CHAPTER 25

128 54 14
                                    

"Are you allright?" agad na lumapit si Tyler sa akin at inalalayan akong tumayo.

I nodded, "S-Salamat."

Nang igala ko ang paningin sa paligid ay laking pasasalamat ko nang wala namang estudyanteng nakakita sa amin liban kay Tyler.

I bit my lower lip, 'Shit! Nakakahiya.'

"I accompany you to the Dean's Office," Tyler.

Tatango na sana ako nang biglang hinila ako ni Zyjan palapit sa kanya.

"No need. She can take care of herself," at hinila na ako papuntang Dean's Office.

'Shit! Sa dinami-dami ba naman kasing pwedeng makakita si Dean pa... Lagot ka talaga sa akin mamaya bakla.'

When we reached the Dean's Office, I was thankful when Dean Rio believed our explanations about what really happened a while ago.

I was afraid pa nga kanina when he told us that we'll bring our parents tomorrow because she's going to discussed with them 'yong nangyari.

Nakaligtas nga kami kay Dean pero hindi sa mga classmates and schoolmates namin.

May nakakuha pala ng eksenang 'yon at pinasa sa mga kakilala nila at p-in-ost pa sa FB.

"Bakla! Where have you been? I was looking for you kanina pa. Bigla ka na lang kasing nawala sa likuran ko," Donna.

Agad kong piningot ang tainga ni Donna pagkalapit niya sa akin at hinala sa isang vacant room.

"Ouch!... Ouch!... Ouuchh!... Ano ba?!"

Binitiwan ko lang ito nang nasa loob na kami ng room.

"Ouch! My ears," maarteng sabi nito.

"Bagay lang 'yan sa'yo. Dahil sa'yo pinatawag tuloy akong Dean's Office sa iskandalong ginawa ko."

"Weh? Ganda kaya ng position n'yong dalawa," then he laughed.

"Anong?-"

Pinakita nito ang cellphone at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"Ganda ng kuha niyo dito, bakla. Patok na pang-profile pic sa FB. Tiyak kong maraming mag-li-like nito," he chuckled.

'Shit! Sinong nag-picture sa amin?' Last time I checked walang tao noon kundi kami lang nina Zyjan at Tyler liban syempre kay Dean.

Napaupo ako sa semento.

"Bakla, ok ka lang?" umupo ito sa hanarapan ko.

"Waahhh... Nakakahiya... Nakakahiya talaga..." sabay sabunot dito at niyugyog ang ulo.

Kawawang Donna. Namilipit tuloy sa sakit nang bitiwan ko ang buhok nito.

Hinawakan nito ang ulo, "Oh my gosh! Nahihilo ako. Kala ko may balak kang kalbuhin ako, huhu!!"

"Sorry," peace sign. "Kasi naman eh. Kakahiya," pout.

"So, sasabunutan mo ako gan'on?"

"Ehh..." I hugged him, "Sorry na. Peace na tayo."

"Oo na. As if I have a choice."

Kumalas ako ng yakap then ngumiti.

"Saka in the first place naman kasi, sinabihan kitang tumakbo," dugtong nito. "Kaya in some point may kasalanan rin ako kaya nangyari 'to. Eh sa feeling ko kasi may hindi magandang gagawin ang tatlong babaeng humarang sa atin kanina."

Tumango ako saka ngumiti ulit.

"So, 'lika na? Baka ma-late na tayo sa class natin," yaya ko.

"Anong late ka d'yan? Absent na nga tayo."

"Ha?" napatingin ako sa relo ko. "Hehe!! Oo nga... Ahm... Bakla?"

"Yap?"

Lumapit ako dito saka bumulong.

"What?!" napatayo ito sa gulat pagkatapos marinig ang binulong ko. 

"Uhm-mm..." I nodded saka tumayo na rin.

"My gosh! Congratulations, Bakla! Welcome to the real world."

"Tange! Kainis kasing Nicole 'yan. Napaamin tuloy ako kay Zyjan ng wala sa oras."

Sinabi ko kasi kay Donna ang nangyari n'ong last Friday - lahat-lahat.

********

"Ambisyosa! Tiyak pinaglalaruan lang siya ni Zyjan."

"Yuck ha! Spell not suitable for Zjan... Z-Y-N-A, Zyna," at humalakhak ito sabay aper sa mga kasama. 

"Oh my G! Is that "the girl"? I thought she's a beauty. Hindi naman pala."

"He chooses that girl over me? My gosh! She's nothing compares to me. Mediocre girl, hmp!"

Ilan lang 'yan sa mga naririnig kong sabi ng iba.

Pero so far, wala pa namang umaway sa akin physically.

But I prefer na gan'on. Kasi pag-physical, madaling maghilom at gamutin pero kung emotional... masakit. Tumatatak talaga sa puso't isipan mo at ang tagal bago maghilom.

"Kaya pa, bakla?" Donna.

"Kinakaya... Pero ang sakit ha. Sakit dito," while pointing my left chest. "Ikaw ba naman ang insultuhin at paringgan na hindi kayo bagay ng lalaking mahal mo."

He tapped my right shoulder, "They were just jealous b'coz they believe that Zyjan chooses "you" over them," he smiled. "Don't worry, fifteen minutes na lang uwian na. Makakaalis ka na rin sa mga inggitera dito."

At ang fifteen minutes na pinakahihintay ko ay dumating na sa wakas.

Dumiretso kami ni Donna sa Gym pagkatapos.

Pero nagulat ako nang nasa bungad pa lang kami ng Gym ay may biglang bumuhat sa akin. 'Yong buhat na ang tiyan ko ay nasa balikat nito at ang ulo ko ay nasa likod nito.

"Donna!" sigaw ko habang nagpupumiglas at pinagpapalo ang likod nito.

Natatakot kasi ako sa akalang may gagawing masama ang taong ito sa akin.

Pero ang bakla, nakatingin lang sa akin at hindi man lang ako hinabol.

"Help!" sigaw ko.

Secretly In Love (On Hold)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora