Chapter 10: The unlucky seat plan

210 8 2
                                    

Chapter 10

Skye's P.O.V

[ Retreat day 5:00 am ]

Nandito na kami ngayon sa school quadrangle kasi hinihintay na lang namin yung bus. Hindi ko parin iniimik sa sapphire. kanina pa nga siya lapit ng lapit eh kaso lumalayo ako. Gusto ko pang damhin ang pag eemote ko noh! 

Yun kahapon? kung bakit ko siya pinagtakpan? ewan. Basta feel ko ayaw ko siyang mapahamak. Ahh basta. yaan na tapos na yun! at tsaka gusto ko narin naman matapos ang bangayan naming dalawa. ang bait ko talaga noh!

* beep beep *

sa wakas andyan na yung bus! Pero hindi pa kami pwedeng umakyat ng bus. Gumawa kasi yung dean ng seat plan para daw hindi magulo.

" Dela Valler, Sumner, Seat # 5 and 6 "

Takte! bakit sa dinami dami ng tao si sapphire pa! jusko po! Dire-diretso lang ako sa pagakyat para unahan si sapphire. Hindi uso sakin ang pagiging gentleman ngayon!

" Wait Skye! sa tabi ako ng bintana uupo ha! "

wow ha demanding!

" ayoko "

mayabang kong sagot. umupo agad ako sa may bintana para lalo siyang maasar.

"  Skye naman eh! * pout * "

tss pacute... pero sa totoo lang naawa ako. ewan ko ba kung bakit ganun?

Hindi ko nalang siya pinansin at naglagay ako ng headphones. Sa totoo lang ay walang music na nag pe-play kasi gusto kong marinig ang mga busangot niya.

" sige bahala ka. pero tandaan mo, hindi ako titigil hanggang hindi ko nakukuha ang gusto ko!   beh! :P "

sabi niya sabay belat sakin... aba kahit kelan talaga to!

Haindi nagtagal ay umandar na yung bus. Natulog muna ako para makapaghanda sa susunod na mga pangyayari mamaya.

Sapphire's P.O.V

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...................

Bwisit na skye to tulugan ba naman ako?

Hindi kasi ako makatulog pag walang sandalan sa gilid eh. Dun ako sanay at komportable. psh... kung wala lang akong utang na loob dito eh baka nasapak ko na to.

Dahil sa bored na ako ay nibuksan ko yung bag ko. Kukuha sana ako ng chibog ng may makita ako. May dala kasi akong ballpen na may design na feather sa taas.

* Evil plan *

ayan na naman ang mga maiitim kong balak. Pero hindi naman ito masyadong masama! nagbago na ko noh! manggigising lang naman ako ng tulog eh!

habang si skye ay taimtim na natutulog ay kiniliti ko yung ilong niya gamit yung feather sa ballpen ko. Haha ang kyowt!

Kinamot lang ni skye yung ilong niya pero hindi siya nagising. Aba! waepek pala ha! 

Nang makatulog ulit si skye ay bumukas yung bibig niya. Ganito pala ito matulog ng mahimbing! bukas bunganga lang eh!

* Not so evil plan # 2 *

ang galing ko talaga! in just 1 minute nakaisip agad ako ng plano!

Kumuha ako ng papel tapos crinumple ko. Nilagay ko yon ng marahan sa bunganga ni skye. Hahatignan ko lang kung di ka pa magising!

Nung napansin kong gumalaw si skye ay nagtulugtulugan ako agad. Best actress ata to! 

Binukas ko ng onti yung mata ko then nakita yung papel na bumulusok sa harapan namin! which is where the dean is sleeping! haha patay ka skye! pinipigilan ko ng sobra yung tawa ko para hindi ako mabuking.

" what the hell "

narinig kong sabi ni skye

" Mr. Dela Valler! What is this? "

galit na sabi ng dean!

" sir its not me! im.... "

" stop mocking me Mr. Dela Valler! gusto mo bang madagdagan ang punishment mo? "

" no sir"

" isa nalang skye ha! ISUSUSPEND AN TALAGA KITA! "

nang maayos na ang lahat ay niyugyog ako ni skye para gisingin.

" sapphire what the hell was that! "

"humm..."

sabi ko sabay inat. Haha hindi lang ako pang model pang acting din no!

" sapphire ano nanaman bayun! "

" what?"

" stop pretending! i know its you! "

" what? me? cant you see im sleeping earlier?  how could i do the thing your accusing me ? "

" sino pabang gagawa sakin non? multo? "

" oh bakit nakita mo ba ako ang gumawa ? "

" no! but.. "

" oh hindi pala eh! makasisi ka ah! "

"kungpinaupo mo kasi ako dyan eh di sana hindi ko gagawin yon! "

bulong ko...

" ano? maysinasabi ka? "

"wala! sabi ko palit tayo!   "

" ayoko nga! "

"bahala ka dyan! Hindi kita patatahimikin! susukahan pa kita! "

" eh di inamin mo rin! "

" wala akong sinabing ganun.."

" ARGH!!"

"is that a yes?"

" fine! but please stop bothering me okay! "

" yes boss! "

mission accomplished!

sabi ko naman sa inyo eh! wala akong gusto na di ko nakukuha!

nagpalit na kami ng upuan ni skye at tuluyan na akong nakatulog ng matiwasay...

________________________________________________________

a/n:

haha guys pansin nyo bang ang bilis ng ud?

wala lng ang dami ko kasing naiisip eh!

stay tune for the next updates!

Guys comment naman kayo oh!

kahit napadaan lang or something! 

B.L.U.E. ~  Babe i'll Love you Until eternity Ends [Slow Update]Место, где живут истории. Откройте их для себя