2

165 66 2
                                    

warning: verbal abuse


Ilang linggo na nakalipas simula nung nagstart ang klase. Nagsimula na rin maging komportable ang mga kaklase ko sa isa't isa kaya maingay na sa room. 


Nakahalumbaba lang ako naghihintay ng next class ng inaya ako ni naomi na samahan sya.


Madaming tao napapatingin kay naomi habang naglalakad kami pero mukhang wala naman syang pakialam. 


May mga iba na napapatingin sa kanya dahil nagagandahan pero may mga iba rin na hindi maganda ang sinasabi sa kanya nagsimula yon nung nagsagutan sila ni jonas sa klase.


"Sya yon diba, yung akala mo kung sino umasta sa harap ni jonas." Dirediretso lang sya naglakad pabalik sa room.


"Naomi nakapagsulat ka na ba kung sino magiging kapartner mo sa project? Ipapasa ko na kasi mamaya." pinakita ni vincent ang list para makapagsulat si naomi. 


Sya yung class representative namin pero nung nagkaroon ng class election na nominate sya as class president. 


Wala naman daw syang problema dahil sanay na sya sa mga ganon and kilala naman sya ng lahat ng teacher as a role model student.


"Akira tayo na lang partner ha!" hindi ko na nasagot si naomi dahil sinulat nya na ang pangalan namin dalawa.


Hindi ko alam bakit dikit ng dikit si naomi sa akin. Akala ko nung una ay kinakausap nya lang ako dahil nagkataon lang na nagkatabi kami ng upuan nung first day.


Hindi naman sa ayaw ko na maging kaybigan sya pero di ko lang maisip ano meron sa akin bat sya sunod ng sunod, wala ako sa level nya.


Lalabas sana ako para maglakad muna pero napansin ako agad ni naomi at sinabi na sasama daw sya sa akin. 


Ano pa nga ba magagawa ko? tumayo sya at pinulupot agad ang braso nya sa braso ko. Tahimik lang kami naglalakad sa hallway


"Akira... Am I making you uncomfortable?" hiniwalay nya ang kapit nya at naka yuko lang sya.


"Huh?" tanong ko nagtataka saan galing yon.


"Ewan ko. I just feel na baka hindi ka komportable sa akin. May nagawa ba ako? Ayaw mo ba sa akin?!" Mukha syang tuta na medyo paiyak na.


Pinagtitignan kami ng mga dumadaan dahil medyo lumakas ang boses nya nagtataka kung ano meron, lovers quarrel daw ba?


"Teka, nagkakamali ka ata ng pag kakaintindi." Hindi ko alam pano ba ako magpapaliwanag.


Naghihintay sya ng sasabihin ko wearing the same face. Mukha na talaga kaming may lovers quarrel dahil sa sagot ko.


"Ok ka naman ba sa akin?" napalitan ang itsura nya ng pagtataka sa tanong.


The Art of Stars (Celestial Series #1)Where stories live. Discover now