Kabanata 29

3 0 0
                                    

KABANATA 29

BLIXIENE CAWIE

Inalalayan akong bumaba ni Aice at Rwin sa sasakyan. Nagaagawan pa silang dalawa kaya hindi ko nalang tinanggap ang nakalahad nilang mga kamay para sa 'kin. Mas lalo lang silang hindi magkakasundo kung iyon ang gagawin ko.

Sa mall ang pinili naming puntahan. Higit na malapit, madali lang puntahan. Iwas traffic na rin.

Bumaling ako sa dalawang masama ang tingin sa isa't isa. I tsked. Hindi makapaniwalang napailing sa harap nila. Namaywang ako't tinaasan sila ng kilay.

"Ano, ganyan nalang ba ang gagawin niyo kaya tayo pumunta rito?" Dahil sa sinabi kong iyon ay naagaw ko ang atensyon nilang dalawa. Kaagad na pumungay ang mata ng bawat isa ng bumaling sa akin. Matalim ko silang tinitigan. "Kung gusto niyo palang mag-away, sana hindi niyo nalang ako niyaya 'no? Anong role ko dito, referee?" Singhal ko.

Isang irap ang pinakawalan ko't nauna ng pumasok sa mall na ikinasunod naman nila kaagad. Napakagulo talaga ng mga lalaki sa mundo! Ang hirap intindihin! Hindi mo malaman kung ano ba talagang gustong gawin!

"Kain muna tayo, gutom na 'ko eh." Suhestyon kong agad naman nilang pinayagan. Ako na rin ang hinayaan nilang mamili ng kakainan. Syempre, 'yong hindi naman masyadong kamahalan ang presyo ang pinili ko, kahit si Aice ay gusto sa restaurant, na alam mo na agad kung anong dahilan niya.

Gusto niyang malagasan ng malaking pera si Rwin bilang ganti sa ginagawa nito. Napapailing nalang ako sa bangayan nilang dalawa hanggang sa makarating kami sa fast food chain na gusto kong kainan.

"Choose all you want, Shin. 'Wag kang papapigil." Nakangising sambit ni Aice na may binabalak.

"Fuck you, Ice cream." Isang malutong na mura ang ginawad niya kay Aice.

Tinampal ko ang bibig niya sa sinabi. "Huwag ka ngang magsabi ng bad words. Tsaka tigilan niyo ang pagbabangayan niyo! Kasama niyo ako!" Inirapan ko sila at umorder na sa cashier.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Aice mula sa likuran. Alam kong nanggagalaiti na sa inis si Rwin na wala namang magagawa sa kaibigan, lalo na't narito ako. They must control their anger towards each other. 'Saka nalang nila ituloy ang sapakan kapag wala na ako. Dapat walang matirang buhay.

"You knew Dexter Herrera, right, Blix?" Si Rwin, habang kumakain kami.

Nilingon ko siya ng may nagtatakang tingin. "Oo, bakit? May problema ba?" Sinulyapan ko si Aice sa tabi niyang ngumunguyang nakatingin sa 'kin. Pinapanood siguro ang reaksyon ko.

"I saw him last time with his ex-girlfriend doon sa park, in their village. May pinasuyo kasi no'n sa 'kin si Carlo, he's not home that time, kaya ako na ang inutusan. But, then... 'yon nga! Nakita ko sila ng ex niya. They seem back together. Lalo na't nakita kong yakap yakap niya si Trixie. Alam niyo namang may fans ang dalawang 'yon." Napailing iling si Rwin na para bang dismayado.

Hindi ako nakapagsalita. Thank God, Aice spoke for me.

"Kelan iyan? Baka naman noong nagbe-break na sila?" Tanong ni Aice ng hindi tumitingin kay Rwin. Nasa akin lang ang atensyon.

"Hindi! Noong friday lang 'yon, 'no! I'm sure nagkabalikan na ang dalawang 'yon, bago pa umalis si Dexter para sa outing nilang magkakaibigan. Baka nga kasama pa roon si Trixie eh!"

LOST IN YOUR SIMPLICITY (HIGHSCHOOL SERIES #3) |COMPLETED|Where stories live. Discover now