III

2K 102 43
                                    

Sa nalalabing araw ng bakasyon, sa library na ako natulog. Idinadahilan ko nalang na gustong gusto ko talagang basahin ang mga libro doon hanggang sa makatulugan ko. Mukha namang na-convince sila.

Ano pa nga bang magagawa ko? Eh bisita nga ang pinsan ko. Tsaka kahit na bisita din ako, hindi naman ako galing US. Kaya pagbigyan nalang. Mas nakakatanda naman ako kaya sige na lang.

Wala na rin akong kinausap sa mga pinsan ko after ng reunion, hanggang sa makauwi sila. Though sumasagot naman ako pag nagtatanong or if badly needed. Pero I don't do conversations anymore or even tried to initiate one. Baka may masabi na naman silang hindi maganda. Baka magkasamaan pa kami ng loob. Mga pinsan ko pa naman sila.

Though napatawad ko na rin naman sila sa mga nagawa or nasabi nila. There's no point in harboring bitterness in my heart. Pero siyempre, kahit hindi ako bitter, iwas iwas pa rin pag may time. Sabi nga diba? Prevention is next to godliness. Chos! Naniwala naman kayo agad. Prevention is better than cure.

Maiba tayo. Move on. Move forward!

Alam niyo ba? Marami akong natutunan sa college? Such as pag gamit ng disclaimer na "chos," "charot," and the likes. Aside doon, mayroon pang iba! Gaya ng calculus, mechanics, buhay ni Rizal and such. I also learned how to have a girlfriend. And the people! My gosh talaga. As in grabe!

I'll start with... Enrollment.

Dahil nga nagpakasasa ako sa bakasyon, ay last week na ng May ako nakapagpa-enroll. Buti nalang nasa priority list ako kaya maayos akong nakapag pa-enroll. Bit-bit bit-bit ang mga requirements ko ay sinamahan ako ni mama sa TUP.

At dahil enrollment 'yon, medyo naka get up ako. Nakaplantsa ang may kahabaan kong buhok at inayos ko na nakadikit sa ulo at nakapaling din sa kaliwa ang bangs ko. Nakasuot ako ng pink na t-shirt na pinatungan ko ng itim na chaleco. Pinaresan ko ito ng violet kong skinny jeans at black na hi-cut sneakers. May nakapagsabi kasi sa kin na bagay daw.

Mas excited pa nga si mama ata kaysa sa akin eh!

"Aww ang baby ko! Mag cocollege na. Iiwan na niya ako malapit na. Huhu,” sabi niya pagkalabas namin ng kotse pagkatapos magpark sa loob ng TUP.

"Mama ano ba! Nakahiya!" pabulong ngunit madiin kong sabi. Ngunit nagpalala pa ata iyon.

"Huhuhu. Ngayon palang pinagtataasan na niya ako ng boses. Iiwan na niya talaga ako! I’m so hurt na."

"Ma, ang totoo? Anong koreanobela na naman ang minarathon niyo at bakit parang ang lakas ng sapak niyo? Ginagaya niyo pa boses ni Kris? Mag ka-college lang ako eh! Ang OA niyo Ma. Promise!"

"Baby naman! Minsan lang maglambing si mama eh. Napanood ko kasi ‘yung Queen In-Hyeon’s Man. Ang ganda baby! Sobrang nakaka-iyak ng ending. Magugustuhan mo yon baby, try mo. And then pinanuod kasi sa akin ng amiga ko ‘yung isang episode ng palabas ni Kris. Nakakatawa kasi yung pagtawag niya ng Darla~

Napanganga ako kay mama. Hindi ko naman kasi inaasahan na mag-eexplain talaga siya. Ang weird talaga ni mama. Mula sa animated na pagngiti ay lumamlam ang mukha niya. nakangiti pa din pero iba na ang aura. I felt warmth in her smile.

A Man's Life [Season Two]Where stories live. Discover now