Chapter 16: Rain Rain Go Away

217 9 5
                                    

Chapter 16

Skye’s P.O.V

Kasabay ng napakatagal na traffic ang napakalakas na ulan.

Ginabi na kami sa paguwi kaya naman napansin kong inaantok na si Sapphire. Hinapit ko siya sa bewang at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

“ tulog ka muna…malayo pa naman tayo eh “

“uhmm…thanks skye “

Sa sobrang tagal ng traffic ay dina kinaya ng mata ko kaya nakatulog na din ako.

ZZzzzz…

Naalimpungatan ako bigla dahil may nararamdaman akong Makati sa ilong ko. Pagdilat ko, isang babaeng mala-anghel pala ang kumikiliti sa akin.

“ hmm…sapphire wag “

“ haha! Gising kana kasi! Malapit na tayo oh ! “

“ uhmm.. 5 minutes “

“hmmp…sige maiwan ka na dito sa bus ha! “

Ayan na…nagtatampo naman siya…

 “ tss. Oo na po hindi na ko matutulog ! “

“ tch. Ang arte susunod din pala ! “

Sasagutin ko sana si Sapphire pero biglang tumigil yung bus at may nagsalita sa harap

“ okay. Andito na tayo ! Mag ingat kayo sa paguwi dahil malakas ang ulan. Oh kaya  magpasundo nalang kayo dahil delikado. Bukas may pasok na ulit tayo. So see you all tomorrow? “

Napansin ko namang tila nabuburyong  si Sapphire sa may gilid ko

“ Waahhh ! walang signal ! pano ko magpapasundo ! “

Chineck ko din yung phone ko at wala nga talagang signal. Tae >.<

Pano nga kami uuwi niyan? Ang lakas pa man din ng ulan. Bahala na nga si batman !

Tumayo na ako at kinuha yung mga gamit namin ni Sapphire

“ oh bat dala mo pati yung bag ko? “

Tanong niya sakin

“uuwi na tayo…anong gusto mo? Dito matulog ? “

“ huh? “

“ total walang signal at malakas ang ulan… mag taxi nalang tayo at pauwi “

“ ah okay “

“ o eto payong oh “

“ eh pano ka? “

“ okay lang na mabasa ako basta wag lang ikaw “

Ang cheesy ko ba? Haha! EH sa ayaw ko siyang mabasa eh!

Lumabas na kami ni Sapphire at naghintay doon sa may malapit na Waiting shed…

Hoo! Ang tagal na naming  naghihintay dito pero wala paring taxing dumadaan! Meron nga kaso may pasahero naman!

naghintay pa kami at...hay sa wakas may naligaw din ditong taxi ! binuksan ko yung pinto sa passenger seat at pinapasok si Sapphire at tapos sumunod na din ako...

" ah manong sa may Forbes park subdivision po"

sabi ko sa driver.

Ang yaman ni sapphire no? sa Forbes park subdivision pa nakatira which is the most expensive subdivision in the philippines.

B.L.U.E. ~  Babe i'll Love you Until eternity Ends [Slow Update]Where stories live. Discover now