CHAPTER 26

110 53 14
                                    

"Shut up!" at patuloy ito sa matulin na pagtakbo.

"Zyjan?!" gulat kong sabi.

Hindi ito sumagot pero sigurado akong si Zyjan ang bumuhat sa akin.

Hindi dahil sa boses nito nang magsalita kundi dahil nang masamyo ko ang amoy nito nang biglang umihip ang hangin.

Pumasok kami sa isang room. Ni-locked niya muna ang pinto bago ako binaba.

"We'll talk," Zyjan.

"Mag-uusap lang pala tayo. Tinakot mo pa ako. Kung nilapitan mo na lang kaya ako at sinabihang kailangan mo akong kausapin. Hindi iyong may pabuhat-buhat effect ka."

"I have to. I saw Karen's coming kaya ginawa ko 'yon para mabilis tayong makaalis. Hassle kasi 'pag naglakad, ang bagal mo."

Nag-pout ako. "So, anong nang pag-uusapan natin?"

Pinakita nito ang cellphone sa akin, "I want you to clean this mess."

Ang tinutukoy nito ay ang kuhang larawan namin kanina.

"But ako lang? Tayo ang nasa larawan kaya dapat tayo ang mag-ayos n'yan."

"Because this mess is all because of you," iritadong sabi nito.

"Aba! Kung makapagsalita ka, agrabyado ka sa nangyari ah. Ako kaya ang babae dito so mas kahiya-hiya ang sinapit ko sa ating dalawa."

"Damn! I don't want to hear any excuses from you. Tomorrow, before the end of the day, I want you to clean this mess."

"Kung ayaw ko?"

"Subukan mo."

Nagsukatan kami ng tingin at wala ni isa man ang magpatalo.

"The first issue that we're involve, I cleared things out. I told them that I was the one who kissed you so hindi ba dapat ikaw naman ang umayos nito!" galit na ito.

"Oo na. Aayusin na. Parang 'yon lang nagagalit ka kaagad."

"Of course! What do you expect to do? Tawanan lang ang iskandalong ito?!"

"Oo na. Huwag mo na akong sigawan... Alam ko namang kinakahiya mo ako eh. Kinakahiya mong ma-link sa akin. Kinakahiya mong malaman ng iba ang tungkol sa pagtira ko sa inyo dahil kinakahiya mong isipin nila na baka may ugnayan tayo!"

Nagulat ito sa pagsigaw ko rin.

"Para namang hindi tayo naging mag-bestfriend dati ah… Porket ba nagustuhan kita, porket nag-I love you ako sa'yo, porket ako pa ang nag-initiate ng feeling ko ay ginaganyan mo na ako? Ito ang tandaan mo, tulad ng sabi ko balang araw magiging akin ka rin. You'll fall in love me and that you'll love me back," at walang lingong likod ko itong iniwan.

"Bakla!" tawag sa akin ni Donna nang makita niya ako.

Tumakbo ako dito saka niyakap.

"A-Akala ko umuwi ka na," at nagsimula ng tumulo ang kanina pang pinipigilan kong mga luha.

"Hush… What happened?" habang hinahagod ang aking likod.

Humigpit lang ang yakap ko sa kanya.

"Hush… tahan na… tahan na…" pag-aalo nito.

Dahil doon ay pinaalam ako ni Donna kay Dean na hindi muna ako makakapaglinis ngayong araw dahil masama ang pakiramdaman ko.

Pumayag si Dean kaya habang hinahatid ako ni Donna pauwi ay kinuwento ko dito ang sagutan namin ni Zyjan.

Napailing ito pagkatapos kong magkwento.

"Nagalit ka naman kaagad?" Donna. "Bakla, why don't you put it on the positive way, 'yong sinabi niya. I think Zyjan was right. You should clean this mess. Ikaw na rin ang nagsabing mas kahiya-hiya ito sa part mo. What Zjyan's trying to pinpoint is para makaiwas ka sa gulo at sa mga umaaway sa'yo."

"H-Hindi ko alam ku-kung kaibigan nga ba kita o hi-hindi," aniko sa pagitan ng pag-iyak.

"Nagduda gan'on?" sabay taas ng isang kilay. "Bakla, ang slow mo kasi. Iyong part na sinabi niyang clean this mess at kung makasigaw sa'yo wagas ay ginawa niya lang iyon dahil takot siyang magpakita ng kakaibang emosyon sa'yo."

I wiped my tears, "A-Ano namang emosyon 'yon?"

Binatukan ba naman ako, "Ang slow mo talaga. Eh di concern slash love."

"Love? Imposible. Siya na nga rin ang nagsabing hindi niya ako magugustuhan."

"Duh?! Alam mo naman ang ibig sabihin ng defense mechanism right?" he rolled his eyes. "Isa pa, torpe kasi 'yong tao."

"Ga-Gan'on ba 'yon?"

"Hindi na lang? Kaya ayusin mo na 'yang sarili mo. Baka magtaka pa silang lahat pag-uwi mo ng ganyan ang itsura mo... Ahm, may napansin lang ako."

"A-Ano?" habang pinupunasan ko ang mga luha.

"Ang pangit mo palang umiyak, bakla," he grinned.

Sinamaan ko nga ng tingin.

Pagdating ko ng bahay, buti na lang wala si Itay at sina Tito at Tita. Walang magtatanong kung bakit gan'on ang itsura ko.

Nang maghapunan na ay nagdahilan na lang akong kumain na ako sa labas dahil birthday ng classmate ko.

"Tama kaya ang sinabi ni Donna kanina?" napaisip ako.

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama ng mga oras na 'yon at nagpapaantok.

I shook my head, "Pero imposible eh… Imposibleng magkagusto sa akin si Zyjan. Eh ang sungit-sungit sa akin n'ong taong 'yon at harsh pa magsalita. Todo deny pa ngang may gusto sa akin."

Umupo ako, "Pero baka totoo din." Then bigla akong may naisip, "Ano kaya kung ligawan ko siya? Ako na ang manliligaw kung natotorpe siya."

Bumalik ulit ako ng higa, "Pero parang nakakahiya naman yata. Ako pa ang babae, ako pa ang manliligaw?"

Nakatulog ako na 'yan ang iniisip ko.

Secretly In Love (On Hold)Kde žijí příběhy. Začni objevovat