chapter 29

792 12 6
                                    

Cassandra's POV

Nandito na kami sa auditorium at naka upo na. Meron namang nag aayos parin ng stage at tila Natataranta parin dahil sa biglaan na pag punta kuno ng may ari ng university. Habang tumitingin ako sa harap ay naramdaman ko Naman na nag vibrate ang phone ko sa bulsa. Ng tinignan ko, nag message pala sa akin si cla. Ng binasa ko ang message Niya ay napakunot ako ng noo.

Pag katingin ko sa pwesto ni cla and josh, nagulat ako na wala pala si cla.
Teka Saan Naman pumunta Yung nga iyun?

" Hey, are you okay? " Tanong sa akin ng katabi ko na si zeke.

Tumingin naman ako Kay zeke habang nakakunot parin ang noo.

" Zeke, asan Sina Josh? Nasa harap lang natin sila kanina Diba? " Tanong ko sakaniya. Hindi Kase kami tabi-tabi dahil nag unahan Yung nga unang students na umupo kaya bungal bungal ang mga available na upuan kanina.

Tumingin Naman din si zeke sa harap Namin kung Saan nakaupo Sina Josh kanina.

Kumunot Naman noo Niya

" Hindi sila nag sabi. Baka bumili sila? " Sagot sa akin ni zeke na hindi sigurado. Lalo ako hindi napakali lalo na sa message sa akin ni cla.

"  Ahm zeke cr lang ako ah. Balik din ako agad. Paki save Yung mga upuan ni na cla" Sabi ko Kay zeke.

Tumango Naman Siya.

" Osige. Subukan ko rin call Sina cla. " Sabi Niya.

Tumango Naman ako at agad lumabas. Habang papunta ako sa lugar kung Saan sinabi ni cla ay nag iisip parin ako.

Bakit gusto makipag kita ni cla sa room? AKala ko ba nakalabas na sila kanina? Bumalik siya?

Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko dahil sa message sa akin ni cla. Parang problemado? Nag away ba sila ni Josh?

Pag dating ko sa room ay nag taka ako ng walang tao. Pumasok ako Ng tuluyan sa room at nilibot paningin ko. Ng hindi ko makita si cla ay lalabas na Sana ako pero bago pa ako makalingon ay may nag takip na Ng bibig ko.

Sinubukan kong hindi huminga dahil alam ko na may nilagay Siya sa panyo. Patuloy parin ako lumalabas ng hindi ko na natiis at naamoy ko na ang matapang na amoy na naging dahilan ng pag ka hilo ko. Bago ako tuluyan matumba ay nakaramdam ako Ng pag tusok ng estranghero sa balikat ko na tila ay Isang injection. Saka Siya bumulong sa akin

" Sleep well love " sabi ng lalaki at tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

Zeke's POV

Mga sampong minuto na ako nag hihintay Kay cassandra and patuloy na pag tawag Kay cla. Medyo nag aalala na ako dahil hindi sinasagot ni cla and josh ang phone Nila tapos si cassandra Hindi pa bumabalik. Ng hindi ko na matiis ay tumayo na ako at balak na Sana hanapin si cassandra and cla Ng may narinig kami na pag sabog sa kabilang building. Lahat ng students ay nag si takbo at nataranta pati ang mga prof sa harap. Tumunog ang alarm na nag pa kaba na sa akin.

Tumakbo ako palabas Ng room at tumakbong papuntang cr. Pero hindi ko nakita si cassandra sa cr. Pumunta ako sa bawat cr sa pero hindi ko parin Siya nakita na lalo ko kinabahala. Kinuha ko ang phone ko at sinubukan na tawagan Siya pero nakapatay ang phone Niya. Nag babanggaan na ang ibang students sa pag ka taranta pero patuloy parin ako sa pag hanap.

Sh*t asan na sila? Asan na Siya? Patuloy na tanong ko sa aking sarili habang binubuksan ang mga iba pang banyo pati narin rooms.

Naisipan ko na tignan ang last na pinasukan namin na room, nag babakasali na bumalik siya pero bago pa ako makapunta roon ay panibagong pag sabog nanaman sa kabilang building ang nangyare kaya yumuko na ang iba pang students na natira sa sa building.

F*ck ano ba ang nangyayare?!! Natataranta na ako at Hindi ko alam kung Saan sila hahanapin. Tumakbo ako papunta sa room kung Saan ang last subject Namin. Ng malapit na Sana ako sa pinto Ng room ay narinig ko ang pag putok ng mga baril kasabay nun ang pag pasok ng mga lalaking nakaitim. Marami sila at armado. Mabilisan akong pumasok sa room at sinubukan na mag tago sa ilalim ng table ng prof. Kahit nasa ganung estado, sinubukan ko paring tawagan si cassandra. Ng hindi parin sumagot ay tumawag na ako Kay cla. Sa pangatlong ring ay nabuhayan ako Ng loob ng sumagot si cla.

" Sh*t cla! Asan kayo? Si cassandra kasama mo?! " Tanong ko na Natataranta. Sh*t kailangan ko hinaan boses ko nasa labas lang sila.

" Hindi ko kasama si cass! (Tunog ng putok ng baril) sh*t! Alam ko kasama mo Siya?! Asan ka?! " Rinig ko na sagot sa akin ni cla na Natataranta.

P*tangina! Asan si cassandra?!

Sasagot Sana ako Kay cla Ng umangat ang table na pinag tataguan ko.

Oh f*ck.

Napa angat ako ng tingin sa dalawang lalaki na naka itim at may dala sila na baril.

Hinatak nung isa ang phone ko at binasag. Hinakan naman nung isa ang kwelyo ko at nginisian ako.

" Shh.. " sabi Niya at pinalo sa ang ulo ko gamit ang baril na hawak Niya.

Bago pa ako mawalan ng Malay ay nakita ko pa ang lalaki na nilapit ang daliri Niya sa bibig na tila sinyales na huwag ako maingay at ngumisi ng malademonyo.

Ang huli ko nalang sinabi ay ang pangalan ng babaeng iniisip ko Ngayon.

" Cassandra. " At nawalan na ako Ng malay



Caged by the Cold boyWhere stories live. Discover now