Chapter 12 ✔

61 17 11
                                    

SHOUT OUT ALERT!

Shout out kay Maviline Jeana. Enjoy reading. Keep safe!☺

"K-Kuya nasaan kayo?" nanghihinang tanong niya. Malala ang mga natamo niyang sugat at sakit sa katawan dahil sa pakikipaglaban sa grupo ni Davien. Mabuti nalang din at nagawa pa niyang makatakas at makapagtago dahil kung hindi baka nahuli na siya. Nanginginig ang mga kamay na tinanggal ang mask na suot niya.

"Princess, ayos ka lang? Nasa'n ka na?" balik na tanong sa kanya ng kuya Cráezs niya. Naramdaman niyang may tumulo sa taas ng bibig niya kaya pinunasan niya iyon.

'Blood? I'm bleeding.'

Dahil na siguro 'yon sa mga sipa at suntok nila sa kanya.

Umubo siya bago nagsalita. "I-Im okay. Nasaan kayo? Pupuntahan ko kayo." Patuloy niyang pinupunasan ang dugo na dumadaloy mula sa ilong niya. Hindi na mahalaga sa kanya kung duguan man ang mga kamay niya ngayon.

Sinabi ng kuya niya ang lugar na kinaroroonan nila ng kanyang grandpa. Pinilit niya ang tumayo at sinuot ulit ang mask niya at iika-ikang naglakad. Nagmamasid siya habang naglalakad dahil baka may makakita na naman sa kanya.

'I'm tired of hiding.'

Marami ng napuntahan ang kuya at grandpa niya at lahat ng 'yon nalalaman ng mga kalaban. Sila lang naman ang nakakaalam kung nasaan sila. Si Dañale, si Cráezs, si Grandpa Fleit, si Adi, at si......... 'Krishma.' Si Krishma lang hindi niya lubos na kilala. Siya lang!

Mas binilisan pa niya ang paglakad. Lakad takbo na rin ang ginagawa niya para lang makita ang dalawang mahal niya sa buhay.

"Princess!!"

"Apo!!" Sabay siyang inakay paupo ng dalawa sa sofa nang makapasok siya sa pintuan ng bahay na napuntahan nila. May mag-asawa rin ang naroon. Tinulungan nilang tanggalin ang sumbrero, mask, gloves at ang jacket na suot niya.

"O-Okay lang ba kayo?"

"Kami ang dapat na nagtatanong niyan sa'yo!" nag-aalalang sabi ng kanyang kuya.

She smiled. "O-Okay lang a---"

"You're not okay," sabad ng matandang babae. Kumunot ang noo niya dahil sa pagsagot nito. Naintindihan ba ng matanda ang sinabi niya?

"What?"

"Let me heal your wounds." Tumabi sa kanya ang matandang babae. Nilinis niya ang kanyang mga sugat sa mukha. Hindi naman masyadong malala ang mga sugat sa mukha niya para hindi gumaling ng isa o dalawang araw. "Isa akong Pilipino." Her eyes widened in shock of what she heard from the old woman beside her who's treating her wounds.

"P-Pilipino ka ----- awww!"

"Sorry," sabi ng ginang dahil nasaktan siya sa pagdampi ng bulak na may betadine sa sugat niya. "Yes, I'm from Philippines. Nag-migrate lang kami dito ng asawa at anak ko 10 years ago." May anak din pala ito? Pero nasaan? "Pero 'yung anak ko, hindi ko na alam kung nasaan. Nang malaman niyang hindi niya tunay na ama ang asawa ko ay nagalit siya at naglayas kaya hindi ko na alam kung kumusta na siya. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya."

Accidentally In Love With A KillerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora