Chapter 7 ✔

72 19 9
                                    

"Hey! Lyra, wait for me!"

'Wait mo mukha mo!' Sinisigawan niya si Davien sa kanyang isip. Nakakahiya talaga siya. Kailangan pa niyang itago ang mukha niya dahil sa sobrang hiya. Ano nalang ang sasabihin ng mga nakarinig sa sinabi ni Davien? Na pati sa labas ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa sex?

'Ahhh! I hate him!'

"Lyr---"

"'Wag mong sabihin ang pangalan ko!" Tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Davien. Nasa labas na sila ngayon at malapit na siya sa kanyang kotse. "Nakakainis ka! Pati 'yung waitress kanina namula dahil sa sinabi mo," paninisi niya rito.

Nagpipigil ng tawa si Davien hanggang sa hindi na niya napigilan at natawa na nga siya. "Really? Pinag-usapan lang naman natin ang tungkol sa sex. Hindi naman natin 'yun ginawa." Aba't nang-aasar ba ang lalaking 'to? Harap-harapan pa talagang sasabihin? May kakaibang ngiti sa mga labi ni Davien. "Unless..." Lumapit sa kanya ang lalaki at siya naman ay umaatras. Palapit ng palapit hanggang sa wala na siyang maatrasan dahil nakasandal na siya sa kanyang kotse. Kinulong siya ni Davien gamit ang kanyang dalawang kamay na mas lalong nagpabilis sa pintig ng kanyang puso. Nararamdaman lang niya ito kapag nasa panganib siya so it means, she's in danger right now?

"U-Nnless what?" Na-manage pa niyang magsalita despite their super closed faces.

"Unless you want to do it with me."

Nag-init ang magkabilang pisngi niya parang may mga paru-parong naglalaro sa tiyan niya dahil sa sinabi ng binata.

*Pakk

Hindi niya namalayang nasampal niya pala sa kaliwang pisngi ang binata. Dahil ba sa hiya?

Pero imbes na magalit ay mahinang natawa ang binata saka siya tinitigan na parang ikakatunaw na niya.

"What was that for?" nakangiting tanong sa kanya ng binata. Hindi niya magawang kumilos o kumurap dahil sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Naaamoy na rin niya ang mabangong hininga ng binata at ang kapeng ininom nito.

"A-Ahh... K-Kasi... P-Pwede bang..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya dahil nakatingin si Davien sa kanyang mga labi at palapit din ng palapit ang mukha nila.

"Pwede bang?" tanong sa kanya ng binata habang nilalapit ang kanyang mukha.

Hindi na siya nakapagsalita pa dahil sa sobrang kabang nararamdaman lalo na ng isang dangkal nalang ang pagitan ng kanilang mga labi.

Pumikit siya ng mariin at kinuyom ang kanyang mga palad. Hindi na niya kaya ang lakas ng pagtibok ng kanyang puso. Sasabog na ito ng wala sa oras! Grabe!

'Kalma ka lang hearty.. Wahhh!! Paano ako kakalma neto?'

Mas diniinan pa niya ang pagkakapikit ng kanyang mga mata ng maramdaman niya ng hininga ng binata na tumatama sa kanyang mga labi.

Accidentally In Love With A KillerWhere stories live. Discover now