TBD 20

513 27 1
                                    


Sabog na sabog ang notification ko sa lahat ng mga social media accounts ko. Dahil sa post ni rex. At sa mga comments nito sa mga posts ko sa IG,Facebook,and etc.

Well ibinunyag niya lang naman na nililigawan niya ako sa post niya kagabi at naka tag pa ako kaya 🤷.

Nakakaloka diba?

Blade Javier rostam liked your photo.

At ito pa! hindi rin ako inaasar ni Blade Rostam! naninibago tuloy ako. Ano kayang nangyari sa isang to?

Well.. it's not like may pakialam ako sakaniya.

Napairap ako

Merida Calling...

"Yep?"

"What the fuck Hannah?"

"What?"

"Naloloka na ako. Pati sa akin andaming nagtatanong kung legit ba yung mga post ni Rex. Pati tuloy ako napa deactivate ng account."

Na ikinatawa ko.

"Sa akin din gaga. Eh asan ka ba? Labas tayo. Naboboring ako dito sa bahay." wala kasi si Suzy as usual. At si Kuya Dion naman eh may importante daw na lakad, ako nalang talaga ang nandito at ang mga katulong namin.

"Oh himala at gusto mo ng gumala? Well.. Nandito ako sa SM. Punta ka dito sa McDo at may kasama akong gago." saka niya binaba ang tawag. Kaya mabilis akong nag bihis at nag pahatid kay manong SM.

"Thank you po Manong."

"Anong oras po ba kita susunduin young lady?"

"Itetext nalang po kita Manong."

Merida

Asan kana? Bilis. Ang tagal naman.

To:Merida

Sa SM na ako.

At ayun nga nakita ko siya. Pero nagulat ako ng makita ang taong nakaupo sa tabi niya.

"Blade?" Bakit niya kasama itong baliw na ito?

"Oh." kita ko din ang gulat sa mukha ni Blade.

"Oh Hannah!" At bakit natatawa ang isang to?

"Anong meron?" Bumalik ang tingin ko kay Blade at sa mukha nito. May nakaaway ba siya? Bakit may pasa din siya sa mukha katulad ni Rex? napa away ba sila?

At himala at sobrang Tahimik niya? Hindi ako inaasar ah. Tsk. Pumeywang ako at tinaasan siya ng kilay.

"Basagulero tsk."

"Ikaw kaya." napatingin ako kay Merida.

"Ano? Anong ako?" Basagulero ako?!

"Sabi ko Hannah. Saan tayo magshoshopping at si Blade ay ang magiging chaperon natin."

"Ano?! Ano bang pinagsasabi mo Merida--" pero tinakpan ni Merida ang bibig ni Blade at pinanlakihan ito ng mata.

The Billionaire's Daughter (Valeria Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon