Making New Friends and having my.......... FIRST KISS??!!

11.3K 114 3
                                    

Pagkabigay sakin nung schedule ko, lumabas na ako. Habang naglilibot ako, mayroon akong nabanggang poste… ah este matangkad na tao. Siguro mga 6 ft. to. Ako kasi ay 5’4ft lang. Di bale tatangkad din ako, tiwala lang! (Back to the story)

Hindi ko nalang ito napansin at naglakad na lang. (Sama ko no! Pero di rin naman siya nagsorry eh!) Noong pagkalakad ko ay bigla na lang may humila ng buhok ko. “Araaaaaaaaaaaay”, sabi ko.

Pagkaharap ko, nakita ko ang isang lalaking napakagwapo na parang hulog ng langit pero nung pagkakita kong nakamake-up ito, bigla akong napasimangot. Bakla pala.  “Hoy babae! Hindi ka man lang magsosorry! Nagbangga mo patong mamahaling kong bag na galing sa ibang bansa”, sigaw nung bakla.

“Sorry ah! Eto na po ang mamahaling niyong bag na galing ibang bansa”(sinasabi ng nakakaasar na tono)”, sabi ko habang binibigay sa kanya yung bag niya. Bigla nanaman niyang hinila ang buhok ko kaya kinuha ko ang collar niya at inilapit sa mukha niya sa mukha ko.

“Anong gagawin mo???”, tanong niya habang nanginginig. At walang ano-ano’y hinalikan ko siya at kumalas at napasmirk ako. Naglakad ako papalayo habang nakatunganga lang yung bakla dun.

Pumunta agad ako sa C.R. para tanggalin ang lipstick galing sa baklang yun. Nakakainis!!!!!! Siya ang kumuha sa First Kiss ko! And take note, bakla ang First Kiss ko!!!!!!

Maya-maya, nahanap ko na ang room ko. Pumasok na ako at naghanap ng upuan. Wala pa naman ang teacher kaya nagdoodle muna ako. Habang nagdodoodle ako, may mga naririnig ako na nag-uusap sa mga tabi-tabi.

“Hindi bay un ang humalik kay Prince Vice?”, tanong ni girl1. “Oo, siya nga. Ang swerte naman niya nahalikan niya si Prince Vice”, Sagot naman ni girl2. Tinignan ko naman sila at nakatingin sila sakin kaya feeling ko na ako ang pinag-uusapan nila. Prince Vice? Halik? Ahh…. Yung baklang hinalikan ko. Teka teka PRINCE??? E diba bakla yun bakit kaya Prince?

Maya-maya ay may tumabi sa akin na isang magandang babae. “Hi! Ako nga pala si Anne. Pwede ba tayo maging friends?”, sabi ni Anne na nakangitiJ. “Ako nga pala si Karylle saka sige ikaw ang aking unang friend!”, sinabi ko with matching smileJ pa. “Bago ka pa lang dito no?”, tanong niya. Tumango ako at dumating na ang teacher at nagturo.

Pagkalipas ng ilang oras,  (na hindi ako nakikinig…… JK! Siyempre good girl ako no!) nagbell na at lumabas ako kasabay si Anne. Nakilala ko rin sina Angel, Leona, Regina at Christine.

(AN:Ano kaya ang mangyayari kay na Karylle at Prince Vice? Sino nga ba si Prince Vice? Magkakaron na ba siya ng crush? )

Abangan..........

My Gay......... Husband???!!! (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon