VI

858 36 11
                                    

Orientation day namin at excited ako. Siyempre, it's time to meet new people. Makipagfriends (hopefully). Di ba? One week nalang pasukan na. Actually, tapos na talaga ang orientation para sa mga Mechanical Engineering Students. Hindi nga lang ako nakapunta kasi nagpasama pa si mama na magpa-diamond peel. Siyempre naki-diamond peel nadin ako. Kaya hindi ako nakapunta noon.


At ngayon, sisiguraduhin kong makakapunta na. Wala namang consequence kung makapunta or hindi. Pero much better parin na puntahan ko diba? Malay niyo... mag-work. Since 1pm pa naman ang orientation, balak kong bumiyahe ng 11am. At dahil napaaga ang pag-gayak ko, 8am palang ay ready na ako.


Naiwan akong mag-isa sa bahay dahil maagang umalis si mama. Wala naman akong magawa kaya naisipan kong pumunta kina Charlie.


Nasa harap na ako ng bahay nila nang maalalang Monday nga pala at pasukan na sa USTe. Akma na akong babalik nang marinig ko si Mama Matilda na tinawag ako.


"Chan-Chan! Naku buti nalang at napadaan ka. May pupuntahan ka ba? May sakit kasi si Charlie at kinakailangan kong umalis. Pwede mo ba siyang bantayan saglit? Tinawagan ko na din naman ang mga kuya niya at papunta na din sila kaya di naman siguro ganoon katagal kang maghihintay. Salamat ha! Sige aalis na ako." Agad na din siyang umalis pagkasabi.


Ni hindi man lang ako nakasagot. Ni hindi man lang ako nakapag-explain. Ni hindi ko man lang nasabi ang side ko. Ni hindi man lang ako naka-oo or naka-hindi. Umalis na. Ano pa nga bang magagawa ko?


Pumasok na ako sa tarangkahan nila at agad pinuntahan si Charlie sa kwarto nila.


"Charlie? Charlie!" tawag ko sabay silip sa kwarto nila.


"O, Chad-Chad! Dapadalaw ka. La ka ba padok?" sabi niya sa akin sabay dungaw mula sa pagkakabalot niya ng kumot. Tiningnan ko ang ginagawa niya. Duh, what do I expect? Naglalaro lang naman siya ng PSP.


"Ahm... Next week pa. Kamusta ka na pala?"


"Ok damad," sagot niya sabay balik sa nilalaro. Kita mo tong babaeng to. May sakit na nga't lahat lahat e nagpi-PSP pa din.


"Ah sige. Pag may kailangan ka, tawagin mo lang ako. Nasa sala lang ako. Pahinga ka nalang diyan."


"Odey!"


Kakatapak ko lang sa sala nila nang maramdaman kong may sumusunod sakin. Paglingon ko, nakita ko si Charlie na sinusubukang ngumiti. Naka pajama siya at nakatalukbong ng kumot sa likod.


"Bakit?" tanong ko.


"Adam mo ba? Nud nakadaan adaw..." and there she goes on telling me what happened to her week.


Pero kahit gaano niya ka sinusubukang magkwento ng masigla, halata pa ding parang hirap siya. Yun bang maya-maya sisinghot siya, hahatsing, uubo. Haay nako. Hindi ako sanay na makita siyang matamlay, na may sakit. Pero ang nakakatuwang nakakairita, makulit pa rin. Soooo typical her.


"Charlie... magpahinga ka kaya muna! Kadiri ka, kanina ka pa singhot nang singhot."


A Man's Life [Season Two]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon