Chapter Eight

473 17 3
                                    

"Sid, tara na. Kailangan ko nang umalis."

Nag-angat si Sid nang paningin mula sa binabasang magazine. Muntik na siyang masamid sa laway na bigla niyang nalunok nang makita si Gabby.

Suot ni Gabby ang isang halter type at kulay pulang mini-dress. Mababa ang neckline niyon at konting yuko lang nito ay makikita na ang hindi dapat makita. Maikli rin ang damit subalit hindi naman mahalay tingnan. Aninag na ang magandang kurba ng katawan ni Gabby na malimit ay natatakpan ng slacks at blusa. Nakaayos din ang buhok nito na malimit nakalugay sa opisina. Kagagaling din lang nila sa salon kaya maganda ang make-up ni Gabby. Add Gabby's confidence, and she sure looked like the most gorgeous woman inside the room.

Lahat ng mga tao sa loob ng boutique ay napatingin dito. Ang mga lalaking may mga kasama ring mga babae ay napasipol dito. Kahit siya ay pinagpapawisan nang makita ito ng mga sandaling iyon. Something stirred inside his pants.

Shit! Don't ever think of going there, saway niya sa isip.

Nameywang pa si Gabby sa harap niya.

"Bakit ka napapatulala diyan? Kung ayaw mong kumilos, iiwan na kita," mataray na sabi nito.

Doon siya napakurap. "Iyan ang isusuot mo sa date mo?"

Kunot-noong tiningnan siya nito. Mukhang kahit ito ay nagtataka na rin sa kanya. "Pwede ba, Sid? Wala akong panahong makipaghuntahan sa'yo."

Akmang tatalikuran siya nito kaya mahigpit niyang hinawakan ang braso nito bago pa niya napigilan ang sarili. Tinitigan ni Gabby ang kamay niyang nakakapit sa braso nito, pero hindi pa rin niya inalis iyon.

"Will you take your hands off me?"

"Hindi," mariin niyang sabi. "Magpapalit ka ng damit."

"Ha?"

"You heard me. Magpapalit ka ng damit." Sumenyas siya sa isang saleslady na agad na tumalima. "Miss, ihanap mo nga ng damit itong boss ko. Yung mas disenteng tingnan."

Nanlaki ang mata ni Gabby. Kulang na lang ay ipakulam siya nito sa tindi nang panlalaki ng butas ng ilong nito.

"Anong mas disente? Sinasabi mo bang mukha akong kaladkarin sa suot ko? Excuse me! Killer dress 'to!"

At para ipakita nito ang punto nito ay iniliyad nito ang dibdib sa kanya. Her lithe, curvaceous figure showed how powerfully beautiful she was – how she could dominate men in a blink of an eye. Napamura siya sa ginawa nito, lalo pa at may ibang imahe na ang tumatakbo sa isip niya.

Self-control, Lord, self-control.

"Wala akong sinasabing mukha kang kaladkarin. Ang sa akin lang, magbabayad ka na rin ng mahal, 'yung marami-rami ng tela ang bilhin mo para hindi ka malugi," pagdadahilan niya.

"What's wrong with my dress?" tanong pa nito.

"Oo nga naman, sir. Bagay nga kay ma'am eh," sabat naman ng saleslady. Parang gusto niyang ipagtanggal sa pwesto ito.

Natutop ni Sid ang noo. Bagay naman talaga kay Gabby. Mas higit pa sa salitang bagay. But he couldn't risk men ogling her breasts.

"Hindi ba at Chinese sila Stan? Conservative ang pamilya nila," labag sa loob na pagdadahilan niya.

Pero hindi ito natinag. Hinarap nito ang saleslady. "Masyado bang revealing?"

Umiling-iling naman ang babaeng parang gusto na talagang mawalan ng trabaho.

"Hindi naman po, Ma'am. Chinese designer pa nga ang nagdesign na'n. eh."

Hinarap na naman siya ni Gabby. This time, alam niyang inis na inis na talaga sa kanya ito.

Seasons 3: The Fall of AutumnWhere stories live. Discover now