Chapter 11 : Friends

259 9 5
                                    

Chapter 11

Sapphire's P.O.V

Pagkagising ko ay nakita kong nagbababaan na sila. Tumingin ako sa labas pero gas station lang naman. Ah siguro stop over!  

“ Skye where are we? “

“ nasa loob ng bus, hindi mo ba nakikita? Psh “

Tapos bigla siyang tumayo at lumabas. Aba! Pinipilosopo ako? Bwiset yun ah!

“ Skye! “

Tumayo ako at hinabol ko siya kaso ang bilis naman maglakad!

“ Skye ano ba! “

Tinawag ko ulit siya pero tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Napunta kami dito sa may pavilion sa likod ng gas station. Ang ganda naman dito! Over looking!

“uy Skye! Bwisit ka pinagod mo ko! “

“ sino ba kasing may sabing sundan mo ko ha! “

“wow ha! Ikaw pa tong may karapatang magalit? “

“ BAKIT SAPPHIRE? WALA BA AKONG KARAPATANG MAGALIT? HA! SA LAHAT NG GINAWA MO SAKIN, WALA BA AKONG KARAPATANG MAGALIT? DAPAT NGA WALA AKO DITO EH! DAPAT IKAW LANG MAGPAPAKAHIRAP SA MGA UTOS NILA! PERO ANONG GINAWA KO? NILIGTAS KITA! TAPOS GANYAN ANG IAASTA MO SAKIN! ANG MASAKLAP PA, NI ISANG THANK YOU MAN LANG EH WALA KANG SINABI! SORRY HA! SORRY KUNG PINAGHABOL KITA, SORRY RIN SA MGA PAGLILIGTAS KO SAYO! WAG KANG MAG ALALA! HINDI NA MAUULIT! “

Nanginginig sa-galit na sabi ni skye. Natakot ako bigla. Nakonsenya din ako. Oo alam kong mali ako pero hindi ko kasi alam kung pano ko aayusin ang ugaling unang napakita ko na kay skye.

Tumakbo na palayo si skye. Hindi ko alam kung saan siya pupunta.

Bigla na lang umulan ng malakas. Nakikisama ata ang langit sa nararamdaman ko. Tumakbo ako ng mabilis dahil wala naman akong dalang payong. Pagdating ko sa bus, una kong hinanap si skye.

" sir nandito na po ba si skye? "

tanong ko doon sa may isang teacher

" huh? di ba magkasama kayo? hindi ko pa siya nakitang umakyat eh "

" ah okay po"

saan naman kaya pumunta yun. Ang lakas ng ulan. Wala siyang dalang payong!

" Okay kumpleto naba tayo? "

Tanong ng dean.

" sir! wala pa po si Skye! "

" huh? saan naman yun nagpunta? ang lakas ng ulan ha! sige hintayin muna natin siya "

pagkatapos namin maghintay ng 5 minutes ay dumating si Skye ng basang-basa.

" Mr. Dela Valler! what happened! "

" nothing sir"

sagot niya sa tanong ng dean. Umupo siya sa tabi ko ng tahimik at hindi maipinta ang mukha. HIndi man lang siya nag palit ng damit at natulog nalang.

" uy Skye! magpalit ka nga ng damit mo! "

no response. Pahuhupain ko nga muna galit niya bago ko siya kausapin.

Pagkatapos siguro ng 20 minutes ay napansin kong nanginginig si skye. Hinawakan ko ang leeg niya and guess what! ang taas ng lagnat niya! ito na ang chance ko para masuklian ko ang mga ginawa niya sakin.

" Uy Skye! Gumising ka nga! ang taas ng lagnat mo! "

" uhhh...ulo ko...ang sakit..."

" sabi ko kasi sayo kanina magpalit ka na ng damit eh "

kumuha ako ng gamot at tubig sa bag ko para kahit papaano ay bumaba ang lagnat niya.

" oh Skye inumin mo to oh! "

inabot ko sakanya ang gamot at inalalayan ko siya uminom ng tubig dahil nanginginig pa rin ang mga kamay niya.

" Skye nasaan ba yung bag mo! dali kukuha ako ng damit! "

" an...andito sa ila...lalim "

" tsk. tigas kasi ng ulo eh "

kumuha ako ng sweater sa bag niya. ito nalang para mainitan yung katawan niya.

" oh Skye suutin mo to "

" hi...hindi ko...ka..ya "

" huh? sinong magbibihis sayo? "

" i..kaw na..lang please "

what the!

my god? gagawin ko ba talaga to? dahil nanginginig na ng todo si skye ay hinubad ko na ang damit niya. no choice eh. pagkahubad ko ay Na-amazed ako kasi ang ganda ng abs niya. wow. nganga.

" Sapphie...may...sakit...a-ako...wag...mo...a-akong pag...nasa...han "

nagising akosa huwisyo sa sinabi ni skye. yung abs niya kase mas maganda pa dun sa i-nedit kong pics niya eh!

" wow ha! ang kapal mo! "

ngumuti nalang si Skye bilang tugon niya.  sinuot ko na rin yung sweater kasi ang akward na ng ambience eh! pinatay ko yung aircon sa pwesto namin para haindi na siya lamigin.

" ano Skye okay ka na ba? "

" medyo...inaantok ako "

sabay higa sa may balikat ko. Shemay...ano bato... ewan ko kung kinikilig ako eh...hindi naman kasi ako sanay kiligin eh! hayaan ko nga lang siya. wala namang malisya diba?

" Skye...sorry ha? "

sabi ko habang hinahagod ko yung buhok niya. 

" hmmm...pag iisipan ko "

" anu bayan eh! "

" haha..."

" geh na tulog ka na "

hindi ko inaasahan ang ginawa ni Skye sakin. Pano ba naman! hinalikan niya kasi ako sa may pisngi eh! god...aaminin ko...kinikilig ako...>///<

" Good night...este good noon pala "

hindi na ko sumagot pa, mamaya mautal pa ko eh. Hinayaan ko nalang siyang matulog. 

* yawn*

nakaramdam nadin ako ng antok. Pinatong ko nalang yung ulo ko sa ulo ni Skye para makatulog narin...

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

a/n

hey guys!

happy 600 reads!

masaya na ako kahit ganun!

thank you sa lahat ng readers!

B.L.U.E. ~  Babe i'll Love you Until eternity Ends [Slow Update]Where stories live. Discover now