1 Week Vacation ^_^ (1st Day)

4.3K 46 2
                                    

Continuation..................................................

Vice's POV

Nandito kami ngayon ni Karylle sa bahay at nag-aayos ng gamit para dalin sa Boracay. Actually, nagbago na yung plano namin nila Vhong para sa Valentines. "Baby Boy, tapos ka na ba mag-ayos ng gamit?", tanong ni Baby Girl.

"Oo. Lalabas na ko.", sabi ko tapos sinarado ko na yung bag at lumabas. "Anong kotse nga pala gagamitin natin?", sabi ni Karylle habang pababa na kami. "Yung Van na lang. Tutal maraming dung space para sa bags natin saka makakahinga pa tayo.", sabi ko.

"Ah. Ok. Tara na.", sabi niya tapos pumunta na kami sa labas. Dumating naman yung Van at sumakay na kami. "Kuya, may dadaanan pa po tayo. Dun po tayo kila Anne.", sabi ko tapos nagstart na yung kotse at pumunta kila Anne.

Pagdating namin, binuksan ko yung bintana. "Sakay na.", sabi ko tapos pumasok na silang lahat dala yung mga gamit nila. "Kuya, tara na po sa airport.", sabi ko tapos nagdrive na si kuya papuntang airport.

Pagdating namin, kinuha na namin yung mga gamit at pumasok na. Maya maya ay sumakay na kami sa eroplano at nagstart na lumipad ito. Habang nasa loob ng eroplano, nagsosound trip lang ako habang hawak yung kamay ni Baby Girl.

Bigla naman akong nagulat nung nakahiga yung ulo ni Baby Girl sa balikat. Pagkakita ko, tulog na pala siya. Sumandal lang ako at nagsound trip hanggang sa makatulog ako. Maya maya ay may yumuyugyog sakin.

"Uy, gising na! Nandito na tayo.", sabi nung yumuyugyog sakin. -_-    -_o     o_o Si Karylle pala. Kinuha na namin yung gamit namin at bumaba. Actually, nandito kami ngayon sa Guimaras at mamaya pa pupunta sa Bora.

Naglibot libot naman kami  tapos bumili ng mangga. Yummy! Bago pa gumabi ay sumakay na kami sa bangka or barko ewan. Nakarating naman kami, pagkatapos ng ilang sandali at nagpasyang magpahinga muna.

Pumunta na kami sa resort na pinagreservahan ni Dad at mayroong 2 kwarto na may 4 na kama kada kwarto. "Ba't magkahiwalay boys at girls?", tanong ni Daniel. "Si Dad ang nagpareserve dito eh. Saka baka daw may gawin tayong kababalaghan.", sabi ko.

Tumawa naman sila at nagsipuntahan sa kani-kailang kwarto. Pagkatapos kop naman mag-ayos, pumunta ako sa kwarto ng girls. Pagdating ko, nanonood sila kaya hindi nila napansin na kakapasok ko lang.

Pumunta ako sa likod nila tapos ginulat sila. Sakto kasi nakakatakot yung pinapanood nila. Nagtilian naman sila habang tawa ako ng tawa. Nung nakita naman nila ako, tumigil na ako sa kakatawa at naging seryoso.

Kinuha nila yung mga unan nila at pumunta sakin at gumawa ng pillow fight. Takbo naman ako ng takbo hanggang sa makakuha ako ng unan at naglaro kaming lahat. Maya maya pa ay dumating ang mga boys at sumugod kami sa kanila.

Hanggang sa napagod kami kaya nakahiga kami sa sahig. "Nakakapgod.", sabi ko at lahat sila ay umagree. Bumalik na kami sa kwarto namin at nagsitulugan na.

Kinabukasan............................................................

My Gay......... Husband???!!! (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon