Chapter 20: Family? get away!

129 4 2
                                    

Chapter 20

Sapphire’s POV

 Bago kami umalis ay binigay ko kay twinkle yung regalo ko at agad naman niya itong sinuot! Waahhh! Ang cute cute !

Binuhat ko si twinkle at medyo dumidistansya  kay skye ng naglalakad kami papuntang sasakyan…

“ oy sapphire ! wag nga kayong lumayo ! mukha akong stalker dito eh “

Di ko siya pinansin at sumakay na lang sa backseat ng sasakyan niya.

“ oy ! dito nga kayo sa harap ! “

“ hindi pwedeang bata sa harap “

“ eh di ikaw na nalang! Tapos si twinkle sa likod “

“ ayoko gusto ko tabi kami ni twinkle! Diba baby tabi tayo? “

“ opo! Yey ! “ ^___^

Hindi na nakahirit si skye samin ni twinkle! Haha ano siya ngayon! Napagdesisyonan namin na sa Mall of asia na lang namin dalhin si twinkle. Bukod kasi sa marami ang pasyalan doon eh may ferris wheel pa !

“ ate, kuya pwede po bang magtanong? “   sabi ni twinkle habang nasa sasakyan kami

“ sige ano yun baby? “

“ bakit po ba kayo lagi nagaaway ni kuya? Di ba po fwiends kayo? “

Tch. Anu naman kaya ang isasagot ko dito sa batang to?

“ ahh twinkle ano kasi eh. Hindi naman talaga kami magkaibigan eh. Wala kasing kaibigan si ate na bigla bigla nalang nawawala eh “

“ ahh okay po! Pwede po bang maging magkaibigan na po kayong dalawa para po akin? Please po”

“ we’ll see twinkle, we’ll see “

Anong problema nitong si skye at hindi naimik? Nakokonsenya na siguro

Pagdating namin sa Mall of Asia ay naglilibot libot agad kami! Pinagtitinginan pa nga kami ng mga tao. Siguro nakikilala nila ako? O kaya naman sadyang cute kami ni twinkle? Haha!

Pumunta kami sa toy kingdom, mga boutiques at timezone! And guess what? Si skye ang tagabuhat ng mga pinamili namin! kumain naman kami ng tanghalian sa KFC… ayaw kasi ni twinkle kumain sa sbarro eh! Favorite ko pa naman dun >.<

Tuwang tuwa si twinkle nang pumunta kami sa science discovery center at robot zoo ! ayun inabot kami ng hapon sa paglilibot ! nakakapagod pero Masaya!

“ ate, kuya kain po tayo! Gutom po ako eh! “

“ twinkle tara kain tayo ng fried isaw! “ sabi ni skye.

“ sige po! Tara ate! “

ACK! Isaw? As in intestine in stick? Ayoko nunnn!

Dahil hapit ang dalawa na lumabas papuntang seaside ay nadapa si twinkle dahil sa kakatakbo.

Dalidali naman akong lumapit

“ waaahh! Twinkle ! okay ka lang ba? Alika nga dito baby! “ tapos binuhat ko siya

“ at ikaw naman!” turo ko kay skye

“ hahawakan mo na nga lang ng mabuti eh hindi mo pa nagawa? Pahamak ka talaga eh! “

“ hindi ko naman ginusto yun eh! “

“ hindi mo nga ginusto pero nagawa mo na! eh kung hindi ka nakikitakbo eh di sana hindi siya nadapa”

“ ate kuya stop na po! Okay lang naman po ako eh! Tara na po!”

Grrrr…kung wala dito si twinkle baka nasapak ko na to eh

Pagkadating naming doon sa may bilihan ng isaw ay umupo kami ni twinkle duon sa may bench at si skye naman ang umorder

“ ate sakay po tayo mamaya sa fewwis wheel! “

“ sure baby! “

Naputol ang usapan namin dahil dumating na si skye dala dala ang napakaraming fried isaw at suka. Kyaah! Kadiri…bakit naman nakain si twinkle nito ! agad agad kumuha si twinkle at si skye ng isaw at sarap na sasrap sila sa pagkain nito. Gross.

“ ate ang sawap po! Bakit po ayaw niyo? “

“ ahh baby hindi kumakain ng ganyan si ate eh”

“ try niyo po oh! Sige na! “

“ ahh hindi na busog pa naman ako eh”

“ KUYAHHH! Pakainin mo si ate! Please “

Eto namang si skye eh hindi nagsalita at sa halip ay kumuha siya ng isang stick ng  isaw at itinusok sa bibig ko! Wala na kong nagawa kung hindi ngumanga! Kesa naman sa matusok yung labi ko! Puhunan ko pa naman tong mukha ko!

Kumagat ako doon sa isaw ng buong pag-aalin langgan at Tinanggal yung stick sa bibig ko. Lord God help me! Wag po sana akong ma hepa dito !

Unti unti kong nginuya at ng malasahan ko

.

.

.

.

.

.

.

.

Kyyaahh! Masarap siya! Pero may onting pait. Pero masarap talaga! ACK ! nakain ako ng isaw? Waahhh!

“ oh ano masarap no? arte mo pa kasi “ sabi ni skye

“ wag ka ng mangielam! Tsaka hindi ko naman sinabing masarap ha! “

“hindi daw masarap eh naubos mo na yang isang stick “

Without knowing ay nakain ko na pala yung isang isaw…ang hirap kasing tantanan eh!

“ sabi sayo ate masarap yan po eh ! “

“ o sige na baby masarap na “

“ yehey! Napakain namin si ate ng isaw! Ate pwede ka na pong magmodel ng isaw! “

Natawa naman ako dun sa sinabi ni twinkle! :D pati rin si skye napangiti…

Pagkatapos namin na mag-meryenda ay pumunta na kami dun sa Ferris wheel! 

Napapagitnaan namin ni skye si twinkle sa loob. Nang umandar na ay Kyaahh! Ang taas! Hindi nga ako tumitingin sa baba kasi may tubig! MAY TUBIG ! waahh! Hindi na nga lang ako didilat buong ride !

“ ate takot po kayo sa heights? Bakit po hindi kayo tumitingin?”

“ahhh…hindi ako takot sa heights! Takot ako sa tubig! Kyaahh!! “

“ bakit po ate? “

“ twinkle mahabang kwento eh “

“ ahh okay po! “

Hindi pa ako handang sabihin kahit kanino kung bakit ako takot… ayoko na kasi maalala kung bakit eh…napakasakit na alala para sakin

Pagtapos ng pagsakay sa ferris wheel ay napagdesisyonan na namin na umuwi na… hayyy nakakapagod

 _____________________________________________________

a/n:

dahil maganda ako yan na ang next update! haha

sinisipag kasi si atey eh! 

Thanks sa lahat ng nagbabasa!

B.L.U.E. ~  Babe i'll Love you Until eternity Ends [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon