa upuan na nasa gilid at saka hinawakan ang kamay ko.

"I have a lot of things to tell you about him hija!"sabi nito. Magaan ang pakiramdam ko sakanya kaya naman ngumiti lamang ako at tumango.

"Alam mo bang sa loob ng tatlong araw na pagbabantay ni Kuen sayo dito hindi niya naisip na umuwi man lang, siya pa nga mismo ang nagsabi na asawa mo siya at duty niya daw yun bilang asawa mo."sabi nito.

Hindi ko mapigilang hindi mapahagikhik pero agad ding natigil ng makita kong malaki din ang ngiti ng mom niya.

"I hope magtuloy-tuloy yan hija he's been cold since the day tamara got lost, hindi naman namin siya sinisisi pero lumayo bigla ang loob nito sa amin kaya sana maibalik mo ang dating masayahin at palangiti kong anak, alam kong magagawa mo yun hija."seryoso ako nitong tinignan.

"I will mom." Paniniguro ko.

"Wag mo sana siyang hayaan kainin siya ng galit at sama ng loob, he has trust issues, take care of my son for me."she added before kissing me at the top of my head at tumayo.

"Don't forget making my apo's okay~" she added and winked at me umalis na ito pumasok naman si Kuen.

"May sinabi ba si mom sayo?" He asked.

Hindi ko siya pinansin at ipinikit ang mata.

"Tsk!" Sabi nito nakarinig ako ng yabag papalayo sa higaan ko.

Idinilat ko uli ang mata ko at laking gulat ko ng sobrang lapit ng mukha nito sa akin isang maling galaw at magtatagpo talaga ang mga labi namin, lumayo ako bahagya sa kanya pero mali pala ang ginawa ko dahil nagtagpo ang mga labi namin.

*labdab~labdab~labda­b*

Jusko ko ang puso ko naghuhurumentado.

Ilang segundo ang itinagal non bago siya lumayo at lumabas ng kwarto ko.

Napahawak ako sa labi ko.

May ghad grabe naman tong puso ko kung makapagreact wagas! Jusko naman elle hindi ito ang unang beses na nahalikan ka pero bakit ang lakas ng tama ng halik na yun? Bakit gusto ko pa ng i- stop it malandi kong isipan tigilan moko!

Smack lang naman yun Elle, oa mo masyado!

Ito na ba ang sign na nagsisimula na akong magkagusto sakanya? Wag naman sana!

Natigil ako sa pagrereact ng tumunog ang phone ko sa gilid.

From : Caleb

Elle positive magkapatid nga sila.

May sinend siyang pic kaya tinignan ko iyon, yon yung result ng DNA Test.

'I hope the outcome of what I did is good.'

I said in my head as i crossed my fingers.


**

 THE MAFIA BOSS ACCIDENTAL BRIDE (COMPLETED)Where stories live. Discover now