Kabanata 21

10 3 0
                                    

KABANATA 21

BLIXIENE CAWIE

Intrams had passed by, it was like a blink of an eye and month of January has come. Month of August exshaust me so much. Tinatanghali tuloy ako ng gising tuwing kinabukasan, at hindi na nakakapag-breakfast kahit mag-isa.

Dumaan ang holidays ng payapa, hindi ko mawari ang ibang pakiramdam. Sa tuwing holidays naman noon ay ramdam ko na agad ang tuwa ko, pero noong mga araw na 'yon nakaramdam ako ng kapayapaan pero ang saya wala.

Bumaba ako sa kusina para sa agahan. Nandoon na sila Ama at Ina, nauna nang kumain dahil sinabi ko. Na-late ako ng gising kanina kaya hindi ako agad nakasabay sa kanila, patapos na sila ng bumaba ako.

"Magandang umaga po," bati ko. I tried to smile genuinely, but i didn't succeed.

"Gandang umaga." Walang ganang bati ni Ina bagkus sumimsim sa kapeng nasa tasa.

Si Ama nama'y pinagpatuloy lang ang pagkain ng agahan. Naupo nalang ako sa gilid, tabi ni Ama. Doon naman lagi ang pwesto ko kaya maayos na iyon. Sinimulan kong kumain, dahil tapos na nga sila, akala ko aalis na sila roon pero hindi... sa halip ay nagsalita si Ina, biglaan tuloy akong kinabahan.

"Kamusta ang pagaaral mo?" Wika niya sa nakakatakot, pero seryosong boses. Mukhang normal para sa kanya, pero sa 'kin hindi.

Nilunok ko muna ang lahat ng nginunguya bago nagsalita. "Maayos naman po," sagot ko.

Her cold eyes pierced through me. "Pagbutihin mo pa, nakakausap ko ang mga guro mo, maayos nga naman. Sana'y walang hahadlang sayo para maiba ang direksyon ng buhay mo,"

Pumasok na ako sa classroom. As usual, ganoon pa rin ang kinahihinatnan ko. Laging may naririnig na panghuhusga sa mga kaklase, hindi na rin naman nagbago.

Nasaktan lang ako sa part na, akala ko iba sila sa mga taong nakasalamuha ko roon sa probinsya kaya ko pinili ritong magaral pero isang malaking pagkakamali pala iyon. Doon lang ako nasaktan, at natauhan ng husto. As if i have a choice to back out and study there instead. Sayang rin ang tuition dito na pinaghihirapang bayaran ni Kuya para lang masunod ang gusto ko.

My phone beeped. Agad ko namang tinignan kung ano iyon.

R:

Let's have lunch later? Wala akong masyadong gagawin, pwede ba?

Rwin is one year older than me, grade eleven na kaya hindi kami masyadong nakakapagkita. Despite that, we still became close to each other. Mabait ngang talaga ang taong iyon. He's understanding and has long patience towards his friends.

I've rejected his invites many times because i feel uncomfortable with him around, noon pa naman iyon. And now that i know him well, madali nalang para sa 'king pumayag.

Kaya lang, sumunod na nag-text naman si Aice.

Aice:

Hey, sabay tayo lunch mamaya. Walang emergencies, promise.

This past few months laging may emergency sa kanila, ngayon lang nagkaroon ng time para sa lunch namin. After kasi noong sa Intrams hindi na ulit nangyari. I understand him naman, he's stressed with a lot of works. May inaayos rin daw siya sa kompanya nila after school, kaya imbes na yayain pa ako'y, ako na ang nagtutulak sa kanyang ayusin na iyon. Their company's at fault those months, pabagsak na. And, his mother is hospitalized. Kaya mas lalong nahihirapan.

LOST IN YOUR SIMPLICITY (HIGHSCHOOL SERIES #3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon