Am I having feelings for her?/him?

6.3K 66 3
                                    

Continuation..........

Karylle's POV

Pagkababa namin ng sasakyan, pumasok na kami ng school. Nakita ko naman sina Anne kaya pinuntahan ko sila. "Uy, Karylle! Long time no see ah.", sabi ni Anne. "Oo nga eh. Ano pinaguusapan niyo?", sabi ko naman.

"Tungkol sa Christmas Party. Btw, may partner ka na ba?", sabi ni Leona. "Oo. Si Vice. Kayo?", sabi ko. Nalaman ko na si Anne kasama si Vhong. Si Angel kasama si Delio. Si Leona kasama si Ian. Si Regina kasama si Joshua. At si Christine naman kasama si Daniel.

Pagkatapos namin magusap pumunta na kami sa kani-kanilang room. Ilang sandali lang at nagsimula na magturo ang teacher. "Uy, naiintindihan mo ba yung sinasabi ng teacher natin?", sabi ni Anne sakin.

"Hindi nga eh.", sabi ko tapos nagring naman ang bell kaya pumunta kami ni Anne sa canteen at nakita namin ang buong barkada. "Sino sa tingin niyo ang magiging King and Queen sa Christmas Party?", tanong ni Angel.

"Ano yun?", sabi ko naman. "Tuwing kasi may mga dance, may pinipiling King and Queen. Minsan nagvovote, minsan naman tinatawag na lang.", sabi ni Anne. "Ahhhh. Eh bukas? Pano malalaman kung sino ang King and Queen?", sabi ko.

"Bukas. Tatawagin daw nila eh. Swerte ang sino man na maging King and Queen.", sabi naman ni Daniel. Natapos din ang recess at bumalik na kami sa room.

Vice's POV

Habang recess, nasa room lang ako. Wala kasi akong gana kumain eh. Mamaya na lang lunch. Narinig ko namang naguusap ang iba kong kaklase tungkol sa Christmas Party bukas. "Uy, sino kaya ang magiging King at Queen bukas?" . "Oo nga noh.". "Sana kami yun". "Kami yun noh".

May pipiliin nga palang King at Queen bukas. Nakalimutan ko yun ah. Natapos na ang recess at nagstart na ulit ang klase. Nung naglunch na, bumaba na ko para kumain. Nagorder na ko tapos umupo.

Nakita ko naman si Karylle kasama sila Anne. Pumunta naman ako sa kanila at umupo. "Vice,pwede ba kitang kausapin?", sabi ni Anne. "K", sabi ko tapos pumunta kami ni Anne sa labas at nagusap.

"Naguguluhan ka pa rin ba sa feelings mo?", tanong agad ni Anne. "Hindi ko alam. Basta may something akong nararamdaman sa kanya kapag nandiyan siya o kaya kapag may kasama siyang iba", sabi ko.

"Alam mo Vice. Feeling ko nagbago ka na.", sabi niya. "Bakit?", sabi ko. "Simula nung dumating siya, hindi ka na mataray at masungit. Hindi ka na nga nagmemake-up eh. Back to normal ka na. Katulad nung dati", sabi niya.

Oo nga noh. Nag-iba na ko simula nung dumating siya. Am I having feelings for her? 

Karylle's POV

Umalis naman si Anne kasama si Vice para mag-usap. "Ano kaya pag-uusapan nila?", sabi ko. "Hindi din namin alam eh.", sabi nila. After ng ilang minuto, bumalik na si Anne. "Nasan si Vice?", tanong ko. 

"Umalis na. Bumalik na sa room niya.", sabi ni Anne. "Ok", sabi ko. Pagkatapos namin kumain, pumunta na kami sa room namin. Kasabay ko si Anne. "Karylle, may nararamdaman ka ba kay Vice?", sabi niya.

"Ha?", sabi ko. "Sabi ko kung may feelings ka kay Vice.", sabi niya. "Well. Hindi ko pa alam eh. Minsan may nararamdaman ako pag magkasama kami. Dati nga may naramdaman akong spark nung hinawakan niya yung kamay ko eh.", sabi ko.

"Baka naman nahuhulog ka na sa kanya?", sabi naman ni Anne. "Hindi ko alam eh. Naguguluhan ako.", sabi ko. Nahuhulog na nga ba ako sa kanya? Am I having feelings for him? Pumasok na kami ng room ni Anne.

Natapos na ang school at umuwi na kami ni Vice.

Kinabukasan..........................................

My Gay......... Husband???!!! (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon