Chapter 44 ✔️

23 10 10
                                    

It's been a week since it happened. Hindi pa siya nakaka-kain. Hindi natutulog, laging wala sa sarili, walang kinakausap kahit ang mommy at daddy niya, nakakulong lang siya sa kanyang kwarto at doon umiiyak. Day and night, he's crying! He's like a hell now.

"A-Anak." Sunod sunod na katok ang narinig niya mula sa pinto ng kwarto niya. "Kumain ka na anak. Isang linggo na ang nakalipas pero hindi ka pa kumakain ng maayos." His mom sounds worried.

He didn't answer. He cried while staring at their picture together. He missed her so much.

'I'm so sorry. I promised you before that I won't get mad at you if I found out about your personality but I did. I'm so sorry. Please, come back to me. Patunayan mo sa aking tama ang kutob kong buhay ka pa,' sabi niya sa kanyang isip habang titig na titig sa picture nilang dalawa noon ni Dañale.

Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente. At hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanap ang bangkay ni Dañale kung saan nahulog ang sumabog na sinasakyan nila noon.

Naninikip ang dibdib niya, pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan ng lahat.

Kung binantayan niya noon si Lyra, hindi sana nangyari ang lahat ng ito.

Maging ang kuya at lolo niya ay nagdurusa at nagdadalamhati. Minsang pumunta siya sa mansion ng Vasquez ay napakatahimik. Walang imik ang dalawa. Panay lang picture ni Lyra ang hawak nila. Kung magsalita man sila ay tungkol pa rin iyon kay Lyra.

"She's soft-hearted." Mabilis niyang tinuyo ang pisngi niya nang magsalita si Cráezs. "Noong maliit palang siya, mabait na. She helped those people who's in need." Natawa ng mahina si Cráezs. "I-I can still remember the day when an old woman walking with her baggage, she immediately run towards that old woman." Napailing iling siya. "Kahit bata lang siya ay nakaya niyang buhatin ang dala ng matanda."

Ano ba ang dapat niyang isagot? Hindi na rin niya mapigilan ang sariling mapaluha at parang hindi makahinga dahil sa paninikip ng kanyang dibdib.

"My P-Princess... P-Papa's girl siya eh." His voice cracked. "Halos a-ayaw niyang malayo kay Papa noon. Kaya... k-kahit sa kompanya ay m-magkasama pa rin sila."

Bakit ba siya nakikinig? Lalo lang siyang nagui-guilty at nasasaktan kapag nakakarinig siya ng tungkol kay Dañale!

"Alam mo?" Tumingin sa kanya si Cráezs na pulang pula ang mata at namumugto na rin. "You're so lucky..." He wiped his tears. "K-Kasi ikaw ang kauna-unahang nakarelasyon niya. Ikaw ang kauna-unahang kinuwento niya sa akin at ikaw lang ang mahal na mahal ng kapatid ko." Halos hindi na niya masabi ng maayos ang sinasabi niya dahil napipiyok na siya. "Walang ibang lalaking nagtry na i-approach siya. Ikaw lang talaga."

"W-Why--- why a-are you t-telling me this?" Gusto niyang batukan ang sarili niya dahil sa tanong niya.

Matipid na ngumiti si Cráezs. "I just want to tell you how she loves you. How deep of her love for you." Nag-iwas ito ng tingin. "Can you do me a favor?" Kapagkuwan ay tanong niya.

"What is it?"

Huminga ng malalim si Cráezs. "Please move on. Hindi na natin maibabalik ang buhay ng kapatid ko. Wala na siya kaya kung maaari, 'wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Hindi ko sinasabing kalimutan mo ang pinagsamahan ninyo pero... gawin mo nalang ala-ala ang namagitan sa inyo."

Accidentally In Love With A KillerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin