Part 14

1.1K 79 3
                                    

ISANG buntong-hininga ang pinakawalan ni Ria nang tingalain ang Star Production building kung saan nagtatrabaho ang fiance ni Rio na si Akihiro Gustavo Buencamino. Mukhang nakilala siya ng mga guard na nasa main entrance dahil bahagyang yumukod ang mga ito sa kanya kaya kahit wala siyang employee's ID ay pinatuloy siya sa loob.

Marami siyang nakikitang mga taong paroo't parito sa lounge area. Karamihan ay aware siyang mga sikat na celebrity base na rin sa aura at sopistikadong pananamit ng mga ito. She wasn't familiar with the faces but almost all of them were good-looking and elegant. May confidence ang paglalakad at ma-ere ang presensiya.

Medyo asiwa tuloy siyang kumilos dahil puting shorts na hanggang tuhod at pulang three-fourth shirt lang ang kanyang suot. Pulang sneakers ang sapin niya sa paa at duffel bag ang bitbit niya. Katuwiran niya'y wala namang magiging pakialam si Hiro kahit na ano pang itsura niya kaya bakit pa niya pahihirapan ang sariling suotin ang mga damit ni Rio? It wasn't comfortable for her to wear those kinds of clothes. Masakit sa paa ang sapatos na may heels at limitado ang paggalaw niya sa hapit na mga skirts. Magmu-mukha lang siyang trying hard kung pipilitin niya ang sarili niya.

Sumakay siya ng elevator nang di na kumokonsulta pa sa reception desk. Tinawagan siya ni Hiro nang umagang iyon at pinapa-diretso na siya sa opisina nito sa eleventh floor. She didn't know the reason why. He didn't tell her anything. Basta na lang na inutusan siya nitong pumunta doon. Nais man niyang tumanggi dahil sa aroganteng tono nito, nagtimpi na lang siyang huwag itong bulyawan sa kabilang linya. Kailangan niyang habaan ang pasensiya pagdating sa binata.

"Remember that I call the shots here." Pinagkadiin-diin pa nito ang mga katagang 'yon na para bang idinidikdik nito sa kanyang utak. Wala siyang karapatang magreklamo. Iyon ang gusto nitong ipa-intindi.

"Don't talk as much as possible." Iyon ang ibig sabihin ng kanyang ama sa pakikipag-usap nito sa kanya ng nakaraang gabi. Susundin niya na lang ang payo nitong manahimik. Anong malay niya kung bukas, sa isang araw, o sa isang linggo ay hindi niya na kailangan pang magpanggap. Ruining the marriage with her stupid mouth won't do any good.

Deng! Nang marinig niya ang pagtunog ng elevator ay dali-dali siyang lumabas. Sa pagmamadali niya ay may nasagi siyang balikat sa hallway.

"Naku, sorry!" paghingi niya ng paumanhin.

"Rio dela Cerzo?"

Isang magandang babae ang nasilayan niya nang iangat niya ang mukha.

"Ikaw si Rio, tama?"

"Y-yes." And who are you? Nais man niyang isantinig ang tanong na iyon ay hindi puwede dahil waring isa ito sa mga kakilala ng kakambal niya.

"Totoo nga ang balitang naka-recover ka na sa aksidente. Ano bang nangyari sa'yo? Hindi mo sinasagot ang mga tawag at text messages ko."

Kumunot ang noo niya. Tawag? Text message? Marami siyang natatanggap na ganoon. Di niya iyon sinasagot ayon na rin sa habilin ng kanyang Papa puwera na lang sa manager ng kakambal niya na nagbabakasyon sa Greece. Tatlong buwan siyang naka-leave sa trabaho at sa mga taping niya sa GBS bilang isang host ng popular na talk show dahil nga sa kinasangkutan niyang aksidente. Panatag ang kalooban niyang walang gagambala sa kanya tungkol doon dahil ang ama niya na ang umaasikaso doon.

"Ang balita ko within next five months magsisimula ang season two ng Update Me," tukoy nito sa segment na hawak ni Rio sa GBS. "Imbitahan mo naman akong mag-guest sa susunod. The male public will be thrilled to watch the most popular newcomer actress-Diana Henderson."

Napamulagat si Ria nang marinig ang pangalan nito. Tanda niya ang pangalan nito sa mga contacts na nasa smart phone ng kakambal niya. "S-sige, ita-try ko."

The woman stopped and slowly looked at her. Parang di nito inaasahan ang maririnig. "R-really? Seryoso ka?"

Ria looked up and nodded hesitantly. "O-oo naman."

Nagliwanag ang mukha nito. Inalog pa ang balikat niya. "Whoa! Bakit bigla ka yatang bumait? You wouldn't even hear me out before. Don't tell me na-trauma ka sa aksidente at nagi-guilty ka na ngayon sa kasamaan ng ugali mo."

"Anong sinabi mo?" lumiko ang tono ng pananalita niya sa pagiging atribida nito.

Umatras ito at tinakpan ng daliri ang bibig. "O-oh, my bad. I'm sorry, Rio. Na-carried away lang ako. Forgive this pretty friend of yours. Peace." Ngumiti ito at nag-beautiful eyes pa.

No doubt. One of Rio's frenemies.

Ganoon karamihan ang relasyon ng kapatid niya sa mga babae sa eskuwelahan nila. Plastikan kung plastikan. Oo at marami ang humahanga dito pero marami ding naiinis dito dahil sa atensiyon na nakukuha nito.

"Nandito ka ba para dalawin ang fiance mo?"

Peke ang ngiting ibinigay niya dito. "That's none of your business," biglang sumimangot na turan niya. "Tabi." Bahagyang itinulak niya ito bago lampasan.

"Hoy Rio! Nakakausap mo ba si Dylan? Tinatanong ka niya sa'kin. Di niya alam ang bagong contact number mo. Hinihingi niya sa'kin pero di ko rin alam."

Hinablot niya ang smart phone nito at inirehistro doon ang numero niya. Padarag na ibinalik niya iyon dito. Saka siya naglakad palayo.

"Ibibigay ko ba kay Dylan?" pahabol na tanong nito.

She stopped and looked back. "No." Iyon lang at tinalikuran niya na ito.

"Tch. You're dumping men. Hindi na bago. At si Dylan lang ang nagtitiis na maghabol sa'yo." Naulinigan niya pang umismid ito bago pumuno sa pasilyo ang tunog ng takong ng sapatos palayo.

I don't even have an idea of what you're talking. Who the hell is Dylan? Pinagwalang-bahala niya lang iyon. Pero napahinto siya sa paghakbang nang may maalala. Lumingon siya ulit ngunit wala na doon ang babaeng nagngangalang Diana at mukhang nakasakay na sa tumunog na elevator.

"You had a guy with you named Dylan, right? Kasama mo siya sa pagbuntot sa'kin sa Isla Coron." Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Hiro. Hindi siya maaaring magkamali ng dinig. Dylan ang pangalan ng taong iyon---ang lalaking may kaugnayan kay Rio---ang taong makapagbibigay sa kanya ng sagot.

She ran back to the lift but it was already close. Gagamit na lang siya ng hagdan. Kailangan niyang makausap si Diana. Pero bago pa siya makatakbo ay may isang kamay na pumigil sa braso niya.

"Saan ka pupunta?" Si Hiro ang nalingunan niya. Naka-corporate attire ito at blanko ang mukha.

"S-sa CR," awtomatikong palusot niya.

Umiling ito. Tumaas ang isang sulok ng mga labi. "I won't buy that lame excuse. You're looking for someone, it's obvious." Napangiwi siya nang matumbok nito ang ginagawa niya.

"May nakita akong sikat na artista. Magpapa-autograph sana ako," pagdadahilan pa rin niya.

Mataman siya nitong tiningnan. Pamaya-maya pa ay umangat ang isang kilay ng binata. "Did you spot some male celebrities? Flirting is definitely not allowed in this building."

Sumimangot siya sa naging konklusyon nito. "Autograph lang flirting na agad. Sabihin mo 'yan sa mga fans nang bumagsak ang kompanya niyo."

Iginala nito ang mga mata sa paligid. Ilang mga tao ang napapadaan at humihinto para yumukod at bumati dito. "Let's go to my office."

"Saglit!" Binawi niya ang kamay. "Ang autograph..." Halos magyelo siya sa lamig ng tinging ibinigay nito sa kanya. She offered her hand again automatically. "Oo na. Oo na. Hayan na. Hilahin mo na ulit ako. Di na 'ko papalag."

The guy smirked before he took her hand. Pinagmasdan niya na lang ang likuran nito habang iginigiya siya.

Malakas talaga ang dating ng loko sa estilo ng mga pananamit niya. Ano kayang kailangan sa'kin ne'to?

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now