Part 30

1.2K 82 8
                                    

"MAY gusto ka ba kay Greg?"

"Ha?" Ilang gatla ang naroon sa noo ni Ria nang lingunin ang nagmamanehong si Hiro. Nagpaalam na sila matapos ang event program. Di na sila sumama pa sa overnight pool party

"You were flirting with him under my nose. You're quite daring, aren't you?"

Huminga siya ng malalim para pigilang umalpas sa bibig niya ang mga katuwirang nais niyang isigaw sa tainga nito. "Sinagip lang ako ng pinsan mo nang basta mo na lang akong iwan para makipag-sayaw sa kung sino." Lakas ng loob ng isang 'tong pagalitan ako samantalang siya ang nauna! Grrggg!!!

"Karylle was insulting you."

Umismid siya. Nakakuyom ang mga kamay niya sa kandungan. "Iyon na nga e! Ni hindi mo man lang ako nakuhang ipagtanggol kahit pabalat-sibuyas lang! Fiance mo 'ko pero hinayaan mong alipustahin niya 'ko. You don't even know how much you made me feel so irrelevant, you sadist bastard!" Ria could chew and swallow marbles with so much anger.

Biglang inihinto ni Hiro ang sasakyan sa may gilid ng daan. Tumingin ito sa kanya. Puno ng iritasyon at pag-aakusa. "I'm neither your prince charming or your knight in shining armor, Rio. Don't expect anything good from me because you'll only be disappointed. Ayokong mag-away kayo ni Karylle sa presensiya ni Greg. Iyon lang ang dahilan 'ko kaya inilayo ko siya sa inyo."

Bahaw na tumawa siya. "Sa tingin mo tinutulungan mo ang pinsan mo sa paraan mong 'yan? You'd only took the credit as the good man to satisfy yourself. Grabe ang lipad ng ego mo. Daig pa ang eroplano."

Dumilim ang mukha ng lalaki. "Shut up bitch! Don't you dare mock me."

"At ano?! Anong gagawin mo?!" hamon niya dito. She held her chin up even though she was slightly trembling with Hiro's sharp and bleak eyes. Nagbabadya 'yon ng malagim na sitwasyon. "Sasaktan mo 'ko?! Sige lang!" Iniumang niya dito ang pisngi. "Diyan ka naman magaling e! Sa mga pambabanta ka lang kumakana! You don't even have the balls to kill the girl who manipulated your life. Ang dead-end para sa'yo ay ang pakasalan lang ang isang gaya 'ko. Why don't you make the bland ending a tragic one? Get rid of me for real, coward asshole!"

Tumiim ang bagang ni Hiro. Kumislot ang panga at naglitawan ang litid sa leeg. He was clenching his fist on the steering wheel like he wanted to hit someone. Walang dudang ginising niya ang halimaw na natutulog sa loob nito. Bahagyang nakaramdam ng pag-aalinlangan si Ria. She was scared. That side of him that he didn't want to show because it was too dangerous—it was now making it's way out. 

Tama ba ang ginawa niyang pagpo-provoke sa binata? Dapat bang hindi niya lang sinabayan at pinatulan ang galit nito? No, she needed to deal with his fitting rage as soon as possible. Kung mananatili ang matinding poot na 'yon sa dibdib nito, hindi ito makakawala sa ala-ala ni Mariel. Lagi nitong babalikan ang pagsisising naiwan sa puso nito dahil sa resulta ng kinalagakang sitwasyon. Okay lang na masampal siya o masuntok ng ilang beses. At least hindi na 'yon aanihin ng kakambal niyang si Rio sangkot man o hindi ito sa mga naganap.

"Is this your way of loving me?" Kumurap-kurap si Ria nang marinig ang paos na boses ni Hiro. The guy wasn't looking at her this time. He was leaning forward with eyes straight on the road.

"H-ha?"

"If this is your way, I'll surely kill you." Dama ng dalaga ang kototohanan sa bagsak ng malumanay na mga salitang 'yon. "Get out," Hiro grimly muttered under his breath.

"A-ano?"

"Get out!" Napapitlag si Ria sa lakas ng sigaw ng lalaki. Awtomatikong binuksan niya ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling lumabas. Matuling sumibad palayo ang kotse pagkatapos. Kung hindi niya sinunod ang sinabi nito ay malamang sakal na siya ng binata.

Sa madilim na bahaging 'yon ng daan, dama niya ang panginginig ng kalamnan. That threat was not a half-ass joke this time. May laman ang mga katagang 'yon. Di lamang basta takutin siya kundi ipabatid sa kanya kung ano ang posisyon niya sa buhay ni Hiro. That man would always be the boss—the gravity. It's simply impossible to defy the gravity.

Tumulo ang mga luha niya tuptop ang bibig. Kumawala ang mga sigok at sinok. She groaned and cried with mix emotions filling her chest—fear and love. Bakit kailangang mahalin niya ang isang taong gusto siyang patayin? Ni hindi siya nakakaramdam ni gatiting na concern mula sa taong 'yon. He was just a cruel and selfish person who gets satisfied from hurting his enemy.

"Ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo talaga, Ria! Dapat hindi ka na umalis sa lungga mo! Dapat hindi ka na bumalik dito!" Dumausdos siya paupo sa isa sa mga plant box na nakahanay. Walang nagsasakay sa parteng 'yon daan. Madalang din ang dumaraang sasakyan dahil halos maghahating-gabi na. Ria looked at her empty hands. Naiwan niya sa dashboard ng kotse ni Hiro ang purse at smart phone niya. 

Paulit-ulit na tinampal niya ang noo. Hilam siya sa luha. At naka-party-dress pa. Sumisinghot na kinalma niya ang sarili. Kinabog ang sumasakit na dibdib. She shook her head and waited. Pagkalipas ng sampung minuto, huminto sa mismong tapat niya ang pamilyar na BMW ni Hiro. Bumaba ang binata at tumigil ilang dipa mula sa harap niya. Unang napansin ni Ria ang nagdudugong kamao nito. Mukhang sa ibang bagay nito ibinuhos ang pagragasa ng galit. Tumingala siya—pinangingiliran ng luha. May hinampo sa klase ng tingin.

"I'm sorry. Di kita gustong iwan sa ganitong klase ng lugar." Hiro's face was composed now. He softly smiled and offered his hand. "I really hate you, Rio. But I need you to love me right now. Or else I could only go die."

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon