1 Week Vacation ^_^ (2nd Day)

4K 47 3
                                    

Continuation.....................................................

Karylle's POV

Pagkagising ko, gising na ang lahat kaya nag-ayos na ako at naligo. Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako at may nagtext sakin. Si Baby Boy.

BB: Good Morning Baby Girl! ^_^ Kitakits na lang tayo sa Dining Area. I love you.

BG: Ok. Papunta na ko diyan.

Pagkatapos ko itext si Baby Boy, lumabas na ako. Paglabaas ko, puro petals yung nasa tapat ng pinto at nakalagay 'Good Morning' tapos marami pa kaya sinundan ko yung mga petals pababa ng hagdan.

Pagbaba ko, nakita kong may lalaking nakamask na may hawak ng pangalan ko. Tinanggal naman nung lalaki yung mask at nakita ko si Baby Boy. "Good Morning.", sabi niya tapos linapit niya ako sa kanya at kiniss sa cheeks. 

"Good Morning.", sabi ko. "Tara. Kain na tayo.", sabi niya tapos pumunta na kami sa dining area at nakita namin silang lahat na nakaupo. "Ayan na pala yung hinihintay natin.", sabi ni Anne tapos umupo na kami.

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na yung pagkain namin kaya nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos namin kumain, naisipan namin ni Baby Boy na lumabas muna kami  at maglakad-lakad.

Naglakad naman kami ni Vice sa buhangin habang magkaholding hands. "Ang lakas ng hangin no?". sabi ni Vice. "Oo nga eh.", sabi ko. Naglibot-libot naman kami at bumili ng mga bagay at mga souvenirs.

May tumawag naman kay Baby Boy tapos may lumapit sa kanyang isang babae. Si Kaye. "Uy Kaye. Ba't ka andito?", tanong naman ni Vice. "Kasama ko kasi yung BF ko eh. Dito rin pala kayo pumunta ni Karylle.", sabi niya.

"Oo nga eh. Akalain mo yun. Dito rin pala kayo pupunta.", sabi ni Vice. nagring naman yung cp ni Kaye at tumingin samin. "Tawag na ko ng BF ko. Sige mauna na ko. Bye.", sabi niya tapos tumakbo na papalayo.

May tumawag naman kay Vice kaya sinagot niya ito. Pagkatapos nila mag-usap, pumunta siya sakin. "Balik na tayo Baby Girl. Magkakaroon daw tayo ng movie marathon.", sabi ni Baby Boy kaya bumalik na kami dun sa hotel. 

Pumunta kami sa kwarto ng mga babae at nakita naming mga lalaki lang ang nandun. Nagtaka naman kami ni Baby Boy kung nasaan yung mga babae at nahalata nila to kaya nagsalita sila sabay sabay ng, "Kitchen."

Kiniss ko si Baby Boy sa cheeks tapos pumunta na ako sa kitchen. "Kamusta naman ang date Karylle?", tanong agad ni Anne pagkapasok ko sa kitchen. "Hindi naman kami nagdate eh. Naglibot lang.", sabi ko.

"Ok. Yana ang sabi mo eh.", sabi ni Anne. "Bakit nga pala kayo nandito?", sabi ko. Nagsalita naman silang lahat ng, "Popcorn!" Sumali nalang ako sa kanila at kumuha ako ng mga bowl na paglalagyan ng popcorn.

Pagkatapos namin gumawa ng popcorn, bumalik na kami kayla Baby Boy at nakita namin silang nagpipillow fight. Pagkakita nila samin, agad silang napatigil at binana ang mga unan tapos umupo na parang walang nangyari.

Natawa nalang kami tapos tumaba sa sari-sariling boyfriend. Umupo naman ako sa tabi ni Baby Boy tapos humiga sa dibdib niya habang nakaakbay siya sakin. Nagstart na yung movie marathon at nanood na kami.

Vice's POV

Nakafocuse lang ako sa panonood hanggang sa di ko namalayan na tulog na si Baby Girl. Tinignan ko naman yung iba at tulog na din silang lahat. Binuhat ko naman si Baby Girl sa kama niya at nilagyan ng kumot.

Pinatay ko na yung TV at binuhat ko na din yung ibang mga babae sa kama nila at nilagyan din ng kumot. Ano naman kaya gagawin ko dito sa mga lalaking to. Alam ko na! Hinila ko naman sila isa-isa papunta sa kwarto namin.

Ang bibigat pala nitong mga lalaki. Nakahiga lang sila sa sahig. Natulog na lang ako sa kama habang nakahiga sila sa sahig. Bahala na sila sa buhay nila.

To be continued..................................................

My Gay......... Husband???!!! (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon