Chapter Ten

464 16 0
                                    

"Iyan ba ang date mo?" tanong ni Sid kay Gabby.

Napatingin si Gabby kay Sid na hindi niya namalayang pumasok na pala sa opisina niya. Masyado kasi siyang concentrated habang pinag-aaralan ang mga datos sa harap niya. Itinaas niya ang isang folder at ipinakita kay Sid.

"Yes. He's my number one choice."

Nalukot ang mukha ni Sid. "Parang kalahi lang ni Noel, eh."

Sa sinabi ni Sid ay tinitigan niya ulit ang litrato ni Daniel Lazaro.

"Saang banda?" nagtatakang tanong niya. Kahit saang anggulo naman tingnan ay mukhang lalaki naman ito.

"Basta. Huwag 'yan," wika ni Sid. Pagkatapos ay may ibinigay ito sa kanya. "Ito nga pala 'yong files na hinahanap mo noong isang araw. Dinalaw ko na rin si Andy sa bar. I checked the records. So far, so good. Nagsisimula pa lang ang Seasons pero maganda na ang reception."

Pero hindi niya inalis ang sarili sa pagtitig sa litrato ni Daniel.

"Parang ayaw ko namang maniwala na kalahi ni Noel 'to," giit niya. "Maybe you're wrong. You're not always right, you know. Gwapo na, mayaman pa. Tiyak na magugustuhan 'to ni Daddy."

Humalukipkip si Sid at tinitigan siya. Sa mga titig nito ay parang gusto na naman siya nitong itaktak matauhan lang. Lihim siyang napangiti. Sa ilang linggo na nagkasama sila ay hindi siya tumitigil paghahanap ng mga prospective husband-to-be. Kung noon, ginagawa niya talaga iyon para sa kumpanya, ngayon ay nagdududa na siya sa sarili niyang motibo. Kapag kasi may nahahanap na siya ay umeentra sa eksena si Sid. Pagkatapos ay kung ano-anong sasabihin nito para lang siraan ang mga lalaki sa kanya.

She had developed this naughty notion that Sid was being protective of her. Hindi niya alam kung kailan pa siya umamot ng atensyon sa sekretaryo niya na lagi namang busy sa kung saan-saang bagay. Simula nang halikan siya nito ay napansin niyang dumi-distansya ito sa kanya. Kapag lang may prospect na naman siya ay saka ito nagiging attentive. Kaya sinasadya niyang maghalungkat ng kung sino-sino na lang basta lang bibigyan siya ni Sid ng dagdag atensyon.

Nang mapagtanto niya na iniisip niya si Sid kahit na kaharap na niya ito ay nahindik siya. She was infatuated by the man, jusmio!

"Pero mo lang ang habol nila, Gabby," untag ni Sid sa pag-iisip niya. "Hinihintay lang nila na ikaw ang unang lumapit dahil alam nila na hindi nila hawak ang upper-hand. Sa oras na pansinin mo sila, daig pa nila ang nanalo sa Lotto. They won't let you go until they bleed you to death."

Ikiniling ni Gabby ang ulo. Hindi niya alam kung anong sumapi sa kanya at gustong-gusto pa rin niyang asarin si Sid. Baka kapag naasar na naman ito sa kanya ay halikan na naman siya nito.

Naughty, Gabrielle. Naughty...

Pero hindi niya pinakinggan ang tudyo ng utak niya. Hinarap pa niya si Sid na nakataas ang kilay.

"Ano'ng masama doon? Ginagamit ko rin naman sila para sa kumpanya ko. At mabuti na 'yong walang feelings na involved. Hindi mahirap kumalas kung kinakailangan."

Sa sinabi niya ay nanalim ang mga mata ni Sid. Alam niyang mas lalo pang umiinit ang ulo nito. She really was having a good time teasing him.

"Ano bang paulit-ulit kong sinasabi sa'yo? Don't always think of everything as part of a business proposal, Gabby. Ayaw mo bang mag-asawa ng taong mahal mo?" sabi pa nito.

"At saan naman ako hahanap niyon, aber?" hamon niya dito.

Mukhang nalito si Sid. Pagkatapos ay ibinaba lahat ng mga folders sa mesa niya.

"Malay ko sa'yo. Ikaw ang may kilala ng lahat ng mga lalaki sa buong ka-Maynilaan," inis pang dagdag nito. "Just look beyond the surface."

