Kabanata 32

7 0 0
                                    

KABANATA 32

BLIXIENE CAWIE

"Valenzuela, Blixiene Cawie V." Nang ianunsyo ang pangalan ko ay nakangiti akong tumayo kasabay ang mga magulang ko. Mas lalo akong napangiti ng marinig ang masigabong palakpakan ng mga tao sa paligid ko.

Naramdaman ko ang mainit na kamay ng ama kong inalalayan akong umakyat sa stage. I looked at them, with teary eyes.

"Proud na proud ako sayo, anak." Naiiyak niyang bulong sa aking tenga habang naglalakad kami patungo sa gitna.

Mas nanubig ang mga mata ko sa narinig mula sa ama. Tahimik lang akong pinagmamasdan ni Ina. I know she's proud of me too.

"With Highest Honor, Best In all Major subjects, Best in Minor subjects, Most Disciplined, Most behave, Conduct awardee, Perfect in attendance, Leadership Award, Most respectful, and Most Active." Bumaling sa akin ang Adviser naming si Prof. Daniel na may paghanga sa mata.

Naiiyak kong tinanggap lahat ng medals na sinabit nila sa akin. Halos magkanda ngalay ngalay na ang leeg ko sa dami niyon. Pero, higit sa lahat, ay sobra sobra ang tuwa ko sa bawat medalyang matatanggap.

"Thank you, po." Paulit-ulit kong sabi sa mga teachers na nakangiting nagsasabit ng medal sa akin.

"You deserve it, Miss Valenzuela." Namamanghang ngiti ni Prof. Daniel sa gilid ko pagkatapos kaming kuhanan ng litrato.

"Thank you so much, Sir." Tugon ko sa kanya bago bumaba sa stage kasama ang mga magulang.

Habang patuloy sila sa paganunsyo roon sa unahan ay sinalubong ako ng mahigpit na yakap ng mga kaibigan kong halos maiyak na rin sa sobrang kasiyahang nararamdaman. I hugged my girls and the seven boys.

"Congrats, guys."

"Congrats, tutoy! Buti naman nakita mo na utak mo."

"Congratulations, Powerpuff Girls!"

"Congrats, seven jerks!"

Kanya kayang bati sa bawat isa. I feel so happy seeing us achieved this kind of awards we unexpectedly deserve. Hindi naman lingid sa kaalaman kong matatalino rin sila kahit may pagka-isip bata, pero ganoon pa rin ang gulat ko ng matunghayan ang ganito.

Natapos ang seremonyas sa school. Nagsimulang mag-picture-an ang karamihan doon. Nagkaroon din ng class picture ang section namin suot ang toga. Hindi ko maipagkakaila ang sayang naramdaman ng makitang masaya rin sila para sa 'kin.

"Napakatalino mo, Blixiene! Ikaw na ang beauty and brain!" Isa sa mga kaklase kong babaeng hindi ko matandaan ang pangalan.

"Hakot award ka ghorl! We're so proud!"

"Dapat lang na maging proud tayo sa kanya 'no! Siya pambato ng section 3 'no!" Si Julie sabay yakap sa akin ng mahigpit. Ginantihan ko naman iyon habang natatawang nagpapasalamat sa mga sinasabi niya.

Ilang minuto nila akong pinagkaguluhan doon bago ako ipabuya sa dalawang lalaking nasa likod ko. Amoy palang kilala ko na kung sino. Nakangiti akong nagpaaalam sa mga kaklase kong nginunguso nguso pa ang nasa likod ko. Napailing nalang ako sa kanila't mahinang natawa.

LOST IN YOUR SIMPLICITY (HIGHSCHOOL SERIES #3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon