Kinabukasan.............................
Vice's POV
Pagkagising ko, naalala ko yung nangyari kagabi. Ang tanga ko. Hindi ko namalayang nasasaktan na ang babaeng mahal ko. Arggghhh. Nakakainis! Pumunta ako sa kwarto ni Karylle at nakita kong wala siya dun.
Nakita ko naman yung orasan. Hala! 9:30 na pala! Hindi na ko nakapasok. Bumalik ako sa kwarto ko at nag-isip kun pano ako papatawarin ni Karylle. *ting* Nagkaron ako ng Bright Idea! Naligo na ako at nagbihis tapos may pinuntahan ako.
Karylle's POV
Asan na kaya si Vice? Tulog pa yata eh. Argggh. Wag mo siya isipin Karylle! Nakalimutan mo na ba ginawa niya? Umupo naman si Anne sa upuan ni Vice. "Iniisip mo si Vice noh", bulong ni Anne sakin.
Alam niya kasi yung nangyari. "Hindi noh.", sabi ko. "If you say so.", sabi niya tapos nagbell na. Recess na pala. "Tara sabay na tayo.", sabi ni Anne tapos pumunta na kami sa canteen. Kumain kami at tahimik lang ako.
"Uy, ba't ang tahimik mo Karylle? Saka asan si Vice?", tanong naman ni Vhong. Pero bago pa ako nagsalita, nagsalita na si Anne. "Uy, Tara na. Magtitime na eh.", sabi ni Anne. "Oo nga noh. Sige mauna na kami.", sabi ni Vhong tapos umalis na sila.
Umakyat na kami ni Anne tapos nagstart na yung klase.......... Nung lunch na sinabi ni Anne na punta daw ako si Gym para samahan siya. Nauna na si Anne tapos umakyat na rin ako sa Gym at pumasok na ako.
Bakit walang ilaw? Bigla ko namang narinig na may sumara ng pinto. Tinry ko namang buksan ito pero nakalock. "Anne?", sabi ko. Nakakatakot dito. May narinig naman akong tugtog at bumukas yung ilaw sa gitna at may nakita akong stage.
Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo
Nakita ko si Vice sa gitna at kumakanta at papalapit sakin.
Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry na
Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa mata ko. Nakita ko naman yung mata niya na totoo yung sinasabi niya at medyo naluluha.
Sorry na wag kang madadala
Alam kong medyo nahihirapan ka
Na ibigin ang isang katulad kong parang timang
Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan