II

2.2K 110 31
                                    

It took almost five minutes bago nag sink in ang sinabi niya.

Over! Ang judgmental ah! Wala lang girlfriend gay agad? At isa pa, I don't play with dolls! Wala na kaya si Ken! Idinonate ko na sa Jollibee. At kung tinutukoy niyang dolls ay ang mga stuffed toys ko, well hindi sila dolls. They are stuffed toys. Stuffed toys! Magkaiba ‘yon!

Sinundan ko siya sa kwarto upang pagsabihan. Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko siyang nagbibihis.

"What? Are you peeking on me? Shameless fag," sabi niya.

My jaw dropped sa sinabi niya. How on earth had he come up with that idea? So gross! And he’s so foul-mouthed.

"You are mean!" sabi ko nang mabawi ang boses ko. "And rude, and judgmental.”

Hindi naman niya ako pinansin at sumampa sa kama. Umupo siyang naka indian seat at nakasandal sa headboard. Naglagay ng headphone sa tenga niya at tumutok na naman sa cellphone.

"By the way, I'm the guest here. This is my bed so find yourself somewhere else to sleep."

"Hindi pwede! Susumbong kita kay tito!"

"Sore loser. Go tell on me! Cause that's where you are good at, right? Asking sympathy from everybody. Tch!"

"I hate you!"

Hindi niya ako pinansin. True to his word, siya ang natulog sa kama. Sa gitna pa talaga siya pumuwesto. Naka padiagonal pa. Ayaw talagang magpatabi. Nagdala nalang tuloy ako ng unan at kumot sa library at doon nagpalipas ng gabi.

Kinaumagahan, sinabi ko kay mama ang nangyari. Pero sabi sa akin ni mama, hayaan ko nalang daw. Ako nalang daw ang magpaubaya. Ako daw ang mas nakakatanda. Kaya no choice ako.

Hindi ko na binalik sa kwarto ang unan at kumot. Iniwan ko nalang sa library. Tapos, pumunta ako ng kwarto para kumuha ng pamalit ng damit. Si Cholo, tulog na tulog pa din sa kama. Sarap ng buhay niya eh.

Para naman maaliw ako ay sumama ako kina mama sa pamamalengke. Binili namin ang lahat ng sangkap na lulutuin para sa reunion. Tumulong din ako sa pagbabalat ng ibang sahog para mapadali ang pagluluto kinabukasan. Hindi ko man lang namataan ang dalawang pinsan kong lalaki. Si Camille kasi ay magiliw na magiliw makipagkwentuhan kay tita Charlene.

Kinagabihan ay sa library ulit ako natulog. Nagising nalang ako sa marahang tapik ni tita Charlene.

"Oh Chan-Chan baby? Bakit dito ka natulog?"

"Eh kasi po... Nagbasa po kasi ako ng libro kagabi. Eh tinamad na po akong pumunta ng kwarto," pagsisinungaling ko.  "Ganoon ba? Sige na. Mag-ayos ka na. Tulong ka na din sa paghahanda para sa reunion mamaya."

Sinunod ko naman si tita. Nagulat ako pagkapasok ko ng kwarto. Akala mo dinaanan ng ipo-ipo! Ang kalat! Swear! Hindi man lang nakaayos ang higaan. Nasa baba pa ang isang unan tapos nakapulupot sa ibabaw ng kama ang kumot.

A Man's Life [Season Two]Where stories live. Discover now