Part 25

1.1K 74 1
                                    

TATLONG araw na ang nakalilipas nang huling makita ni Ria si Hiro. Nagpapasalamat na lang siya at sa isang linggo pa ang schedule nila sa flower shop na magsu-supply ng bulaklak sa magaganap na kasal.

Kagagaling niya lang sa bahay kung saan naka-confine at nananatiling tulog ang kakambal niyang si Rio. Walang pagbabago sa status nito. Di pa rin makumpirma ng doktor kung kailan ito magigising. The men in her family were so busy these days because of a big project—a happy news announced by her father. Gabi na kung umuwi ang Papa niya at ang Kuya Vinz niya ay tumutuloy na lang sa condo nito na malapit sa opisina.

Nang umuwi siya galing ng Bataan, walang namutawing mga tanong na inaasahan niya sa ama. Kahit tinawagan niya ito at ipinaalam na may gagawin silang shooting ni Hiro, di ito nagpahayag ng protesta o pagdududa. Marahil ay ipinauubaya na sa kanya nito ng buo ang pagpapel niya bilang si Rio. But she couldn't be relieved with that. Alam niyang hindi niya dapat na ipaalam sa Papa niya ang natuklasan niyang damdamin para sa fiance ng kanyang kapatid. Ngunit mahirap pala na sarilinin at kimkimin ang mga alalahaning kaakibat ng emosyong iyon. Ria was really praying hard for her sister to wake up. She wanted to vanish as soon as possible on Hiro's life. Hangga't kaya niya pa itong iwasan at tingnan. Hangga't hindi niya pa nararamdaman ang bigat ng bakal na ipinatong niya sa sariling balikat.

In the first place, how could she like a guy who already labeled her as the worst woman? Di siya masokista pero bakit tumibok ang puso niya sa isang sadista? She was not going to believe that it was the work of fate because if it was—SCREW FATE!!! She was the worst girl for him because he could only see her as her twin sister. And he was the worst guy for him because he was the fiance of her twin sister. Lahat ay problemang nakabinbin dahil kay Rio. Darn it! How nice it was if she could really blame it all to the sleeping beauty.

Kasalukuyan siyang lulan ng taxi nang mag-ring ang smart phone niya. She smiled widely when she saw the call register. Overseas call 'yon mula sa Spain. "Hello Daddy long legs?" Iyon ang naging tawag niya kay Pablo Olivares simula nang maging benefactor niya ang mayamang haciendero.

"Bebe linda! This old man really misses you a lot. Kailan ang balik mo?"

"Uhm... di pa sigurado. But maybe in two weeks or so."

"Ayos ka lang ba diyan? Inaasikaso ka bang mabuti ng parents mo?" Halata ang pag-aalala sa tinig ng matanda. Wala itong hindi alam tungkol sa hinanakit niya sa sariling pamilya. Kahit noong inakala niyang simpleng hardinero lamang ito sa Atlanta, nasasabihan niya na ito ng kanyang mga problema.

"My mother treated me like a princess. My father and brother were very glad to have me here." Totoo ang isinantinig niyang iyon pero umaantak ang dibdib niya. She couldn't lie to him but she could at least hide things that weren't necessary for him to know—she didn't want to worry him because pretending to be somebody else was clearly an act of deceiving. Malayo sa tapat at makalumang prinsipyong itinuro nito sa kanya. Pero hindi niya kayang biguin ang pamilya. At malakas ang paniniwala niyang matatapos din ang lahat ng 'yon sa isang iglap.

"How about your sister? Is she okay?"

"Okay na siya, Daddy long legs. Ilang linggo na lang at ikakasal na siya sa fiance niya."

"That's nice cariño. Nag-aalala akong hindi ka na umuwi dito dahil nagugustuhan mo na diyan sa piling ng tunay mong pamilya."

Mapait na ngumiti siya. "You are my real family Daddy long legs. There's no other home for me but the greeneries in your hacienda."

Ilang segundong tumahimik ito bago muling nagsalita. "Nami-miss ka na rin ni Alejandra," tukoy nito sa tatlong gulang na apo. "Palagi kang hinahanap ng batang 'yon. Tanong ng tanong kung saan ka nagpunta."

"I badly misses her too. Please tell her that. Tell her I love her." Mabilis na pinahid ni Ria ang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata.

"Okay ka lang ba talaga?"

"I-I'm really fine. It's just that... it's just that." Inilayo niya ang hand phone at suminghap. Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan bago muling inilapit ang aparato sa tainga. "Mali ako ng akala tungkol sa pag-ibig, Daddy long legs. Minaliit ko ang emosyong 'yon dahil sa karanasan ko kay Jude. I thought that love could only hurt your pride. I didn't know that it could easily break you apart. Hindi ako umiyak noon kundi nagalit lang sa taong sumira ng relasyon namin. Ngayon iniiyakan ko ang mga salitang ni hindi para sa'kin. At kahit ang sama ng trato niya sa'kin, hindi ko magawang tuluyang magalit sa kanya. Ayaw mawala ng pesteng atraksiyon na 'to."

"Why do you need to suppress your feelings?"

Natigilan si Ria. "D-Dahil mali," wala sa loob na sagot niya.

"Ang nararamdaman mo? O ang taong gusto mo?"

"P-pareho."

"Yan ba'y pananaw mo lang o mali sa mata ng kahit na sino?"

"Mali para sa lahat ng taong nasa paligid ko."

"People are judgmental by nature, bebe linda. Once they hear something wrong, they conclude, they criticize. But then ano ba ang tama? Ano ba ang mali? Minsan nakakasakit tayo ng kapwa hindi dahil sa ginusto natin kundi dahil mas pinagtuunan natin ng pansin ang sarili nating nararamdaman. Kung hindi ka magiging makasarili sa kurso ng buhay mo, paano ka magiging masaya?"

"I don't think I'll be happy to have that kind of guy, Daddy long legs."

"Di hinuhulaan ang kaligayahan, anak. Kadalasan na di natin napapansin na ang isang munting pag-uusap, pagtatalo, pagmamasid, o simpleng kaba ay isang mukha ng kaligayahan. You'll just find yourself empty once they are not happening anymore. That is how regrets are always placed at the end."

"You're a good counselor, Daddy long legs."

"Decades of experience, my dear."

"Salamat. Gumaan ang dibdib ko sa pakikipag-usap sa inyo."

"Call me anytime, cariño. I'll always be here for you."

"Yeah. Bye." Nang ibaba niya ang smart phone ay tumingala siya at pinunasan ang luha ng manggas ng jacket niya. Saka niya napansin ang pagba-vibrate ng smart phone ni Rio. Si Hiro ang tumatawag. She automatically grimaced. Di pa siya handang kausapin ito. Parang nakikinita-kinita na niya ang inip na itsura ng binata habang inis at bagot na naghihintay sa pagsagot niya. 

"You're so dead if you don't pick up!" Kahit wala siyang extrasensory perception, nahuhulaan na niyang iyon ang isinisigaw nito sa isip. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago siya nagpasyang sagutin ang hand phone. "Hel—"

"Nasaan ka?"

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now