Chapter 21: Meet the parents

174 5 8
                                    

Chapter 21

Sapphire’s POV

Eto ako ngayon nakahiga sa kama…tch…hindi pa ako inaantok pero gusto ko ng matulog!

Naisip ko lang kasi na Kahit kating kati na kong tanungin kay skye kung bakit siya nawala eh walang pagkakataon at ayaw pa ng pride ko.

Nung nasa sasakyan kami ay hindi ko siya matanong kasi nandoon si twinkle at hindi pa natutulog. Tapos pagdating naman naming sa bahay nila ay naabutan namin ang parents niya!

[flashback]

Pagdating naming sa bahay nila ay nandoon na pala ang parents nila

“Mommy! Daddy! “ sabi  twinkle pagbaba naming ng sasakyan. Si skye naman pumasok na sa loob! Iniwan niya ko!

“ hi baby! How’s your day? “

“ okay na okay po mommy! Ah mommy si ate sappay po oh! Girlfriend ni kuya!“

Aba etong si twinkle manang mana sa kuya niya! Sabihin ba naman na girlfriend ako ng kuya niya? Magkapatid nga sila !

“ hi po ako nga po pala si sapphire, pero po---“ naputol na sabi ko sa kanila.

“ ikaw diba yung nagbalik kay twinkle dati sa mall? At ikaw din yung model na maganda! “

“ ah opo “

“ oh alika pasok ka muna sa loob “ sabi ng daddy nila

“ oo nga! Para makapagbonding naman tayo! Total eh kaibigan ka ng bunso ko at girlfriend ka ng anak ko! I really like you for Skye ! so kelan ang kasal? “

Grr… anu ba tong pamilya nila…ayaw akong pagsalitain! Tapos ekkkk! Kasal? Agad agad?

Wala na akong nagawa at pumasok na lang sa loob dahil may hiya naman ako kahit papaano. Paano ko makakapagexplain???

“ sapphire gusto mo bang kumain? “ tanong ng mommy niya

“ ah hindi na po…busog po ako eh “

“ ah ganun ba? Tara dun tayo sa backyard laro tayo ng tennis…yaya! Dalhan mo nga kami ng meryenda sa backyard!”

Tennis?? Wow namiss ko maglaro nun ha! Nung bata kasi ako tumigil ako sa paglalaro noon nung namatay si mommy…argh! Naalala ko na naman siya….

“ oh sige po! “

Pagpunta naming sa likod ay na-amazed ako dahil may court sila doon!

Multi purpose yun kasi pwedeng pang basketball, volleyball, tennis, badminton at kung ano ano pa. wala kaming ganito kasi wala naman naglalaro samin ni daddy.Golf ang gusto ni dad eh kaya dumadayo pa siya sa mga golf course.

After 3 rounds ay napagdesisyunan na namin ni tita ( wow tita ) na magpahinga na…kyahh! Nanalo ako!  2-1 ang score!

“ wow sapphire ang galing mo pala ha? Sa susunod laro ulit tayo ha? Tsaka tita nalang ang itawag mo sakin! “

Teka kaylangan ko palang sabihin na hindi kami ni Skye!

“ ah okay tita…ah tita may sasabi-----“ naputol ang sasabihin ko dahil biglang dumating si skye. Anyare sa kanya? Bakit namumutla ang loko?

“ ma! May gamot ka ba jan sa trangkaso? O sapphire nandito ka pa pala? “

“ sabi ko kasi sayo kanina wag mo ng ipasyal si twinkle eh! Yan tuloy lumala pa yang sinat mo! Sumunod ka sa loob“ sabi ni tita tapos pumasok na sa loob

B.L.U.E. ~  Babe i'll Love you Until eternity Ends [Slow Update]Where stories live. Discover now