VII

1.2K 43 12
                                    


At dahil ayaw ko nang maulit ang nangyari sa akin noong orientation day, 4am palang ay nagising na ako upang mag ayos. Bilang isang college student, nararapat lang na I'm neat, elegant and presentable. Lalo na't Engineering ang course ko. Dapat kagalang-galang ang dating. Sabi nga nila, 'What you practice in college you shall practice throughout your whole career.' Ewan ko lang kung totoo pero there's no harm naman in doing so diba?


Since mga one month pa bago ko makuha ang uniform ko, I decided to wear a blue striped polo-shirt, slim-fit jeans paired with my blue soled dark gray suede edition Roshe Run. Wala lang. First impression lasts diba?


Around six am ay bumiyahe na ako papasok sa school. As expected Monday morning has a high traffic volume. Buti nalang at medyo maaga ako umalis kaya nakarating ako ng school ng mga 15 minutes before the flag ceremony. Yes, we do have flag ceremony. Uso yun sa school namin e. And besides it is also to honor our country diba?


Medyo nahiya pa nga ako pagdating ko kasi ako lang ang studyanteng naka kotse. Pinagtitinginan tuloy ako paglabas ko ng kotse. Wala rin kasing dedicated parking lot. Pero pwede namang mag park doon malapit sa Admin building.


Hindi ko nalang masyadong pinansin ang mga napatingin sakin. Medyo nakayuko lang akong tumungo sa harap multipurpose hall kung saan nag a-assemble a ang mga studyante.


Siyempre, doon ako pumunta kung saan nakabuklod ang mga freshmen. Eekk! Freshman na ako. Ang saya lang.


But the problem is, di ko alam kung saan pipila.


"Girl! Papalicious tayo ngayon ah. Ang feslak at ang wardrobe award! Witit kita na knowsung. Nag double double pa akey!" Napabalikwas ako sa narinig.


"Tessy? Is that you?" natanong ko sa gulat.


Halos di ko siya makilala. Ibang iba ang aura niya. Lalo na't sobrang simple lang ng suot niya ngayon hindi katulad noong nag papaenroll kami. She's just wearing a white medium shirt na nakatupi ng dalawang beses ang manggas, blue slimfit jeans, sneakers, straight na straight ang buhok na mukhang pinarebond, naka ball cap din siya na medyo askew ang dila. Hindi rin siya naka shoulderbag. Instead she's using a drawstring sling backpack.


"Yiz! Akechiwa itey! The lovely, adorable, and most beautiful Stacey Del Ocampo, from the land of promise, Davao City! I thank you. Ganern! Ganda ko no? Tiboli ka na sakin niyan?"


"Hmpf! Daming sinabi. Nagulat lang naman ako sa pagsulpot mo."


"Wehh? Pero girl ah, pogay na pogay ka!


"Che! Pogay ka diyan. Straight ako no!" singhal ko sa kaniya sabay irap. "Umayos na nga tayo. Saan ba pila?"


Tiningnan niya lang ako ng may ngiting tagumpay which I don't get kasi ano naman ang pinagtagumpayan niya diba? Like duh! Eww!


"Ano na naman?" tanong ko.


"Waleychi. Tarabells gora tayo doon. Doon ang mga freshies."

A Man's Life [Season Two]Where stories live. Discover now