Chapter Nineteen

547 28 6
                                    

"Tapos ang kapal pa! Sabi niya, lagi daw akong una. Iyon naman pala, may agenda!" asar na asar si Gabby. Sa pagkaasar niya ay luray-luray na ang salad sa harap niya dahil iyon ang pinagdiskitahan niya. "I'm gonna have my revenge. Hindi ako susuko basta-basta."

Tatawa-tawa lang si Mac. Nakaupo ito at sumisimsim ng tasa ng kape. Tinawagan niya ito para ipakita sa lahat na hindi siya affected. Sport naman si Mac at sumama sa kanyang kumain kahit na alam niyang nagtataka rin ito.

"Hindi mo man lang pinakinggan yung tao. Kawawa naman. I'm sure, may reason siya kung bakit niya ginawa iyon," puna ni Mac.

"Utang na loob daw. Pesteng utang na loob 'yan. Ipapakain ko sa kanya 'yon. Makikita niya sa Lunes," gigil na sabi niya.

Ang mas nakakagigil pa, parang may sariling utak ang puso niya. Ayaw maniwala ng puso niya na magagawa siyang pasakitan ni Sid. She could swear that he had loved her in his own way. Kapag tumitingin ito... Kapag ngumingiti ito at kapag hinahalikan siya nito ay nararamdaman niya na importante siya rito katulad ng lagi nitong sinasabi sa kanya.

Bago pa niya mapigilan ay naramdaman niyang may umalpas na makukulit na likido sa pisngi niya. Pinahid niya iyon.

"Anong gagawin ko, Mac? You've been through countless heartbreaks, right?"

Amused na amused si Mac nang tumingin sa kanya. "Hindi ko alam kung nang-iinsulto ka o nanghihingi ng tulong."

Napangiwi siya nang mapagtanto ang sinabi. "Sorry. Windang lang talaga ako. I couldn't believe I fell for that good-for-nothing bastard. To think na nakahanda na akong ibaba lahat ng pride ko para sa kanya."

"You love him," sabi pa nito.

Huminga siya ng malalim. Of course, she loved him. Kung hindi ay hindi siya masasaktan ng ganito.

"Kung mahal mo siya, bakit 'di mo pinagpaliwanag?" dagdag tanong ni Mac.

Minsan pa ay dinutdot niya ang gulay sa harap. "I'm scared. Paano kung totoo nga na pakitang tao lang ang lahat? I know I'm a strong woman, but when it came to him... Hindi ko alam. Kapag iniisip kong hindi nga niya ako magagawang mahalin, hindi ako makapag-isip nang maayos. Ang duwag ko 'di ba?"

Naalala niya ang ginawa niya noon kay Sid. She had disregarded Sid's feelings many years ago. Baka karma niya na iyon dahil sa ginawa niya dito.

Lord, ang lupit niyo naman masyado.

Nangingiti ngiti si Mac habang sumisimsim ng kape. Napatingin siya dito nang magsalita ito.

"Nakakatawa no? The people we love have the power to make or break us. Tapos tayo, wala tayong magawa. Tayo ang na-inlove so tayo ang talo." Nahimigan niya ang lungkot sa tinig ni Mac. Saka pa lang niya naalala kung ano ang pinagdaanan nito.

"Gabby, huwag kang masyadong mag-alala. I know for sure, mahal ka ni Sid."

Sasagot sana siya nang may mahagip ang mga mata niyang pumasok sa Seasons. Lalong nanlaki ang mga mata niyang nang makilala ang parehang naglakad sa gitna ng silid. Si Sid at ang haliparot na kababata nito!

"Tingnan mo nga ang pagmamahal na sinasabi mo!" inis na asik niya kay Mac.

Parang gusto niyang maging Kung-fu master at pagbabatuhin ng tinidor at kutsilyo ang dalawang talipandas na umagaw ng atensyon ng lahat. Sid walked with grace and sensuality. He looked so gorgeous it was so unfair.

Bwiset na Sid!

"Ni hindi ako hinabol, tapos ngayon ay may kasama nang iba? Mapapatay ko talaga 'yan," halos bulyaw niya.

