KABANATA 8

51K 1.6K 19
                                    

KABANATA 8

ELLE'S POV


"BILISAN MONG kumain dyan levin ibibili kita ng laruan." sabi ko habang tinitignan itong kumain.

Tapos na akong kumain kanina eh.

"Tita mommy *munch* si tito dad po?" tanong nito habang ngumunguya.

"Sinong tito dad?" nalilitong tanong ko.

"Mabait po si *munch* tito dad kaya sana tita mommy *munch* wag mo sanang *munch* awayin, siya po ang nakakita sa akin ng malawa po *munch* ako kahapon." sabi nito.

"Tumigil ka muna sa pagsasalita, kainin mo muna yan." sabi ko.

Tito dad? mabait daw? yun mabait tsk! asa ka naman baby Levin.

Iniwan ko muna siya habang kumakain at saka nagtungo sa kwarto ko.

Hindi ako pumasok sa opisina ngayon bahala siya dyan inaalila niya lang ako doon.

Kinuha ko ang cellphone ko at saka nakipag-voice call kay gail.

"Hi Gail." bati ko.

"Hi!"

"Free ka ba ngayon?" tanong ko.

"Why?" tanong nito pabalik.

"Samahan moko sa mall magshoshopping tayo." aya ko.

"Sure what time?" tanong nito.

"Ngayon na ipapasundo nalang kita sa bodyguards ko." sabi ko

"Okay...sige." sagot nito.

In end ko yung call at saka nagbihis.

Matapos magbihis hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at saka bumaba na.

"Tapos ka na Levin?" tanong ko.

"Opo tita." sabi nito.

"Makinig ka aalis si tita pero maiiwan ka muna dito ha maglaro muna kayo ni manang okay?" sabi ko.

Nagsimulang namalisbis ang luha niya sa mata pababa sa pisnge.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Iiwan niyo na naman po ba ako?" umiiyak na sabi nito.

"H-hindi, babalikan ka ni tita okay? love mo ba si tita?" tanong ko. tumango naman ito.

"Kung ganon maging strong ka at protektahan mo ang sarili mo sa bad guys okay?" sabi ko.

"Opo!" sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

Haist nagpapalambing na naman.

"Sige na alis na ko para maagang makabalik si tita, Tita loves who?" i asked.

"Me!"

"Tita loves who?" i asked again.

"It's Levin and that's me!" he said.

Kiniss ko ang matambok na pisnge nito bago ko siya ibinigay kay manang.

Isinicure ko din ang bahay at saka pinabantayan ng maigi si levin hindi ko alam kong kailan kikilos yung nagbigay ng threath sa akin.

---

MALL

Nasa mall na kami at naglalakad nasa paligid lang ang bodyguards ko naka-on din ang gps ng phone ko.

Nakakawit ang kamay niya sa braso ko kaya sa tuwing may dinadaanan siya ay nahihila ako.

Panay naman ang sunod ng nga bodyguards ko sa likod, may iba nga ay nagkalat sa labas akala tuloy ng iba anak ako ng isang mataas na opisyal.

Gusto kong matawa sa naisip, sana nga.

"Bes may dumi ka sa buhok mo." sabi ko at pakunwaring itinuro ang tuktok ng bahagi ng buhok niya

Pakunwari kong kinuha ang dumi sa buhok niya pero buhok niya ang kinuha ko.

"Aray naman!" sabi niya at hinimas ang buhok.

"Sorry." sabi ko sabay piece sign inipit ko sa panyong hawak ko ang hibla ng buhok niya.

Nagpatuloy kami sa paggala at binilhan ng mga gamit si Levin.

Nag stop over muna kami sa isang restaurant para i-treat siya since ilsang buwan ko din siyang hindi na kasama.

Habang pumipili ng kakainin namin, nakita kong payuko-yuko ito sa lamesa at mukhang may pinagtataguan.

Nang makapili ng kakainin naman ay naglakad na ako papunta sa kanya na ikinagulat naman niya.

"Hmm..may pinagtataguan ka ano?" I asked.

"Ha? Ako? Wala ano, ah may ano lang yung ano..ahm nahulog yung ano."sabi niya.

"Para kang ewan, tara na nga at kumain."i said.

Nagsimula na kaming kumain, nang mabusog ay inaya ko na siyang umuwi nakakapagod ding gumala kahit paminsan minsan.

"Salamat sa oras mo gail ah?" sabi ko.

"Welcome, you can count on me anytime what are friends for?" she said after that we bid our farewell.

I remembered, nung hinihintay ko siya sa mall nuong na araw na din yun ako nakidnap at naging asawa nung unggoy.

I find myself smiling, yuck! Bat ako ngumingiti! Kadiri!

Nang makauwi sa bahay sumalubong agad sa akin si levin at may hawak na chocolates.

"Sinong nagbigay sayo niyan?" tanong ko.

"Si tito dad po." sabi nito. at takam na takam pa sa kinakaing chocolate.

"Kumain kana ba ng hapunan?" tanong ko.

"Sabay po kaming kumain tita." sabi nito.

Tumango tango ako atsaka siya kinarga papasok sa bahay.

May naramdaman akong parang may nagmamasid sa amin.

Binalewala ko nalang iyon.

"Binili mo ba lahat ng laruang gusto niya?" tanong nito.

"Ay butiki!" napatili ako sa gulat.

"Bat ka nang gugulat?!" sigaw ko.

Tinaasan lang niya ako ng kilay. aba talagang.

Ibinaba ko si Levin at pinapunta sa sala para doon buksan ang mga pinamili ko.

"Alam mo maiintindihan ko naman kong bipolar ka pero wag mo naman araw-arawin, tinitiis ko lang ang ugali mo kahit na inis na inis na ako at  gusto na kitang sabunutan, alam mo ba yun?!" sigaw ko.

"Will you shut up? You're too annoying that's why i keep on ignoring you." sagot nito at tinalukuran na ako saka sumunod kay Levin sa sala.

Annoying daw! Ikaw ang annoying pakain kita sa buwaya eh!

Sana naman hindi niya sungitan si Levin, aahitin ko na talaga ang kilay niya.

Pero hindi dapat iyon ang uunahin ko.

Umakyat ako sa taas at saka nagtungo sa kwarto ni kuen.

Pumasok ako doon hindi naman nakalock. at aba well organize ha, napakalinis at nakaarrange yung mga gamit niya hindi makalat.

Nagtungo ako sa banyo nito at saka kinuha ang toothbrush niya pinalitan ko iyon ng kaparehong toothbrush nong sakanya saka ako nagmadaling lumabas muntikan pakong madulas.

Piw! muntikan na yun ah. tinext ko agad si Caleb ang kaibigan kong doctor.

Magpapatulong akong magpa DNA test para kay Avegail at Kuen at kapag napatunayang magkapatid nga sila hindi ako magdadalawang isip na pagtagpuin silang dalawa yun nalamang ang tanging paraan na alam ko para bumalik ulit sa dati ang pag-uugali ni Kuen.

Sana naman pagkatapos nito bumalik na ito sa dating paguugali para hindi na ako nabw*bw*s*t sakanya kainis!

Makatulog na nga kumain naman na din ako doon.

**

 THE MAFIA BOSS ACCIDENTAL BRIDE (COMPLETED)Where stories live. Discover now