CHAPTER 13

152 58 13
                                    

"Dahil… Dahil…"

"What?"

"Dahil mahal kita…"

Iyon sana ang gusto kong sabihin kaso ito ang lumabas sa bibig ko.

"Dahil isa akong concern citizen."

"Tsk…" he hissed.

Umismid ako, "So ano na? Gagamutin ba natin 'yang sugat mo o gagamutin natin?"

"Tsk…" he hissed again, "Just go back to Tyler. He'll be jealous if he sees us both here."

Napangiti ako sa sinabi nito, "Ehhh… nagseselos ka siguro sa kanya no?"

Napatingin ito sa akin, "What are you saying? You're out of your mind."

Mas lalo akong lumapit sa kanya, "Paano kung sabihin kong wala kang dapat ipagselos."

I smiled at him sweetly, 'Ito na ang oras ng paghihiganti ko. Tikman mo, Zyjan, whahaha!!!'

"Huh?"

Napaatras ito pero sorry na lang siya… dead end na, haha!!.

I put my right hand on the locker behind him and the other hand is on his face. 

"Wha-What a-are you do-doing?" he stammered.

I smiled sweetly then caressed his face.

"You're trembling. Are you scared of me?"

He mocked, "Of course not."

"Really," nilapit ko ang mukha ko sa mukha nito.

'Shit! Ako yata ang nangingingig sa kaba.'

Dug! Dug! Dug! Dug! Kumusta naman ang heartbeat ko.

'Shit! Ang bango ng hininga niya.'

"Are you seducing me?"

"Ha?" nagulat ako sa sinabi niya.

He laughed, "If you are, it is not working to me."

I rolled my eyes, "Whatever!" at lumayo na dito.

"But on the second thought…" he pulled me closer to him, "I kinda like it."

Then he claimed my lips.

Oh my! I was startled.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko at hindi ko man lang ito maitulak dahil sa kapangahasang ginawa nito.

Agaw hininga ako nang bitiwan nito ang labi ko.

"Your lips taste sweet just like I tasted it before," at lumakad ito palayo sa akin.

Ako? Nakanganga ang bibig.

(Revenge Operation: Failed)

********

Kumusta ang gabi ko? Ayon, paulit-ulit na nag-re-rewind sa utak ko ang halik na 'yon.

May bago ba? Gan'on din naman ang nangyari nang ninakaw niya ang first kiss ko. (Ninakaw daw? Asus!)

Lumipas ang araw na nagkunwari akong parang wala man lang nangyaring kissed sa pagitan namin.

Mahirap na baka magkailangan pa kami at maputol ang magandang pagsasamahan namin (wink).

"Gosh! Ang laki naman ng aayusan natin," maarteng sabi ni Leizel.

Saan kami? Sa Function Hall.

Ngayon kami magsisimulang mag-ayos para sa gaganaping College Night.

Secretly In Love (On Hold)Where stories live. Discover now