Part 23

1.3K 79 8
                                    

BANGUNGUTIN sana siya! Walanghiya siya!

Paulit-ulit ang mga salitang iyon sa bibig ni Ria kasabay ng pagsinghot at pagpalahaw ng nagdaang gabi. Di siya nakatulog sa sobrang sama ng loob. Kaya paggising niya kinaumagahan ay mukha siyang kinulam. Her eyes were puffy as well as her cheeks.

Nakapaghilamos na siya't lahat subalit ayaw pa ring kumilos ng mga paa niya palabas ng kuwarto. Hindi niya alam kung paano haharapin si Hiro. Dapat pala ay inunahan niya nang makaalis doon ang binata. Ang matinding galit niya dito ay natabunan ng hiya matapos niyang mapagtanto kung ano ang kanyang ginawa. She soiled her hand with that bastard's game. Yes. Laro lang para dito ang naganap. At isinumpa niya sa sariling hinding-hindi na mauulit pa ang bagay na 'yon. Kahit ano pa ang maging pagbabanta nito. Hindi niya kayang isakripisyo ang sarili.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga nang makarinig ng pagbusina ng sasakyan sa labas ng cabin. Sumilip siya sa bintana dahil di 'yon ang kotse ni Hiro. A petite and pretty girl wearing a fairy-style dress hauled outside the pink vehicle. Lumabas si Hiro at sinalubong ang babae. Una ay nakakunot ang noo nito. Ngunit nang dambahin ito ng yakap ng dalaga ay iiling-iling na ngumiti ito. He carried the girl and swung her up. Tatawa-tawa ang mga ito. Ginawaran ni Hiro ng halik sa noo ang babae.

Para siyang itinulos na kandila mula sa kanyang kinatatayuan. Something inside her chest was coiling and throbbing. Iyon ang unang pagkakataong nasilayan niya ang malambot na ekspresyon sa guwapong mukha ni Hiro. He was staring at the girl so fondly like she was someone so important in his life. Napuno ng panibugho ang kanyang puso. Kailanman ay hindi siya minasdan sa ganoong paraan ng lalaki. Lagi na'y tingin ng pagkasuklam ang nakikita niya dito. He said it himself. He couldn't be nice to her. Well, she was planning not to be nice on him too.

Umalis siya sa puwesto at huminga ng malalim. Kinabog niya ang sariling dibdib. Umupo siya sa kama at inayos ang pagkakasintas ng high-cut flat shoes niya. Kinuha niya mula sa duffel bag ang pulang cap. Dinampot niya ang sunglasses sa bedside. Isinuot niya ang mga 'yon habang sinisiguradong naka-lock ng mabuti ang kuwarto. She didn't want to stay there any longer so she was going to escape. Magko-commute na lang siya pabiyahe ng Maynila.

Nang makita niyang wala na sa labas ng cabin ang dalawa, maingat na tinanggal niya isa-isa ang salamin ng binatanang gawa sa jalousie. Mababa lang 'yon at kayang-kaya niyang talunin. When she was done, she prepared herself to jump. Tok! Tok! Saktong may kumatok sa pinto ng silid niya kaya naantala ang pagtalon niya.

"Rio! Rio! Buksan mo 'tong pinto!" boses ni Hiro.

"Lelong mong panot," bulong niya sa hangin. She jumped without hesitation and landed on the ground safely. "Yes!" Bitbit ang duffel bag, agad siyang tumakbo palayo. Seconds later, she was running on the sands of the beach.

"Hoy Rio!"

Kinabahan siya at naalarma nang marinig ang pagsigaw ni Hiro mula sa likuran niya. She looked back. The fool was running after her. Nagpa-panic na binilisan niya ang pagtakbo. Para siyang may sinalihang marathon. But although she was used from running in the fields, the difference with the endurance of a man and a woman was definitely obvious. Ilang metro na lamang ang distansiya nito sa kanya. Malapit na siyang maabutan nito at bumubuhos ng matindi ang adrenaline niya. Ayaw niyang komprontahin ang binata. Ayaw niya munang makita ito.

"Damn it, Rio! Stop running away! I'm ordering you to stop right now! You, bitch! Ano bang pumasok sa ulo mo?! Anong problema mo?! Where are you going?! F*cking sh*t! I'm losing my patience here, damn it!"

Sa halip na sagutin ito ay umigkas ang isang paa niya sa buhangin para tabunan ang demonyong nasa likuran niya. "Get lost!"

"Ouch! Oh sh*t!" Mukhang nadale niya ang mata nito dahil huminto ito sa paghabol sa kanya. Sinamantala niya ang pagkakataon para lumaki ang agwat nila.

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now