Nagkasalubong ang mga paningin nila ni Sid. Sid's eyes twitched in irritation. Pagkatapos ay padaskol itong humila ng upuan sa katapat nilang lamesa. Si Steph nang makita siya ay agad siyang binati.

"Hello, Gabby," malambing na sabi ng babaeng hitad.

Inipon niya lahat ng self-control. Ang mantra: Do not do unto others... Do not do unto others...

"Hello, Steph. May lakad pala kayo ng sekretarya ko?" Kulang na lang ay maglagitikan ang ngipin niya sa tindi ng panggigigil dito.

Lumapad ang ngiti nito. "Yeah. Iniwan daw siya ng date niya. Sinamahan ko."

Ang kapal! Nanghuhuthot pa ng awa!

"Good to see you again, Pare," bati naman ni Mac kay Sid.

Gasino nang tumango si Sid na nanatiling nakatingin sa kanya. Pero nang lumapit ang waiter para kunin ang order ng mga ito ay dagli nitong iniwas ang paningin sa kanya. Mukhang galit na galit ito kahit na wala itong karapatang magalit.

Ilang sandali pa ay naririnig na niya ang masayang boses ni Steph na nagkwekwento. Kahit naririndi siya ay pinilit niyang ituon ang atensyon kay Mac. Alam niyang nakatingin si Sid kaya ngumiti siya kay Mac na parang nageenjoy din siya.

"Ano nga ulit ang pinagku-wentuhan natin Mac?" nakangiti niyang tanong dito.

Si Mac ay muling sumimsim ng kape sa tasa. "We were talking about your relationship with Sid."

Sinipa niya ito sa ilalim ng mesa. Ayaw pang makisama ng bruho. "Pinaguusapan natin na bagay tayo 'di ba?"

"Pwede rin."

"You sure look stunning tonight." Narinig niyang sabi ni Sid. Ewan ba niya kung sinasadya nitong lakasan ang tinig para marinig niya.

Humagikhik naman ang bruha. "Ikaw din."

Pinipigilan niya ang sarili niya pero ang hirap-hirap. Argh!

Tumigin siya kay Sid. Noon lang niya napagtanto na nakatingin din pala ito sa kanya habang nakasandal sa upuan. Mukha na talaga itong galit na galit at nagpipigil din. Nang makita niya kung paano hawakan ni Steph ang kamay ni Sid ay napatayo siya sa upuan niya. Hindi na niya napigilang tawirin ang kakarampot na distansya ng mesa nila.

Si Sid din ay napatayo na rin. Sinalubong siya nito sa gitna hangang sa mukhang tanga na silang dalawa na nakatayo na lang sa loob ng Seasons.

"Bakit kasa-kasama mo na naman 'yan? Kababata pala ha!" angil niya dito.

Tiim bagang na ipinagkrus ni Sid ang mga braso sa dibdib nito. "Eh ayan, bakit kasama mo 'yang lalaking 'yan? You ran out on me so you could be with him? Sawa na akong i-tolerate ka, Gabby."

"At bakit? Sinong may kasalanan kung bakit si Mac ang kasama ko? He deserves me more than you!"

Huminga ng malalim si Sid. Nabalot ng lungkot ang mga mata nito nang tingnan siya.

"Kailangan mo ba laging sabihin sa'kin? Kailangan mo ba laging ipaalala na kahit kailan ay hindi mo ako pwedeng mahalin?"

Sandali siyang nalito sa sinabi ni Sid. Kung makapagsalita ito, parang ito ang kawawa. Parang ito ang nagmahal at nasaktan...

She took one long look at Sid. Nakatayo pa rin ito at hindi umiimik.

Si Mac ang biglang nagsalita. "Mahal ka niyan, pare. Nagtatampo lang sa'yo."

Pinandilatan niya si Mac, lalo pa at kumunot ang noo ni Sid. His eyes were a little expectant. Kapag ganoon na ito ay mukhang talo na naman siya. Shit!

"Subukan mong sundan ako at uupakan kita!" banta niya dito.

Seasons 3: The Fall of AutumnWhere stories live. Discover now