VIII

98 13 7
                                    


"Bakit ka pala Yana napunta dito sa TUP? Diba mayaman naman kayo? Bakit di ka nag UP? Areneo? La Shalle? O kaya nagpatuloy dun sa USTe?" Tanong ko kay Yana habang nakatambay kami sa multi-purpose hall.


"Ewan ko sayo Basti. Hindi naman porque may kaya kami e hindi na ako pwede mag-aral sa state-u. Tsaka, ganoon ba talaga sila sa La Shalle? Nakabreysh? Hahaha!" she playfully replied.


"Hahaha. Siyempre joke lang. Pero bakit nga? I mean, you obviously have a lot of options. But why here?" usig ko.


Saglit siyang napatigil sa pag galaw at tumingin sakin. Akma siyang sasagot nang...


"Mga baklaaaaa! Andechi lang pala kayez. Kakaloka kayo!" biglang bungad ni Tessie. "Ay, anechi? Anez ang topic? Bakit parang silent night holy night ang ganap?"


Kita mo tong bruhang to. Ang galing mag timing! Nag uusap kami ni Yana e. Sasagot na e. Inirapan ko nalang si Tessie at ibinalik ang atensyon kay Diana.


"So ano na Yana?"


"Ayy girl? Ignore-zoned ang beauty ko?"


Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Nakakainis. Mabait naman itong si Tessie pero minsan ang insensitive. Gusto ko lang naman malaman ang sagot ni Yana pero ayaw tumigil sa kaakistorbo.


"Hayaan mo na nga Yana. Next time mo nalang sagutin kapag wala nang istorbo," sabi ko sabay buntong hininga ng malalim.


"Ay, ocean deep pala ang chika?" tanong ni Tessie.


Hindi ko nalang sila pinansin at nilabas ko nalang ang cellphone ko. I sent out two text messages. One of the text was for Van.


Naging madalas ang pagtetext namin ni Van lately. Siguro kasi nadiscover namin na mas nakakarelate kami sa isa't isa. It's very unexpected na magiging ganito kami ka close.


By this time, hindi ko na pinansin sina Yana at Tessie. Mukhang masaya naman silang nag-uusap. I tried to listen in pero mas naagaw ang atensyon ko sa message exchanges sa phone ko.


Ganito pala ang feeling ng engrossed ka sa isang bagay no? You zone out at tumatahimik ang paligid.


"Flores, uy!"


Napukaw ang atensyon ko nang biglang may nagsa snap ng fingers sa harap ko.


"Pre, kanina pa kita tinatawag. Dala-dalawa na chix mo diyan may isa ka pang ka-chat. Lupet talaga," nakangising sabi ni Japs.


Naka suot ito ng PE uniform. Sa pagkaka alam ko hindi pa naman PE ngayon. Naka ipit sa pagitan ng kaliwang braso nito ang isang bola ng basketball. Sa likod nito ang iba naming mga kaklase na kapwa naka PE uniform din.


"Bakit?" tanong ko.


"Tara laro tayo basketball!" paanyaya niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Man's Life [Season Two]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon