Kabanata 14

9 4 0
                                    

KABANATA 14

BLIXIENE CAWIE

"Aice!" Pagtawag ko sa kaibigan ng makitang busy siya sa pagcecellphone sa hallway habang naglalakad. Mabilis niyang iniangat ang tingin na dumapo agad sa 'kin. Napangiti siya.

"Ikaw pala!" Aniya. Napatingin sa hawak ko. "Sayo iyan?"

Napatingin rin ako sa 'king kamay bago napangiti. "Oo, bigay sa 'kin ni Kuya kahapon. Nagulat nga ako eh, kakagising ko lang kasi no'n. Aniya'y para may magamit ako para sa school," paliwanag ko.

Tumango tango siya't napangiti na rin. Sabay na kaming nagpatuloy sa paglalakad. "Pwede ko bang mahingi number mo?"

"Oo naman!"

Binigay ko sa kanya ang number ko bago nagkapaalaman sa isa't isa. As usual sa classroom ang deretso ko. Wala na naman akong ibang kaibigan kundi si Aice lang. Kung meron man ay imposible iyon. Ayoko ng makipaglapit muli sa kahit sino. Mahirap magtiwala.

Ayoko ng magtiwala. I've already faced a tragic end last time in my best friend, she was Ayi. The only best friend I had while suffering. She intentionally broke my trust. Masakit para sa 'king nagawa niya iyon ng gano'ng kadali lamang.

Sinamantala niya ang kahinaan ko, sa mga oras na nanghihina ako. I thought she was the best of the best, but I was wrong.

"Lester! Hindi totoo iyon, maniwala ka sa 'kin..." Mahigpit ang kapit ko sa kanyang braso habang pilit siyang pinapakinig sa aking mga paliwanag.

Ayi blackmailed, and manipulated him. Akala niya magagawa ko siyang lokohin sa ganoong simpleng dahilan lang. Ayi made an issue about me and my past ex-boyfriend either, na dating pinagseselosan ni Lester. Jerome is a good guy, gentleman at malapit sa kahit sinong babae. Isa na rin ako roon. We got our closure after break up, at nagkaayos rin kaagad. We came back into friends, after lovers.

"Pangalawang beses na akong nakarinig ng ganito sa iba, Blixiene! Kaya bitawan mo ako't maghiwalay na tayo." Marahas niyang tinanggal ang kamay ko sa kanyang braso. Napaupo ako sa aking mga hita habang hinang hina sa mga nangyayari.

Ayi misunderstood the situation pagkapasok niya ng room. She captured a picture of us, hugging each other. Kaming dalawa lang ang naroon sa room na iyon dahil ang mga kaklase namin ay nandoon sa computer room. Nauna kaming natapos sa task kaya ganoon. Jerome helped me with the books. Nadulas ako kaya nasalo niya ako't naabutan kaming magkayakap na dalawa malapit sa pintuan.

I got issued, it spread all over the school. Sa kawalang kwenta niyon ay hindi na rin pinapansin ng guro. It was just a hug after all, pero si Lester? He couldn't get my point and can't understand my explanations. No, scratch that. He won't listen to my explanations.

Sa mga oras na iyon din nasa ospital ang Ama ko. Biglang hinimatay dahil sa atake ng puso. I've loved Lester unconditionally, he's my first boyfriend though. Matinding sakit talaga ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Hirap, at sakit, kakaisip sa mga memories na ibabaon nalang sa hukay, habang buhay. Naka moved on na 'ko, and I will never go back again. I'll choose this right path for me.

Unknown Number:

Where are you going?

Napakunot ang noo ko sa nabasang mensahe galing sa kaparehong number na nag-text rin kaninang umaga. Who's this R? Napalinga linga ako sa paligid, ngunit wala namang makitang magpapakabog ng damdamin ko. Well, that's my sense.

LOST IN YOUR SIMPLICITY (HIGHSCHOOL SERIES #3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon