CHAPTER 18

141 57 15
                                    

"Zyna... Zyna... Zyna..." sabay tapik sa pisngi ko.

"Hm?" sino bang epal na 'to at iniistorbo ang paghahalikan namin ni Zyjan.

"Hey, Zyna, wake-up."

"Ha?" bigla akong napamulat.

Nakangiting mukha ni Tyler ang nabungaran ko.

"Hindi ko alam na masarap palang gawing unan ang dibdib ko," Tyler.

'Shit!' my face turned red.

Imagination ko lang pala 'yon. Hindi pala totoo ang nangyaring halikan sa amin ni Zyjan.

"Ang cute mo palang matulog. Naka-pout pa talaga ang lips, hehe!!"

"Anong?-"

Gusto kong sabutan ang buhok ko sa inis, 'Isangdaang shit. Nakakahiya! Argh!'

Napahawak ako ang aking labi, "Sorry," at dali-daling tinungo ang kinaroroonan ng table namin.

Agad akong umupo pagkarating ko.

"Ehhh," tudyo ni Donna,"I saw it. Ang sweet niyo naman ni Tyler. Sarap bang gawing unan ang dibdib niya? Ha? Ha? Ha?" sabay sundot sa tagiliran ko.

"Bakla, ano ba?!" sabay ilag.

"You should have told me you're sleepy so I can give you a ride way back home. Hindi iyong kung saan-saan ka natutulog."

Napatingin ako kay Zyjan.

Madilim ang mukha nito at ang sama ng tingin sa akin.

'Galit?'

"Hey, are you okay?" Nicole sabay hawak sa pingi ni Zyjan.

"Yah," tumango ito. "Washroom lang ako," at walang lingong-likod itong umalis.

"Zyjan, wait!" hinabol ito ni Nicole.

Napatingin ako kay Donna nang tumawa ito.

"Hoy! Ok ka lang?"

'Nasiraan na yata ng ulo itong kaibigan ko.'

"Hindi mo ba napansin? Kaya ganyan 'yang si Zyjan kasi nagseselos sa inyo kanina ni Tyler," Donna.

"Ha? Sa-"

"Oh s'an na sina Zyjan at Nicole?" ang kararating na Tyler.

"Si Zyjan, washroom daw. Sumunod naman si Nicole sa kanya," Donna.

"Gan'on ba?" he sat beside me.

Kimi akong ngumiti nang magtama ang aming mga mata ni Tyler.

Nahihiya talaga ako sa kanina.

********

Donna's POV (For the first time)

Hi! Donna at your service :-)

I don't think na kailangan ko pang i-introduce ang self ko.

You know me naman since the beginning of this story dahil i-ni-ntroduce na ako ng maganda kong kaibigan. Pero syempre mas maganda ako.

Anyway, kaya lang naman ako binigyan ni Ms. Author ng POV ay dahil i-story telling ko daw 'yong nangyari kanina habang nagsasayaw sina Tyler at Zyna.

Atin-atin lang 'to, guys, ha. Please don't tell Zyjan about this okay?

Actually, kay Zyjan sana 'tong POV kaso si sungit (according to Zyna) nag-iinarte. Kahit anong pilit ni Ms. Author na siya na lang ang mag-POV ay sobra-sobra ang pagtanggi. Takot yatang mabuking ang totoong damdamin niya kay Zyna, LOL.

Secretly In Love (On Hold)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora