Chapter 45 ✔️

29 8 10
                                    

"Take care, son!" pahabol ng daddy at mommy niya nang medyo malayo na ang sinasakyan nilang bangka papunta sa isla. Kumaway lang siya sa kanila bilang tugon.

'Hay! Kinakabahan man ako, alam kong magiging masaya ang pananatili ko ro'n.'

Actually, guminhawa talaga ang pakiramdam niya kahapon. Lalo na ng pumayag si Lyra na maghanap siya ng iba para lumigaya muli sa pamamagitan ng pagpaparamdam.

At hindi naman niya kalilimutan si Lyra. Mananatili at mananatili pa rin ito sa isip niya, sa alaala niya.

Nasa may gilid siya kaya binaba niya ang kamay niya sa may tubig at dinamdam ang malamig na tubig sa kamay niya habang umaandar ang bangka.

Pinagtitinginan din siya ng mga babaeng kasabay niya. Marami sila nasa bangka dahil malaki rin naman ito. May mga lalaki at may mga babae.

"Ang cute nga niya eh."

"Duhh! He's handsome!"

"'Wag nga kayong magtalo! Bakit 'di niyo nalang sabihin na 'Cute na, gwapo pa?'" sagot naman nu'ng isa.

Natuwa nalang siya sa kaloob-looban niya.

'Cute na, gwapo pa?'

"Shut up! Baka marinig lang niya!" suway nu'ng isa.

"May girlfriend na kaya siya? O 'di kaya asawa?"

Nabigla rin siya sa tanong ng isa pa. Nilingon niya ang mga babae at nagtama ang tingin nila.

"Oh shitie! He heard you!"

Pero imbes na magalit siya ay ngumiti nalang siya na ikinabaliw at ikinatili ng mga babae.

"Ang gwapo!"

Binalik lang niya ang tingin sa dagat. Pinapakinggan nalang niya ang sinasabi ng mga babae. Puro naman papuri sa kagwapuhan niya ang naririnig eh. Minsan nga tatanungin ulit kung may girlfriend ba siya?

'Yes, I have a girlfriend. But she's gone.'

Napailing-iling siya dahil sa naisip niya.

45 minutes ang hinintay nila para makarating sa Maligaya Island.

Napakaraming tao rito. Maraming turista ang nakikita niya na galing pa sa ibang bansa.

"Sir Nathan Suarez?" Agad siyang napalingon nang may tumawag sa kanya. Nakita niya ang isang may edad na babae. Kasing edad lang siguro ng mommy niya. "Kayo ho ba si Nathan Suarez, Sir?"

"Ahh yeah," sagot niya.

"Welcome to Maligaya Island, Sir."

"Thank you." He smiled at her.

Inilahad ng ginang ang palad niya. "Ako nga ho pala si Sasha Derminio," pagpapakilala nito. At bilang paggalang ay inabot niya ang pakikipag kamay nito.

"I'm Nathan. Nice to meet you po Ma'am Sasha," he said.

Matapos nilang magkamayan ay nagsalita ang ginang. "Naku, hijo. 'Wag mo na akong tawaging Ma'am. Nanay o 'nay nalang ang itawag mo sa akin," nakangiting sabi nito.

'Bakit ba ang bait niya sa akin?'

"Po?"

"Halika na muna, hijo. Ihahatid muna kita sa matutuluyan mo."

Accidentally In Love With A KillerWhere stories live. Discover now