Part 56

1.7K 121 18
                                    

NANG gabing 'yon ay mag-isang umiinom si Hiro sa labas ng lodging house. Wala sina Altair at Greg. Halatang disappointed ang mga ito sa kanya kaya walang habas na nilayasan siya ng mga walanghiyang di siya sinuportahan sa desisyon niya.

He was pissed as hell. He easily crumpled the empty beer can in his hand and threw it in the trash bin near him. Nagbukas siya ng panibago mula sa plastic bag. Kinabukasan ang flight nila pabalik ng Pilipinas. Wala na silang natapos na trabaho ukol sa script ng serye na ipinadala ng writer. Masyadong okupado ang isip niya at ang atensiyon niya ay waring natatabingan ng ulap. Ipauubaya niya na lang ang lahat sa direktor. Sa video editing na lang siya ng mga ito mapapakinbangan.

Di niya mahanap ang katahimikan at kapayapaan sa sarili. Sa ginawa niyang pagtataboy kay Ria, akala niya makukuntento ang galit na puso niya. Umalis siya ng Pilipinas sa kaalamang iba ang babaeng pinakasalan niya sa nagmamay-ari ng kanyang damdamin. Ang unang hakbang na ginawa niya ay ang paimbestigahan at hanapin ang dalagang pumapel bilang Rio. He didn't want to confront Rio's family so he moved silently. Sinong mag-aakalang ang kasagutang hinahanap niya ay matatagpuan sa mismong lugar na kanyang pupuntahan?

Opposite to his own actions and words, he seek for the girl not for the main reason of finding out the truth. He merely wanted to see her—only seeing her was enough—at first. Para makumpirma na ang pagmamahal niya ay di lang isang ilusyon. Subalit nang masilayan niya ang dalaga, humulagpos ang mga emosyong di niya nagawang kontrolin. Nag-uumapaw na pag-ibig at nag-iigting na galit sa panloloko at pang-iiwan nito. Sa totoo lang, nais niya itong ipaloob sa kanyang mga bisig at yakapin ng mahigpit. 

Ang mga masasakit na salitang sinabi niya dito ay triple ang balik sa kanyang dibdib. The girl was never been a stranger to him. He had to lie for himself because the end didn't justify the means. Nagpanggap na lang ito bilang si Rio ay hindi pa nilubus-lubos. Sa huli ay nagawa siyang iwanan ng dalaga kahit na ano pang umusbong na damdamin dito. Iyon ang hindi niya matanggap.

"My head's underwater but I'm breathing fine." Hiro found himself mumbling the song that the girl sang. "You're crazy and I'm out of my mind. Cause all of me loves all of you. Love your curves and all your edges. All your perfect imperfections."

Nag-unahang tumulo ang mga luha niya habang pabulong na kumakanta. "Give your all to me. I'll give my all to you. You're my end and my beginning. Even when I lose I'm winning. Cause I give you all of me. And you give me all of you...oh..." Pinahid niya ang mga luha, hinilamos sa mukha ang dalawang kamay, at tinuptop ang ulo. Tumitig siya sa kawalan pagkatapos. "Will you really give your all to me?" bulong niya sa hangin.

"Drinking alone?"

Inangat niya ang mukha mula sa pares ng cowboy boots na suot ng kaharap niyang bigla na lang sumulpot. It wasn't Greg. Nor Altair. Dylan Encarcion was looking down on him.

"Bastard," he automatically muttered. He was a bit tipsy. "Kung nandito ka para gumanti sa pananakal ko sa'yo noon. Feel free." Susuray-suray na tumayo siya sa pagkakasalampak sa damuhan. Iniumang niya ang daliri dito. "Pero hindi 'ko kasalanan na nanahimik kang gago ka! Sinundan mo ba 'ko hanggang dito para lang pamukhaan kung gaano ako katanga? You piece of sh*t—" The dude hit him before he finish his sentence. Tumalsik siya pasadlak sa lupa. Nakangiwing pinahid niya ang nalasahang dugo sa gilid ng bibig.