"Tama ka nga. Hindi ako dapat tumitingin sa mga bank assets nila." Then she gave him a naughty grin. "Perhaps I should consider someone who kisses well, hmm? Ang sabi nila, makikita daw ang compatibility ng dalawang tao kapag pareho silang nag-eenjoy sa mga halik nila."

Tumuwid ang tayo ni Sid. Naningkit pa ang mga mata.

Gotcha! Ano ka ngayon?

"Magpapahalik ka kung kani-kanino?" asar na sabi nito.

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Bakit ka nagre-react diyan? Ano namang pakialam mo kung magpahalik ako? Alangan namang ikaw lang ang may free taste?"

"Free taste! What the--!" Sa hitsura ni Sid, mukhang hindi nito alam kung ano ang unang kakamutin – ang ulo nito o ang ulo niya. Tila nawalan ito ng sasabihin. "Don't you dare, Gabby!" Ito pa ang may ganang utusan siya matapos nitong dumistansya.

"Try and stop me, then," hamon niya. Hindi niya maitago ang katuwaan sa reaksyon nito. "Chicken."

Mukhang nabasa ni Sid ang iniisip niya dahil tumaas ang sulok ng bibig nito at ngumisi. May kung anong mapanganib na dumaan sa mata nito. Nang makita ni Gabby ang ngisi nito ay tila nag-tumbling ang puso niya.

Stop it, silly heart!

"Naiinis ka ba dahil lumalayo ako sa'yo nitong nakaraang linggo?" nakalolokong tanong ni Sid.

Taas naman kaagad ang depensa niya.

"Hoy, hoy! Excuse me lang. Wag kang feeling! Sekretarya lang kita," dagdag pa niya, baka sakaling tumiklop ito.

Pero hindi nagpapigil si Sid. Dumukwang ito sa lamesa niya katulad noong unang araw nito sa trabaho. Itinuon nito ang kamao sa lamesa niya habang unti-unting ibinababa ang ulo hanggang sa kapiraso na lang ang distansya ng mga mukha nila.

"Alam mo ba kung bakit lumalayo ako, Boss?" halos pabulong na tanong nito. His eyes searched her face and feasted on her lips. Nagtagal ito doon at may pakiramdam si Gabby na malalagutan siya ng hininga sa paraan ng pagtitig nito. "It's because I don't want to embarrass you. Maikli lang ang self-control ko, Gabby. Kapag inaasar mo ako ng ganito, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan ulit kita. Kapag hinalikan ulit kita, mawawala ka na naman sa sarili mo at sisisihin mo na naman ako."

Napasinghap siya. Iyon mismo ang iniisip niya pero kapag galing kay Sid ay parang siya pa ang nagiging talunan sa sitwasyon nila. Nang akmang magpo-protesta siya ay pinigilan siya ni Sid. Kitang-kita niya ang lalong pag-itim ng itim na nitong mga mata.

"As much as it's okay with me to lose my job because of that, ayaw kong magsinungaling sa ama mo kapag tinanong niya ako kung bakit mo ako sinesante. Sasabihin ko sa kanya ang totoo – na sinesante mo ako dahil nag-enjoy ka sa paghalik sa omo. So you see, I'm saving your arrogant little neck by keeping my distance, Boss," dagdag pang-aasar pa nito.

Kaya naman niya sanang sagut-sagutin si Sid pero hindi niya magawa. Pakiramdam niya ay tinanggal nito lahat ng hangin na natitira sa loob ng kwarto na iyon dahil nahihirapan siya biglang huminga.

"You're funny, Sid. As if naman totoo ang sinasabi mo," sa wakas ay nasabi niya. Papalakpakan pa niya ang sarili dahil nagawa pa niyang ituwid ang pagsasalita niya kahit na biglang nanlambot ang tuhod niya.

Ngumiti si Sid sa kanya. "Hindi ba?"

"Ano pa ba? I don't have time to mess around with a paid employee," nasabi na lang niya sa kawalan ng sasabihin.

Pero bigla ay gusto niyang bawiin ang sinabi. Lalo na nang makita niya ang ekspresyon ni Sid. The playfulness in his eyes was now replaced by something cold.

"Of course, you're right," segunda ni Sid sa pormal na tono. "Nasa labas lang ako. Tawagin mo na lang ako kapag kailangan mo ako."

Wala siyang nasabi nang lumabas nga ito ng silid niya. Parang gusto naman niyang sampalin ang sarili.

Hala! Lagot ka, Gabby!

Shut up!

Seasons 3: The Fall of AutumnWhere stories live. Discover now