chapter 2

1.9K 31 2
                                    

"ah gan--" mag k-kwento na Sana ako Ng biglang..

"FUCK!!!" sigaw ni Josh. napatingin kami sakaniya at nakita naming nabuhos pala nung babae Yung hawak hawak niyang mainit na soup.

"Josh!" sigaw ni cla. tumakbo kaming dalawa ni cla palapit kina Josh and zeke.

tinignan ni cla Yung soot ni Josh at makikita sa mukha niya na nasasaktan Siya.

"Bobo ka ba?!! bakit Naman hindi ka nag i-ingat?! kumukulo Yung hawak mo tas matatapon mo sa iba?!! " sigaw ni cla doon sa girl na nakatapon.

" pasensiya na po talaga, hindi ko po sinasadya" naiiyak na sabi nung girl.

hahablutin na Sana ni cla Yung buhok nung girl pero hinawakan ko kamay Niya

"cla tama na, kailangan madala ni Josh sa clinic yun ang importante ngayon. " tinignan muna ni cla Ng masama Yung girl saka sinamahan si zeke na dalhin sa clinic si Josh.

kami nalang dalawa nung babaw Yung natira at Yung mga students Dito sa cafeteria na kumakain kanina na nakatingin sa amin Ngayon.

napatingin ako sa kamay nung babaeng umiiyak Ngayon at napansin ko na namumula Ang mga kamay Niya.

"halika na, dalhin kita sa clinic para mapagamot ka" sabi ko sakaniya.

napatingin Siya sa akin at Parang takot na takot.

" p-pasensiya na po talaga " sagot Niya.

ngumiti lang ako sakaniya at sinamahan Siya papuntang Isang clinic. buti nalang dalawa clinic Dito.

pag ka pasok Namin sa clinic, ginagamot na Siya Ng mga nurse Ng biglang may pumasok sa clinic.

syet. Yun lang masasabi ko.. nag kalat mga gwapo Dito sa campus na ito.

hindi ko na Siya pinakatitigan Kase hindi Naman talaga ako mahilig sa mga gwapo. I mean, hindi Naman talaga ako masyado na a-attract pag dating sa physical.

habang hinihintay ko Yung girl biglang nag salita Yung boy na kakapasok lang.

"na saan Ang nurse?" napatingin ako sakaniya at walang kahit na anong bahid Ng emotion na makikita sa mga mata Niya.

"may inaasikaso na student lang." sagot ko sakaniya ng simple. tumitig lang siya sa akin at wala na siyang sinabi kaya tumingin nalang ulit ako sa bintana.

ramdam ko parin titig nung lalaki sa akin. okayyy.. medyo weird na.. Ng tatanungin ko na Sana Siya kung ano kailangan Niya ulit Ng bigla lumabas na Yung babae ay may benda na sa kamay.

ng nakita ako Ng babae ay medyo nagulat Siya. well hindi Niya siguro expect na nag hihintay ako sakaniya. ngumiti lang ako saka ko Siya nilapitan.

"hindi na ba mahapdi?" tanong ko sakaniya habang naka ngiti.

umiling lang Siya na Parang nahihiya.

"tara na at Ng makakain ka na" sabi ko sakaniya habang nakangiti parin.

nagulat Siya sa sinabi ko at ng mag tatanong na Siya ay bigla Siya napatigil na napatingin sa likod ko..

"kuya lay?" napatingin ako sa likod at dun ko nakita Ang madilim na mukha nung lalaking pumasok kanina.

"anong nangyare saiyo? Sino may gawa niyan?" mababa Ang boses pero ramdam at kita mo na Galit Siya. sa totoo lang nakakatakot Siya tignan kahit Parang kalmado boses niya, paano pa kaya pag sigaw na?

hindi sumasagot Yung babae kaya tumingin sa akin Yung lay.

"h-hoy hindi ako may gawa niyan.. sinamahan ko lang Siya Dito sa clinic." sabi ko sakaniya.

"Sino Ang may gawa?" tanong Niya sa akin.

"Siya.. nabuhusan Niya Ng mainit na soup Yung kaibigan ko" sabi ko sakaniya.

kumalma mukha Niya at napatingin doon sa girl. napayuko nalang Ang babae na Parang nahihiya parin sa akin.

ng walang sumasagot at nakatingin nalang sa akin Yung lalaki kanina napag desisyunan ko narin na mag-salita.

"ahmm, osige una na ako Kase may klase pa ako." sabi ko sa kanilang dawala.

tinignan ko Ang babae at tinignan namn niya ako pabalik.

"wag mo na masyado isipin nangyare okay? aksidente lang ang nangyare at walang may gustong mangyare yun" sabi ko sakanya at ngumiti.

nakita ko na medyo nag liwanag Ng konti mukha Niya at medyo ngumiti rin.

"pagaling ka ah? ingat sa susunod okay? " tanong ko sakaniya.

tumango Siya at saka na Siya ngumiti.
"opo ate " napa smile nalang ulit ako at ginulo Ng konti buhok Niya.

tinignan ko Yung lalaki at nakita kong naka titig parin Siya sa akin. nginitian ko nalang Siya.

"una na po ako kuya." sabi ko sakaniya at lumabas na ako Ng clinic na hindi Sila nililingon. Yung nurse Naman dun Parang estatwa lang na nakatitig dun sa lalaki.

well medyo bata pa talaga Yung babae mga 2 taon siguro Yung tanda ko dun tapos Yung boy naman, teka ano nga Kase pangalan nun?? lem, loy? basta something na ganun.. siguro mag kasing tanda lang kami. well, at least natulungan ko na Yung babae at kasama Naman na Niya kuya Niya.

dumeretcho na ako sa room na papasukan ko at nakita ko na nandun na si zeke at iilang mga kaklase Namin. Maaga pa Kase Ng 20 mins kaya konti palang.

ng nakapasok na ako Ng room ay agad Naman ako nakita ni zeke at tinuro Ang tabing upuan Niya. nice mukhang seatmate ko si zeke ah.

"Saan ka nag punta? binalikan kita sa cafeteria pero Wala ka na dun" tanong Niya sa akin.

" tinulungan ko lang yung girl para pumunta sa Isang clinic Kase napaso rin kamay niya" sagot ko sakaniya habang inaayos bag ko.

"wow Ang bait Naman hahaha. pag nalaman ni cla baka mainis Siya hahaha"
sabi Niya habang tumatawa.

"hindi Naman siguro and aksidente Yung nangyare. nga pala Saan Sina Josh and cla? musta na si Josh?" tanong ko sakaniya.

" ayus Naman na Siya pero pinauwi na Siya para makapag pahinga lalo and kasama Niya si cla na umuwi. sagot Niya sa akin.

"salamat Naman Kung ganon." sagot ko sakaniya.

ngumiti nalang Siya at ako ganun din ako tapos hinihintay na Namin mga ibang kaklase Namin at Yung prof.


Caged by the Cold boyWhere stories live. Discover now