"Hindi ako gaya mo Hiro na nagtatanim ng sama ng loob. Pero dahil sa ikaw na ang nag-alok ng pagkakataon, sinamantala 'ko na rin." Balewalang umupo ito sa tabi niya at walang paalam na kumuha ng beer sa supot niya.

Bumalikwas siya sa pagkakasubsob at tiningnan ito ng masama. "Anong ginagawa mo dito?"

Nagkibit ito ng balikat matapos tunggain ang binuksang lata. "I followed a girl here."

His brows furrowed in suspicion. "Huwag mong sabihing mag-aaway na naman tayo sa iisang babae?"

"Na naman?" Pagak na tumawa ito. "Walang kaso sa'yo kung may iba si Rio noon at wala akong naging kaugnayan sa naging girlfriend mo. Ito ang kauna-unahan kung sakali, Akihiro Gustavo Buencamino."

"So interesado ka talaga sa kanya sa photo exhibit pa lang ni Altair? Don't you dare lay your hands on her Dylan Encarcion!" babala niya.

"At anong gagawin mo?" Seryosong tiningnan siya nito. "Nalaman 'ko kay Altair na wala kang balak na balikan siya. Isa pa, kasal ka kay Rio. Ligawan ko man si Ria, sa tingin ko wala kang karapatang pigilan ako."

"Damn you!" he cursed under his breath.

Umiling siya."It's not me who's being damned right now. You are, Hiro. You know Ria's feelings more than anyone else yet you still chose to blame everything to her. Hindi lang ikaw ang nasaktan kaya huwag kang umaktong napagkaisahan. That girl loves you with all of her heart. Ikaw ang higit na nakakakilala sa sinseridad niya. Tell me, anong mararamdaman mo kapag hinalikan at niyakap ka ni Ria pero ang pangalan 'ko ang sinasambit niya?"

Natigilan siya nang biglang mamanhid ang pakiramdam. Ni ayaw niyang buuin ang imahe sa kanyang isip.

"Everytime you touched that girl, you were calling the name of somebody else. Of course, hindi mo kasalanan dahil wala kang alam. Pero subukan mong lumagay sa posisyon niya. Wala kang ideya kung gaano ang sakit na tinikis niya. Kung gaano siya nahahati sa pagmamahal niya sa'yo at sa malasakit niya sa sariling pamilya. Hindi niya hiniling na malagay sa posisyong 'yon at hindi niya ginustong masaktan ka. I was there at her side when you got married, Hiro. Sa simula, plano niyang hindi sumipot sa kasal dahil kabaliwan ang pakasalan ka gamit ang pangalan ng kakambal niya. But amidst of it all, she prepared herself and returned just for you. Bumalik siya para sagipin ka sa nakaambang kahihiyan kahit pa ang kapalit no'n ay di matatawarang paghihirap sa parte niya. Gano'n ka niya kamahal."

Umawang ang kanyang bibig at lupapay na bumagsak ang dalawang kamay sa damuhan. Parang may umuga sa kanyang sistema. Kumulob sa kanyang pandama ang paghihirap at paninikis sa sariling kalooban.

"But she witnessed something worse than that. The real Rio came back. And she saw with her very own eyes on how you tied the knots with another girl. Umiyak lang siya sa isang tabi, Hiro. Ria was just a victim of her twin sister's manipulation. Tulad mo. Tulad ko. Hindi mo puwedeng isisi sa kanya ang pagpasan niya ng kalbaryo na sapilitang ipinaako sa kanya ni Rio."

Tuluy-tuloy na naglandas ang mga luha niya. Hindi siya nakahuma sa nalaman.

"Isang bagay pa. Buntis si Ria, Hiro. At alam nating pareho na ikaw ang ama ng dinadala niya."

His eyes widened in disbelief. Malakas na pumipintig ang pulso niya. Tila naglaho ang kalasingan niya narinig.

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now