KABANATA 9

50.6K 1.8K 91
                                    

KABANATA 9

ELLE'S POV


NAGISING AKO dahil sa nauuhaw ako kaya napagpasyahan kong bumaba para kumuha ng tubig. 

Tiningnan ko muna si Levin na mahimbing na natutulog sa tabi ko. 

Saka ako lumabas ng kwarto. 

Humihikab akong naglakad pababa ng may mapansin akong kung ano sa sahig.

"Ano to?"natanong ko sa sarili.

Umupo ako at hinaplos ang sahig medyo madilim at tanging sinag ng buwan lamang ang naging ilaw ko. 

Itinapat ko iyon doon at halos mapatili ng mapagtantong dugo iyon. 

Sinundan ko ang bakas ng dugo hanggang sa mapadpad ako sa harap ng kwarto ni Kuen. 

Tinambol agad ang puso ko at walang katok-katok na binuksan ang pinto at pumasok doon. 

Pagpasok ko kadiliman agad ang bumalot sa akin pero may kunting ilaw galing sa sumisilip na buwan sa may bintana nito. 

Wala ito sa higaan niya at nakabukas ang ilaw sa banyo nito. 

Naglakad ako papunta doon nakita ko itong nakahiga sa sahig wala itong suot na damit at tanging pantalon lamang ang suot niya, likod lamang niya ang nakikita ko kasi nakadapa ito sa sahig. 

May tama ng baril ang kaliwang braso nito at patuloy sa pag-agos ang dugo nito, lumuhod ako sa gilid niya at ginising ito. Inangat niya ang ulo niya at saka tiningnan ako.

"W-why are you h-here."nahihirapang­ sabi nito at pinilit na tumayo kaya inalalayan ko ito.

"Wag mo muna akong sungitan gamutin muna natin yang sugat mo."sabi ko at tinulungan itong makatayo. 

Inalalayan ko siya at saka pinaupo sa kama niya saka bumalik sa banyo at kumuha ng first aid kit.

Bumalik ako doon saka siya pinatalikod sa akin at ginamot ang braso nito, nasa may bandang likod kasi ng braso niya at ang tama ng baril.

"Saan ka ba nanggaling?" Tanong ko.

"Why are you doing this?"balik tanong nito. 

"Wag mokong sagutin ng tanong pagtinatanong kita."sabi ko at diniinan ang bulak na may alcohol sa sugat nito.

"Fuck! Stop being sadistic!"galit na sabi nito at saka ako tinaponan ng masamang tingin.

"Whatever!"sabi ko rito.

Matapos linisan ang sugat nito nilagyan ko ito ng gauze pad at saka siya pinaharap sa akin. 

"Thank you, you may leave."sabi niya at iniwas ang mukha. 

Nameywang ako sa harap niya saka siya tinignan ng masama. 

"Diba kakasabi ko lang na wag mo muna akong sungitan talagang pinipikon mo ko!" Sabi ko sakanya. 

"Tsk!"sabi nito. 

Kumuha muna ako ng bulak at nilagyan ng ito ng alcohol saka dahan-dahang inilagay ang bulak sa sugat nito. 

Kumunot ang mukha nito tandang nasasaktan ito kaya naman banayad lang ang naging kilos ko. 

"Huy di mo pa sinasagot ang tanong ko, saan ka ba kasi nanggaling."sabi ko rito.

Hindi ako nito pinansin. 

Napakasungit talaga! Nakakagigil!

Nakatitig lang ito sa akin na parang tinatansya ang bawat kilos ko.

 THE MAFIA BOSS ACCIDENTAL BRIDE (COMPLETED)Where stories live. Discover now