V

3K 96 57
                                    

Hindi ko alam kung anong oras na kami inabot kakakuwentuhan.  Basta nagising nalang ako kinabukasan na magkatabi kami.

I checked myself. Kumpleto pa naman. Sige na nga. Naniniwala na ako. Harmless na ngang talaga si Clinton.

Magmula sa araw na iyon, unti unti nang nabawasan ang awkwardness ko sa kaniya. Pati sa mga kakaibang reaction niya, nasasanay na rin ako. Though hindi ko parin maiwasang barahin siya paminsan-minsan. I guess some things are hard to change.

A few days after kong makapag enrol ay nakatanggap ako ng text mula kay Mitchie. Actually, it was a group message na intended ata sa mga officers niya. Tutulong kasi sila sa enrolment ng USTe. Dahil wala naman akong ibang gagawin pa since 2nd week of June pa ang pasukan namin ay tinawagan ko siya. May extrang pantawag ako eh.

“Hello kuya Basti? Napatawag po kayo?”

 

“AH, nareceive ko kasi ang GM mo. Pwede bang tumulong?”

“Nakakahiya naman po. Baka busy po kayo.”

“Hindi naman. Wala pa naman kaming pasok. Matagal pa.”

“Ganoon po ba? Edi sige po.”

“Teka, sino-sino pala ang pupunta? Di na ako updated masyado diyan ah. May mga dating officers ba?”

“Mayroon din naman po. Sina Michael, si Tina, si Otep, tapos yung mga bago tapos sina Van.”

 

“Si Van? Tumakbo din ba siya?”

“Ay hindi po. Tutulong lang. Alam niyo na po. Besties.

“Haha. Sabagay. Kamusta na pala siya?”

Naalala ko. Ang huling pag-uusap namin ni Van ay noong birthday namin.

“Uy, si kuya, curious.”

“Adik. Nangangamusta lang eh.”

“Sus, wag ka na kuya. Di ka na crush nun.”

“Anong sabi mo?”

“Ah-eh, w-wala po.”

“Narinig ko yun. I want to clarify.”

“Kuya! Wag mong sasabihin ka Van ah! Tegibambam ako dun.”

“So totoo nga?”

“Eh pero matagal na ‘yon kuya. Naka-move on na si Van doon.  Crush lang naman yung sayo eh. Di gaya kay kuya Lyndon.”

“Oh…” May something pala sina Lyndon at Van? Kung tama yung Lyndon na iniisip ko ah!

A Man's Life [Season Two]Where stories live. Discover now