CHAPTER 32

117 53 7
                                    

Napatayo kami bigla ni Zyjan.

"What are you looking at? All of you, get out!" Zyjan.

Mabilis pa sa alas kuwatrong umalis ang mga ka-teammates nito.

Ako naman, biglang napatalikod nang makita ang ayos nito.

"Tsk," he hissed. "Now you can't face me because of what you've done huh?"

I shook my head. Dinampot ko ang walis at kumaripas ng takbo.

"Hey! I'm not done yet with you!" narinig kong sigaw nito.

"Hoo!" napabuga ako ng hangin nang makalabas na ako ng locker room.

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa dibdib habang hawak parin ang walis at napasandal sa pader.

Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko na para bang lalabas ito sa katawan ko.

"Aayyiieee... Nakita namin 'yon," they all said in chorus.

'Langya, nasa labas pala sila ng locker room habang nakatago sa gilid ng pader.

"Hoy, kayo! Magsitigil nga kayo! Mga greenminded ang utak!" nakapamaywang kong sabi.

"Aayyiiieee..." mas lalo pa nilang akong tinudyo.

"What are you doing? Give me one hundred!" sigaw ni Zyjan na kalalabas lang ng locker room.

Nakabihis na ito ng damit.

"Captain naman," reklamo ng mga ito.

"Give me one-fifty!"

"Labas ako d'yan ha," Tyler habang patakbong tinungo ang court.

"Ang daya! Tyler, bumalik ka dito!" Justine.

At nagsitakbuhan na ang mga ito.

Napangiti ako, 'Ang kulit din naman pala ng mga ito, hehe!!.'

"Ang you!" while holding my right arm, "We need to talk."

"Ha? Ah-eh, m-may gagawin pa a-"

Wala na. Hinila na kasi ako papasok ng locker room.

"What do you think you're doing? Gusto mo na naman bang magkaroon tayo ng scandal?"

"Hindi no. Kasalanan ko ba kung akala kong multo ka ha?"

"Tsk! Before you conclude kasi on something, you should know it first. Hindi iyong basta-basta ka na lang nanunugod."

"At ako pa ang may kasalanan? Hello?! Ilang beses kaya akong nagparamdam at nagtanong kong may tao ba dito, wala namang sumasagot."

"Pero hindi ka dapat basta-basta namamalo na lang."

"Ah ewan ko sa'yo! Ang mabuti pa, umalis ka na lang dahil tatapusin ko pa ang paglilinis ko dito."

He sighed, "Ge. Hintayin na lang kita mamaya pag-uwi mo."

Tumango ako. "Sige na. Umalis ka na," sabay tulak palabas dito ng locker room.

"Sige. Mag-ingat ka sa momo d'yan ha?" nakangising sabi nito bago lumakad.

"Anong- Hoy!" hinabol ko ito at hinawakan ang laylayan ng damit nito. "K-Kung samahan mo na lang kaya ako dito."

"I'm sorry. I can't. May practice pa kami."

"Ehh... samahan mo na ako, please... Natatakot ako d'on. Patay-sindi nang patay-sindi kasi 'yong ilaw.

Hinawakan nito ang walis na hawak ko, "Eh di, hampasin mo ng walis na to."

"Kasi naman eh... Sige na naman. Parang awa mo na."

He shook his head, "Kaya mo na 'yan. Nakaya mo nga ako kanina eh," he was teasing me.

"Ah basta! Sa ayaw at sa gusto mo sasamahan mo ako," and I pulled him papasok ng locker room.

Nakahinga ako ng maluwag nang nagpahila naman ito.

"D'yan ka lang ha? Huwag kang aalis d'yan," pinaupo ko ito sa upuang nasa gilid ng pinto. "At 'wag na 'wag mong balaking umalis dahil makakatikim ka na naman ng walis sa akin," I warned him.

"Don't worry, I won't," nakangising sabi nito.

Habang nag-mo-mop ng sahig ay pasulyap-sulyap ako dito. Mahirap na baka takasan ako.

"Zynaaa..."

"Ay multo!" nagulat ako nang bigla na lang itong bumulong sa tainga ko.

Hindi ko kasi namalayang nakalapit na pala ito sa akin.

Napayakap tuloy ako sa kanya.

"Hahaha!!!" sarap ng tawa ng loko.

Pinalo ko ito sa dibdib, "Asar ka talaga! Bwisit!"

Tawa lang ito nang tawa.

"Captain?" ka-teammates nito. Ito yata si Jerome. "Ops! Sorry. Naistorbo ko yata kayo," at nakangising umalis na lang ito.

"Tsk." Bumaling ito sa akin,"Chansing ka na ah."

Agad naman akong kumalas ng yakap dito. "Hindi no! Iyo na ang katawan mo, hmp!"

He chuckled.

(Author's Note: Ayan violey09 pinagbigyan ko na ang hiling mo, hehe! Sino at ano ba si Jerome sa buhay mo ha? Meganun, haha...)

Secretly In Love (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon