Happy Valentines and Happy Anniversary Vicerylle❤❤❤

4.5K 54 3
                                    

Karylle's POV

Pagkagising ko, nakahiga ako sa kama. Pagtingin ko naman sa paligid, nandito pala ako sa kama to ni Baby Boy. Nakita ko naman siyang nakahiga sa sahig kasama ang iba pa. Ngayon na nga pala ang Valentines at Anniversary namin noh.

Pumunta naman ako sa kwarto ng mga girls at naligo tapos nagbihis na ako. Hinalungkat ko naman yung bag ko para hanapin yung regalo ko for Baby Boy tapos nung nahanap ko na ay tinago ko sa cabinet ko.

Bumalik ako sa kwarto ng mga boys at nakitang wala na si Baby Boy at gising na silang lahat. "Nasan si Vice?", tanong ko agad pagkapasok ko. "Pagkagising namin, wala na kayong dalawa kaya akala namin magkasama kayo.", sabi ni Anne.

"Saan kaya siya pumunta?", sabi ko. "Baka naglibot-libot lang.", sabi ni Angel. Pumunta naman kaming mga girls sa kwarto namin at nagsiliguan na sila at nagsibihisan. May kumatok naman sa pinto kaya binuksan ko.

Pagbukas ko, nandun ang mga boys na may dala dalang mga bulaklak. Hindi naman nila kasama si Baby boy. -_- "Happy Valentines.", sabay sabay nilang sinabi at inabot ang mga rose sa mga girls maliban sakin.

"Thank You.", sabi naman nila. Ako naman eh nakatingin lang sa kanila. Nagsialisan naman silang lahat at may kanya-kanyang lakad. Bigla namang may nagtext sakin at nakita kong si Baby boy.

BB: Good Morning Baby Girl! Happy Valentines❤ and Happy Anniversary❤. Baba ka na.

Aww. Sweet. Baba? Bumaba naman ako tapos hinanap ko siya. May lumapit naman saking isang bata at binigyan ako ng 1 pirasong bulaklak pero wala yung nasa taas. "Bakit wala yung nasa taas neto? Saka sino ang nagpabigay?", tanong ko naman.

"Ikaw daw po kasi ang bulaklak para sa kanya eh. Pinapabigay lang po nung pogi. Hinihintay ka daw po niya sa labas.", sabi nung bata. Lumabas na ako at may lalaki namang nakasandal sa poste at parang si Baby Boy yun kaya tinapik ko yung balikat at pagkaharap, hindi pala siya to. Binigyan naman ako nung lalaki ng papel.

'Akala mo ako yun noh. Better luck next time. Tingin ka sa paligid mo.'

-Baby Boy❤

Tumingin naman ako sa paligid ko at biglang may yumakap sakin mula sa likod. Hinarap niya naman ako sa kanya at nakita ko si Baby Boy. "Good morning Baby Girl.", sabi niya tapos hinalikan yung noo ko.

"Akala ko kung san ka pumunta eh.", sabi ko. "May inasikaso lang ako Baby Girl at hinding hindi kita iiwan sa espesyal na araw na ito. Happy Valentines and Happy Anniversary Baby Girl❤", sabi niya. "Happy Valentines and Happy Anniversary din Baby Boy. I love you.", sabi ko tapos hinug siya.

"I love you too Baby Girl.", sabi niya tapos inakbayan niya ko tapos naglakad kami. "Saan tayo pupunta?", sabi ko. "Maglilibot lang.", sabi niya. "Ok.", sabi niya tapos naglakad kami hanggang makapunta kami sa tapat ng kotse niya.

"Akala ko ba maglilibot lang tayo.", sabi ko. "Oo nga. Magllibot tayo sa ibang lugar.", sabi niya tapos pinagbuksan ako ng pinto kaya pumasok na ako tapos pumasok na rin siya at nagdrive kung saan man kami pupunta.

My Gay......... Husband???!!! (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon